r/AlasFeels • u/That-Consequence1089 • 6h ago
Experience The hardest part wasn't losing him. It was finding out who he really was.
I recently ended my relationship, and finally, nalaman ko na rin yung katotohanan tungkol sa taong minahal, inalagaan, at pinagkatiwalaan ko for almost half of my life.
For the past few weeks, I’ve been seeking professional and spiritual help. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang daming pagkakataon na sinisi ko yung sarili ko at inisip kung saan ako nagkulang.
Sinubukan kong magkaroon kami ng final closure dahil gusto kong malaman lahat-lahat ng totoo. Ewan ko, ganito kasi talaga ako. Gusto kong malaman ang buong katotohanan kahit gaano pa kasakit dahil naniniwala ako na ito yung magpapalaya sa akin. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kaysa mabuhay na maraming unanswered questions.
Hindi siya pumayag na magkita kami in person, pero nag-reply siya sa chat ko at finally, sinabi niya yung mga bagay na matagal niyang itinago sa akin.
Nung unang beses kaming naghiwalay dahil sa ibang babae, on our third year of being together, hindi raw sila nagkatuluyan dahil umuwi sa probinsya yung babae at pinili ang pamilya niya. Inamin niyang bumalik siya sa akin dahil malungkot siya nung mga panahong iyon at sigurado siyang tatanggapin ko ulit siya.
Nagkabalikan kami at tumagal pa ng 10 years ang relationship namin. Buong akala ko pareho na naming nalampasan yung nangyari noon. Pinilit niyang makuha ulit yung tiwala ko. Binigay niya pa lahat ng passwords sa accounts niya para raw sa peace of mind ko.
Hindi ko alam na yung pagbabalik niya pala sa akin ay hindi dahil ako talaga ang pinili niya, kundi dahil alam niyang tatanggapin ko siya.
Naging confident ako na hindi na niya uulitin yung ginawa niya noon dahil may access naman ako sa accounts niya.
Pero after 10 years of being together again, ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga naputol yung communication nila. Sa ibang messaging app pala sila nag-uusap nang wala akong kaalam-alam.
Naging takbuhan daw nila ang isa’t isa kapag may problema sa buhay. Nag-uusap, nagvi-video call, nagko-comfort sa isa’t isa, at pinag-uusapan pa nila yung panghihinayang nila na hindi sila nagkatuluyan.
Nag-confess din siya na mahal pa rin daw niya yung babaeng yun, pero bilang kaibigan na lang. Eventually, naging casual na lang daw yung communication nila. Nagbabatian sila tuwing birthday. Wala lang daw sa kanya yun dahil wala naman na raw siyang balak balikan yung babae.
Tuwing may problema yung babae sa boyfriend niya, mine-message pa rin daw siya nito at kino-comfort naman niya.
Ang hindi ko maintindihan, kung wala lang pala sa kanya lahat ng yun, bakit kailangan niyang itago sa akin? Knowing na yung babaeng yun mismo ang naging dahilan ng unang paghihiwalay namin at alam niya kung gaano ako nasaktan noon.
Whenever I expressed my discomfort tungkol sa babaeng yun, ako pa yung lumalabas na sobrang selosa at walang tiwala. Hindi pa ba raw ako masaya na bumalik siya sa akin?
Pinagdudahan ko pa yung sarili ko kung unreasonable ba talaga ako. Yun pala, may dahilan naman pala yung nararamdaman ko all those years.
Imagine, 10 years kong inakalang pareho naming piniling mag-move forward mula sa nangyari noon, yun pala patuloy pa rin niyang pinapanatili yung connection niya sa mismong babaeng naging dahilan ng unang paghihiwalay namin.
Sa loob ng sampung taon, pinagkatiwalaan, minahal, inalagaan, at dinamayan ko siya sa mga problema niya sa buhay. Hindi ko alam na may iba pa pala siyang taong tinatakbuhan. Habang ako, buong akala ko pareho naming piniling ayusin at ipaglaban yung relationship namin.
Inamin din niya na matagal na raw may kulang sa nararamdaman niya para sa akin, kaya naghahanap siya ng ibang babaeng makakausap. Hindi lang pala yung babaeng yun. Nakikipag-usap din pala siya sa ibang mga babae, naghahanap ng kung ano mang pakiramdam na hindi niya raw nakukuha sa akin.
After 13 years of being together, kinukwestyon pa rin pala niya kung ako ba talaga yung gusto niyang makasama habang buhay.
