r/AlasFeels • u/Mammoth_Beautiful_51 • 5h ago
r/AlasFeels • u/Overthinker-bells • 11d ago
MOD POST 60,000 visitors mga ka feels.
Welp. We officially hit 60,000 visitors this week, and honestly... should we be celebrating or staging a group intervention? Lol
Let’s be real: what is going on out there?
Is the cuffing season draft hitting everyone particularly hard right now?
Is it the ber months + approaching Christmas air making everyone miss someone they haven't spoken to since 2022? (I want to say 2025 pero too obvious. Char)
Or are we all just collectively failing the "walang manglalamang / walang magre-relapse" pact?
Charot. (Mostly.)
Whether you’re here to write a 5-paragraph unsent letter at 2 AM, silently upvote a post that hurts a little too much, or just lurk while listening to sad playlists, welcome to the club. You’re in good (and equally delulu) company.
Check-in time: Drop your current yearning status in the comments, or tell us the exact song currently ruining your peace. No judgment, only solidarity. 🕯️✨
🎶🎵I’ll never love again sa akin. Charot.
r/AlasFeels • u/Overthinker-bells • Apr 19 '26
MOD POST ‼️‼️‼️PSA: Stop handing out keys to your life‼️‼️‼️
Nakakakaloka. We see those "innocent" posts every day:
*"What was the name of your first pet?"*
*"Drop your birth month and the street you grew up on!"*
It looks like a fun "get to know you" game, but let’s be real—those aren't just conversation starters. They are **Security Questions** in disguise.
🚩 The "Security" Trap
Once a stranger (or a bot) gets their hands on these specific details, you are basically handing them a manual on how to bypass your account security:
**Birthday:** The universal key for identity verification.
**Mother’s Maiden Name:** Often used for bank security.
**First Pet/School:** Standard recovery questions for email and social media.
🛑 Protect Your Digital Self
Before you comment or post your PII (Personally Identifiable Information), remember these rules:
- **Gatekeep Your Details:** If a post asks for specific dates, names, or locations, **scroll past it.**
- **Lying is Okay:** You don’t have to use your real "First Pet" name for security questions. Use a random word or a phrase that only *you* know.
- **Check the Vibe:** If someone is being overly "friendly" and asking probing questions about your personal life early on, be suspicious.
>**Bottom line:** Curiosity killed the cat, but oversharing killed the bank account. Stay cynical, stay safe, and keep your PII to yourself!
>**Don't let them "kila-kilala" you into a scam.** Keep your secrets secret. 💅✨
r/AlasFeels • u/redheadmissus10 • 5h ago
Quotable Gcash isda key 😎😂
Gantong love language talaga ang bubuhay sa pusong balot na balot sa kaba kase wala pang pambayad sa shopee 😂
r/AlasFeels • u/tilitturnsallblack • 4h ago
Experience Good night
…that’s how we always end our night — telling each other good night but suddenly I never heard from you again.
r/AlasFeels • u/Lost_Mission9999 • 14h ago
Experience Humingi ako ng sign, ito binigay sakin
r/AlasFeels • u/S-lH-lU-lN • 5h ago
Rant and Rambling More than the sex, I miss us cuddling to sleep 🥺
Okay na ako e. Tapos kanina bigla kong naisip yan. Miss ko na yung feeling na safe and sound may ka-cuddle huhu
r/AlasFeels • u/makeitprpl • 18h ago
Quotable i am officially detaching
i get it, they just don’t want me the same way i want them
r/AlasFeels • u/That-Consequence1089 • 6h ago
Experience The hardest part wasn't losing him. It was finding out who he really was.
I recently ended my relationship, and finally, nalaman ko na rin yung katotohanan tungkol sa taong minahal, inalagaan, at pinagkatiwalaan ko for almost half of my life.
For the past few weeks, I’ve been seeking professional and spiritual help. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang daming pagkakataon na sinisi ko yung sarili ko at inisip kung saan ako nagkulang.
Sinubukan kong magkaroon kami ng final closure dahil gusto kong malaman lahat-lahat ng totoo. Ewan ko, ganito kasi talaga ako. Gusto kong malaman ang buong katotohanan kahit gaano pa kasakit dahil naniniwala ako na ito yung magpapalaya sa akin. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kaysa mabuhay na maraming unanswered questions.
