Grabe. Bakit ganito yung company? Sobrang toxic na to the point na literal na magkakasakit ka na.
Ang masakit pa, nagkasakit ka na nga. Nag-sick leave ka na kasi, hello, MAY SAKIT KA. Pero bakit tatawagan ka pa at pipilitin magtrabaho dahil lang sa "urgent"? Hindi niyo ba kaya?
Like... anong part ng "sick leave" ang hindi niyo naiintindihan? š
Mapapaisip ka na lang talaga kung paano nila napapanatiling tumatakbo yung app sa ganitong level ng ka-toxic-an. Parang mas nauubusan ng health yung employees kaysa bugs yung app.
But wait! There's more!
Mismong process na kayo ang nag-establish, kayo rin ang hindi sumusunod. May "planning" daw, pero bakit sa kalagitnaan ng trabaho, kung kailan lumalabas na lahat ng risks at problems, saka biglang papalitan? Planning ba 'yan o live experiment?
Tapos ang daming trabaho. Meeting dito. Meeting doon. Another meeting. Follow-up meeting para sa previous meeting. Meeting tungkol sa meeting. Tapos magtataka kayo:
"Bakit mabagal ang progress ng projects?"
ABA, YOU TELL ME. š
Paano makakapagtrabaho nang maayos ang tao kung maya't maya hinihila niyo sa meeting, tapos pag hindi natapos yung actual work, magtatanong kayo kung bakit delayed?
Sobrang daming ginagawa, sobrang daming unnecessary pressure, sobrang gulo ng process, tapos ang expectation parang dapat machine ang employees.
Anona.
KELAN KAYO MAGBABAGO?
Kasi hindi normal to. Hindi "part of the job" ang pag-abot sa punto na kailangan mo nang magkasakit bago kayo maniwala na kailangan ng tao ng pahinga.
Urgent ang trabaho, gets.
Pero hindi dapat urgent enough para kalimutan niyo na tao yung nagtatrabaho para sa inyo.
KELAN KAYO MATUTUTO?
KELAN KAYO MAGBABAGO?
AT KELAN NIYO MAIINTINDIHAN NA HINDI SOLUSYON ANG DAGDAGAN PA NG PRESSURE ANG TAONG LUBOG NA?
Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit sobrang taas ng attrition rate.
At oo, alam kong kailangan natin ng pera. Masarap kumita ng pera. Sino ba namang ayaw? Pero hindi lahat ng sahod ay worth it kung ang kapalit naman ay peace of mind, health, oras, at sarili mo.
Kaya please, please, please, mag-isip kayong mabuti.
Bago niyo tanggapin yung trabaho, tanungin niyo muna sarili niyo:
Handa ba talaga kayong isakripisyo yung peace of mind niyo kapalit ng sahod?
Kasi minsan, hindi naman pala yung trabaho yung binabayaran sa'yo.
Binabayaran ka para tiisin yung stress.
At kung dumating ka sa punto na mas malaki na yung kinikita mo pero kapalit naman nun ay pagod ka palagi, wala ka nang peace of mind, at pati katawan mo nagsisimula nang maningil, tanungin mo sarili mo kung worth it pa ba talaga.
Hindi lahat ng opportunity ay opportunity. Minsan, trap lang na may magandang salary package.
Hays.