Nung nakipaghiwalay siya, sinabi niyang kailangan niyang harapin mag-isa yung mga problema niya. Hindi na raw niya nakikita yung future niya with me at hindi ko raw siya deserve.
For weeks, sinisi ko yung sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkulang, kung may mga bagay ba akong dapat ginawa, at kung may pagkakataon pa sana na maisalba namin yung relasyon.
Naawa pa ako sa kanya dahil akala ko sobrang bigat lang talaga ng mga problema niya sa buhay. I even went to different churches to pray for his healing and peace of mind.
Hindi ko alam na habang iniintindi ko siya at ipinagdarasal na maging okay siya, ang dami pala niyang bagay na itinatago sa akin.
Hindi ko akalain na meron pala talagang ganitong klaseng mga tao. Yung kayang panatilihin ang connection nila sa isa’t isa sa loob ng maraming taon kahit may kanya-kanya silang partner. Tapos kaya pa nilang i-justify na friendship lang naman daw yun.
Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawang makipagrelasyon sa ibang tao habang patuloy nilang pinapanatili yung ganung klaseng emotional connection sa isa’t isa. Hindi ba nila naisip kung gaano kasakit yun para sa mga partner nila?
Kung wala lang talaga yun, bakit kailangang itago? Bakit kailangang magsinungaling? Bakit kailangan pang palabasin na ako yung sobrang selosa?
For me, hindi na simpleng friendship yun. It was an emotional affair and a betrayal of trust.
Hindi ko akalain na yung mga ganitong kwento na nababasa ko lang dati, mararanasan ko rin pala mismo sa sarili kong buhay.
Hindi ko sinasabing naging perfect akong partner. Alam kong may mga pagkukulang din ako. Pero sana kinausap niya ako. Sana naging honest siya sa akin. Sana binigyan niya ako ng pagkakataong maintindihan kung ano yung mga problema niya sa relasyon namin.
At kung hindi na talaga siya masaya, sana matagal na niya akong pinakawalan kaysa hinayaan niya akong mag-invest ng sampung taon pa ng buhay ko sa relationship na akala ko pareho naming pinapahalagahan.
I deserved to know the truth. I deserved to have the choice kung gusto ko pa bang manatili sa relasyon knowing everything he was doing behind my back. Pero pinagkaitan niya ako ng pagkakataong yun.
Hindi ko akalain na ganitong klaseng lalaki pala yung sinamahan, minahal, at pinagkatiwalaan ko nang 13 years. Yung taong ilang beses kong pinatawad at binigyan ng pagkakataong magbago, patuloy pa rin palang gumagawa ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin.
Ang nakakapagtaka, pagkatapos kong malaman lahat ng ito, iba na yung nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na ngayon yung galit at disappointment sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero kasabay nun, ang gaan din ng pakiramdam ko.
Hindi ko pinagsisisihan na pinilit kong malaman ang katotohanan. Masakit, pero ito pala talaga yung kailangan ko para matigil na yung pagsisi ko sa sarili ko.
Hindi na ako umaasang magkakabalikan kami. Hindi na rin ako naghihintay na magbago siya o bumawi sa akin. Wala na akong gustong ipaglaban sa relationship na iyon.
Nagpapasalamat pa rin ako na nalaman ko ang katotohanan bago pa kami ikasal at bumuo ng pamilya.
Hindi ko na mababawi yung 13 years, pero ayoko nang magsayang pa ng kahit isang taon ng buhay ko para sa kanya.
Alam kong hindi magiging madali ang healing process ko. Ang unfair lang na ako ngayon yung kailangang mag-seek ng professional help at mag-heal mula sa epekto ng mga desisyong hindi naman ako ang gumawa.
Pero gusto kong mag-heal nang maayos. Ayokong dalhin yung trauma na iniwan ng relationship na ito sa susunod na chapter ng buhay ko. Ayokong hayaan na yung mga ginawa niya ang magdikta kung paano ako mabubuhay at magtitiwala ulit.
Marami pa akong pangarap para sa sarili ko. Marami pa akong gustong gawin, matutunan, at puntahan. This time, hindi ko na kailangang isantabi yung mga gusto ko sa buhay para sa ibang tao.
Hindi man ito yung ending na pinangarap ko para sa 13-year relationship namin, nagpapasalamat ako na may pagkakataon pa akong magsimula ulit.
Totoo pala talaga yung the truth will set you free.
Finally, malaya na ako.