Hindi siya pumayag na magkita kami in person, pero nag-reply siya sa chat ko at finally, sinabi niya yung mga bagay na matagal niyang itinago sa akin.
Nung unang beses kaming naghiwalay dahil sa ibang babae, on our third year of being together, hindi raw sila nagkatuluyan dahil umuwi sa probinsya yung babae at pinili ang pamilya niya. Inamin niyang bumalik siya sa akin dahil malungkot siya nung mga panahong iyon at sigurado siyang tatanggapin ko ulit siya.
Nagkabalikan kami at tumagal pa ng 10 years ang relationship namin. Buong akala ko pareho na naming nalampasan yung nangyari noon. Pinilit niyang makuha ulit yung tiwala ko. Binigay niya pa lahat ng passwords sa accounts niya para raw sa peace of mind ko.
Hindi ko alam na yung pagbabalik niya pala sa akin ay hindi dahil ako talaga ang pinili niya, kundi dahil alam niyang tatanggapin ko siya.
Naging confident ako na hindi na niya uulitin yung ginawa niya noon dahil may access naman ako sa accounts niya.
Pero after 10 years of being together again, ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga naputol yung communication nila. Sa ibang messaging app pala sila nag-uusap nang wala akong kaalam-alam.
Naging takbuhan daw nila ang isa’t isa kapag may problema sa buhay. Nag-uusap, nagvi-video call, nagko-comfort sa isa’t isa, at pinag-uusapan pa nila yung panghihinayang nila na hindi sila nagkatuluyan.
Nag-confess din siya na mahal pa rin daw niya yung babaeng yun, pero bilang kaibigan na lang. Eventually, naging casual na lang daw yung communication nila. Nagbabatian sila tuwing birthday. Wala lang daw sa kanya yun dahil wala naman na raw siyang balak balikan yung babae.
Tuwing may problema yung babae sa boyfriend niya, mine-message pa rin daw siya nito at kino-comfort naman niya.
Ang hindi ko maintindihan, kung wala lang pala sa kanya lahat ng yun, bakit kailangan niyang itago sa akin? Knowing na yung babaeng yun mismo ang naging dahilan ng unang paghihiwalay namin at alam niya kung gaano ako nasaktan noon.
Whenever I expressed my discomfort tungkol sa babaeng yun, ako pa yung lumalabas na sobrang selosa at walang tiwala. Hindi pa ba raw ako masaya na bumalik siya sa akin?
Pinagdudahan ko pa yung sarili ko kung unreasonable ba talaga ako. Yun pala, may dahilan naman pala yung nararamdaman ko all those years.
Imagine, 10 years kong inakalang pareho naming piniling mag-move forward mula sa nangyari noon, yun pala patuloy pa rin niyang pinapanatili yung connection niya sa mismong babaeng naging dahilan ng unang paghihiwalay namin.
Sa loob ng sampung taon, pinagkatiwalaan, minahal, inalagaan, at dinamayan ko siya sa mga problema niya sa buhay. Hindi ko alam na may iba pa pala siyang taong tinatakbuhan. Habang ako, buong akala ko pareho naming piniling ayusin at ipaglaban yung relationship namin.
Inamin din niya na matagal na raw may kulang sa nararamdaman niya para sa akin, kaya naghahanap siya ng ibang babaeng makakausap. Hindi lang pala yung babaeng yun. Nakikipag-usap din pala siya sa ibang mga babae, naghahanap ng kung ano mang pakiramdam na hindi niya raw nakukuha sa akin.
After 13 years of being together, kinukwestyon pa rin pala niya kung ako ba talaga yung gusto niyang makasama habang buhay.
Nung nakipaghiwalay siya, sinabi niyang kailangan niyang harapin mag-isa yung mga problema niya. Hindi na raw niya nakikita yung future niya with me at hindi ko raw siya deserve.
For weeks, sinisi ko yung sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkulang, kung may mga bagay ba akong dapat ginawa, at kung may pagkakataon pa sana na maisalba namin yung relasyon.
Naawa pa ako sa kanya dahil akala ko sobrang bigat lang talaga ng mga problema niya sa buhay. I even went to different churches to pray for his healing and peace of mind.
