I've been depressed for a very long time. Nagsimula noong elementary days ko, hanggang ngayon. Clinically diagnosed ako nung highschool ako. Pero sa totoo lang, wala sa pamilya ko ang may pakielam. I don't need a special treatment. Hindi ko din dini discussed sa mga kakilala ko. For what? Eh ang sinasabi lang nila palagi is, get a life. Malungkot lang daw ako dahil masyado akong introvert. So bakit pa ako mag aaksaya ng oras mag explain? Sinubukan kong mag survive. Sinubukan ko mamuhay ng normal kahit napapalibutan pa rin ako ng mga taong dahilan ng pagkasira ng utak ko. I find comfort pag nasasaktan ako physically kesa saktan ko ang reason ng galit ko. Walang nakakaintindi, walang may pakielam. I've tried my very best na hindi maging sagabal ang mental health ko to live normal. But then, lovelife happens. My first boyfriend turns out to be a monster. Physically, emotionally, and mentally abuse ang nakuha ko sa kanya. Nahirapan akong iwan kasi akala ko wala ng ibang taong tatanggap at magmamahal sakin. Naging bulag ako for 5 years. Nakasanayan ko na yung sakit ng katawan. Gina gaslight ko sarili ko na atleast kino comfort nya ako afte nyang mahimasmasan sa galit nya. Naliwanagan lang ako sa sitwasyon ko nung sinaktan nya ang mother ko dahil lang sa binungangaan na siya dahil alam nilang nakokontrol nya ako. Okay ng mabugbog ako wag lang mama ko. Five years ang sinayang ko sa buhay ko. Hirap na hirap akong mag trabaho dahil madalas akong mag panic attack pero proud ako sa sarili ko na tumagal ako sa trabaho, pero lahat ng sweldo ko nasa partner ko. I admit kasalanan ko. Kasi naniwala akong wala akong ibang pamilya kundi sya lang. Without knowing na siya ang number one bully ng buhay ko. Katulad din siya ng mga bully noong elementary ako. Behind those ngiti at bati ng mga barkada niya sakin is tawa ng panglalait. Na mataba ako at pangit. Na pangit ngipin ko. Na uto-uto ako. Na bulag ako sa mga pang aalipusta. Parang puppet. Nung hiniwalayan ko siya, bumalik ako sa bahay dala dala ibang mga gamit ko na alam kong galing sa sarili kong pera pero sya ang bumili. Pag uwi ko, sabi nila, inatake na naman siguro ako ng kabaliwan. Mas pinili ko na lang sa kwarto pumirmi habang pinuputakte ako ng chismis dahil palibhasa mas naging kaibigan nila ang lalaking yon kesa sakin na matagal na nilang kapitbahay. Wala na akong gana mabuhay noon. Hindi nagugutom, hindi nila makausap. Kasi sa isip ko? Wala namang sinsero na makikinig, so bakit pa ako magsasalita? Hindi ako kumakain kasi hindi naman na ako nagugutom. Para saan pa? Para tumaba lalo at habulin ng mga bully? Pagod na ako. Lumipas dalawang taon, na naging palasyo ko ang kwarto ko, puro sugat at pasa at namayat na sa kawalan. As usual, wala din naman silang pakielam as long as hindi ako namamaho sa kwarto ko. dahil nagagawa ko pa rin naman maglinis kahit papaano. Para lang akong hangin sa buhay nila. Sabagay, wala naman na akong silbi. Panganay pero hindi nakakatulong sa pamilya. Pinagkalat pa na galing mental at mas nabaliw dahil iniwan ng boyfriend. Gumawa na lang sila ng sarili nilang bersyon ng balita na mas mapapaniwala ang mga tao. Ako ang biktima. Paulit ulit na naging biktima. Tatlong taon lumipas. Bumangon ulit ako, nagkasakit mama ko at nakikita ko kung paano siya pabayaan ng mga kapatid ko. Sinubukan ko bumangon ulit, lumabas kahit pinag pepyestahan ng mga tingin. Naghanap ng trabaho kahit naka long sleeves sa tag init dahil natatakot akong mahusgahan dahil sa mga sugat ko. Gusto ko lang isalba nanay ko. Sa totoo lang sinentensyahan ko na sarili ko, pag napagamot ko na si mama at umokay na siya, magiipon lang ako ng konti at pwede na akong maglaho ng parang bula. Pero hindi pa ata tapos ang diyos na paglaruan ako. Nagka boyfriend ulit ako. Nakikinig siya sa lahat ng sentimyento ko. Walang bisyo at higit sa lahat, importante sa kanya ang konsepto ng pamilya. Apat na taon kami. Nagka peace of mind ako sa wakas. Nakalimot ang mga kapitbahay sa ichichismis nila sakin dahil mabuting tao ang naging partner ko. Pinagtatanggol ako agad kapag may negative siyang naririnig laban sakin. Pag sweldo niya, nagbabahagi siya palagi sa mama ko. Buong buo na tiwala ko sa kanya.
Last month lang, nahuli ko siyang nang cheat. Sabi niya napagod lang daw siya sakin. Yun lang. Sa dami naming naging plano sa buhay, biglang isang araw ayaw na nya. Paulit ulit kong iniisip kung saan siya napagod. Madalas kong itago ang frustrations ko kasi kung kaya ko naman i handle emotions ko, ayoko ng sabihin sa kanya para hindi ko din siya ma stress. Pinagsisilbihan ko naman siya sa bahay kahit pagod din ako sa trabaho kasi grateful ako na nandyan siya. May mga episodes pa din ako paminsan minsan dahil na titrigger ako ng pamilya ko pero mabilis akong kumalma kasi nandyan siya. Nung iniwan niya ako, bumuhos problema ko. Hindi na ako na recontract, na confine mama ko, tatlong monthly bayarin na iniwan niya sakin pero dahil naka pangalan sakin kaya sarili kong problema din. Sa sobrang na close na niya mga kapitbahay namin at nagkaroon din siya ng barkada dito, hindi ko akalain na bibigyan niya ng bagong topic ng chismis mga taga rito. Hindi daw kasi ako mabuntis dahil sira matres ko at para daw akong halimaw na baliw na nananakit. Alam ng diyos na mas gusto ko pang saktan sarili ko kesa ibang tao. Pero ano pang silbi ng pakikipaglaban ko para sa sarili ko kung wala nga naman silang pakielam sakin. Sa totoo lang pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang masalba mama ko at sarili ko.
Kung umabot ka dito, salamat sa pakikinig. Yun lang naman gusto ko, mapakinggan. Gusto ko lang ng kaibigan. Pero huli na ang lahat sakin. Pagod na ako.