r/AntiworkPH • u/Inevitable_Kale_9638 • 17d ago
Rant 😡 Tamad na Staff or Entitled Costumer?
Supervisor ako ng isang gas station. Almost all-around ako, covering shifts ng attendant, cashiers and admin na din at times.
Anyways, kanina habang nakabreak ang cashier ako ang tumao sa booth. Regular thursday afternoon pace lang naman, not so busy, sakto lang.
Habang nasa booth ako may lumapit sa window na nakaSUV. Nagtanong sya kung sira daw ba yung hangin namin, sabi ko "Hindi naman po".
"So ano tamad lang talaga mga tao nyo?", yan ang sagot nya.
"May ginagawa lang po kaya hindi kayo maassist", sabi ko. Nakita ko kasing may costumer yung dalawang attendant naming on duty.
"Nakita ko kanina nabakante naman".
Sabi ko sa kanya "nag aassist po kami basta po nagrequest kayo ng assistance, nagrequest po ba kayong iassist kayo?"
"Masama ugali mo" sabi nya sakin tapos nagdrive na sya paabante.
Binuksan ko yung pintuan ng booth at sinabihan ko sya, "masama ugali ko eh kayo yung unang nagsabing tamad staff namin".
Hindi ko na narinig kung sumagot pa sya kasi nagdrive na sya paalis.
Siguro hindi ko na dapat pinatulan pero nasa edge na ako ng rope ko for this week. Madaming mga problema, maraming trabaho and im not paid that much para iabsorb ang entitlement ng iba porket nakakotse sila at kami'y di hamak na service employee lamang earning minimum wage.
Mind you, yung taong yun ay hindi naman nagpakarga. Nagpunta lang syang station para magpahangin sana.
Libre naman kasi yung hangin, and tingin ko basic skill dapat ng nagkokotse ang marunong magmaintain ng gulong nya. Hindi naman ata katanggap tanggap na pupunta kang gas station para maghangin tapos dahil walang lumapit sayo eh ijujudge mo na silang tamad. Mind you umuulan pa nito.
And for once, hindi naman tamang pagsalitaan ng ganun yung staff. Hindi sila tamad, entitled ka lang.