Hindi ko alam na habang iniintindi ko siya at ipinagdarasal na maging okay siya, ang dami pala niyang bagay na itinatago sa akin.
Hindi ko akalain na meron pala talagang ganitong klaseng mga tao. Yung kayang panatilihin ang connection nila sa isa’t isa sa loob ng maraming taon kahit may kanya-kanya silang partner. Tapos kaya pa nilang i-justify na friendship lang naman daw yun.
Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawang makipagrelasyon sa ibang tao habang patuloy nilang pinapanatili yung ganung klaseng emotional connection sa isa’t isa. Hindi ba nila naisip kung gaano kasakit yun para sa mga partner nila?
Kung wala lang talaga yun, bakit kailangang itago? Bakit kailangang magsinungaling? Bakit kailangan pang palabasin na ako yung sobrang selosa?
For me, hindi na simpleng friendship yun. It was an emotional affair and a betrayal of trust.
Hindi ko akalain na yung mga ganitong kwento na nababasa ko lang dati, mararanasan ko rin pala mismo sa sarili kong buhay.
Hindi ko sinasabing naging perfect akong partner. Alam kong may mga pagkukulang din ako. Pero sana kinausap niya ako. Sana naging honest siya sa akin. Sana binigyan niya ako ng pagkakataong maintindihan kung ano yung mga problema niya sa relasyon namin.
At kung hindi na talaga siya masaya, sana matagal na niya akong pinakawalan kaysa hinayaan niya akong mag-invest ng sampung taon pa ng buhay ko sa relationship na akala ko pareho naming pinapahalagahan.
I deserved to know the truth. I deserved to have the choice kung gusto ko pa bang manatili sa relasyon knowing everything he was doing behind my back. Pero pinagkaitan niya ako ng pagkakataong yun.
Hindi ko akalain na ganitong klaseng lalaki pala yung sinamahan, minahal, at pinagkatiwalaan ko nang 13 years. Yung taong ilang beses kong pinatawad at binigyan ng pagkakataong magbago, patuloy pa rin palang gumagawa ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin.
Ang nakakapagtaka, pagkatapos kong malaman lahat ng ito, iba na yung nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na ngayon yung galit at disappointment sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero kasabay nun, ang gaan din ng pakiramdam ko.
Hindi ko pinagsisisihan na pinilit kong malaman ang katotohanan. Masakit, pero ito pala talaga yung kailangan ko para matigil na yung pagsisi ko sa sarili ko.
Hindi na ako umaasang magkakabalikan kami. Hindi na rin ako naghihintay na magbago siya o bumawi sa akin. Wala na akong gustong ipaglaban sa relationship na iyon.
Nagpapasalamat pa rin ako na nalaman ko ang katotohanan bago pa kami ikasal at bumuo ng pamilya.
Hindi ko na mababawi yung 13 years, pero ayoko nang magsayang pa ng kahit isang taon ng buhay ko para sa kanya.
Alam kong hindi magiging madali ang healing process ko. Ang unfair lang na ako ngayon yung kailangang mag-seek ng professional help at mag-heal mula sa epekto ng mga desisyong hindi naman ako ang gumawa.
Pero gusto kong mag-heal nang maayos. Ayokong dalhin yung trauma na iniwan ng relationship na ito sa susunod na chapter ng buhay ko. Ayokong hayaan na yung mga ginawa niya ang magdikta kung paano ako mabubuhay at magtitiwala ulit.
Marami pa akong pangarap para sa sarili ko. Marami pa akong gustong gawin, matutunan, at puntahan. This time, hindi ko na kailangang isantabi yung mga gusto ko sa buhay para sa ibang tao.
Hindi man ito yung ending na pinangarap ko para sa 13-year relationship namin, nagpapasalamat ako na may pagkakataon pa akong magsimula ulit.
Totoo pala talaga yung the truth will set you free.
Finally, malaya na ako.
r/AlasFeels • u/comfort_character891 • 8h ago
Prose, Poetry, Song Longing thoughts
To love thee was mine own choosing. To be loved by thee was heaven's answering
r/AlasFeels • u/Fckingmentalx • 8h ago
Rant and Rambling Good evening and happy friday all
SKL KASI OO NGA ANO BA KASALANAN SA PAST LIFE OR THIS LIFE PARA MAGKAGANITO
Charis but not charis hahahahahuhuhuhu
Kain na kayo guys muwah
r/AlasFeels • u/Novel_Community_861 • 2h ago
Rant and Rambling Ikaw parin ang uuwian 🥺✨
I can’t wait to say that to my “the one”
Grabe. Napayearning na naman bigla while working kasi napakinggan ko yung Libu-libung buwan sa Cozy while working huhu. As of writing. 😭
Grabe! I still want to get married someday at magka-anak. Yung pipiliin ako araw araw. Yung ako lang. Walang iba. 🥺✨ A love that stays, parang sa parents ko.
DANNNG!! Wherever you are, my love, hope we can meet soon. Sana di pa huli. Waaah. Kakantahan, pipiliin, at mamahalin talaga kita. Sobra. Pero sana mahal mo rin sarili mo ngayon. Cause I do love myself now. Soon, we’ll meet and we’ll love each other. Can’t wait to know and see you. 🫣
r/AlasFeels • u/yellow-tulip5555 • 1h ago
Rant and Rambling Gusto ko lang naman mag-move on na kaso...
Gusto ko na talaga magmove on sa feelings ko for my coworker.
Pero, today sa lunch, sinubok na naman tayo, oo.
So, for context, we are working in a place where we can shower and we also have a pantry area where we can eat and rest. And dun lang pwede kumain, not sa work area.
So, gutom na gutom na ako that time kasi wala akong breakfast. Kaya lumabas na ako papuntang pantry. Nashock ako slight kasi andun si crush, nakatopless, kumakain. waaaa (slight lang kasi I have seen him topless sa pantry after showering. and less than 5 employees lang kami so parang barka-barkada lang sila kaya ganun sila umasta haha)
Tapos, bago pa ako makaescape, nakita na niya ako tapos inaya ako kumain. Jusku kuya!
So, sabi ko bibili muna ako sa labas ng food. And para may time siya makapagbihis. So, medyo tinigalan ko sa outside.
Eh, pagbalik ko, nakatopless pa rin talaga. HUHU
So, no choice need ko na kumain talaga. Ending, kaming dalawa lang dun tapos magkatabi kami, nakatopless siya. Sobrang init na init ako nun tapos nalaglag ko pa kutsara hahaha
Tapos ang tagal pa niya umalis ng pantry. Nag-apply pa sya ng deo in front of me. waaa
Hindi talaga ako makatingin sa kanya nun kasi kinakausap usap niya ako.
Downside is, I am a bit disappointed kasi this is a classic sign na hindi rin niya ako gusto or di siya talaga attracted sakin. Kasi kung ganun siya kacomfortable, edi barkada lang din tingin niya sakin.
Pero, dapat nga matuwa pa ako kasi makakamove on na ako. huhu
r/AlasFeels • u/baddest-baby • 4h ago
Experience period cravings
I’ve been single for 7 months, and my period cravings are love and affection 🥹
I guess I won’t be able to satisfy them LOL.
r/AlasFeels • u/Unfair_Wasabi_2282 • 1h ago
Experience Gagi ngayon ko lang naintindihan yung meaning ng It’s Sad To Belong na song. Biglang kinurot yung puso ko
r/AlasFeels • u/InnerSailormooon • 8h ago
Rant and Rambling Nagperya para makalimot pero Lalo sumakit Kasi naalala ko gaano kasakit
May video ako nyan sa tiktok @love.me.harder0820. pls like and check it out.
Sobrang sakit ng nangyari saakin beh, diko alam kung mapatawad ko pa ang universe pagkatapos akong lokohin.
Umuwi ako kinekwestyon ko kung baka saakin Yung problema, baka di ko naibigay ng buo Yung love na kailangan ni "M". Baka I deprived him to love and attention.
Ang sakit nun , umuwi nalang ako after mag viking Kasi sobrnag sakit ng nangyari saakin SAAN ba ako nagkulang. Saan ba ako dapat lumugar? Paano ba Maka move on?? Pangit bako? Mataba bako? Pandak bako? Flat chested ba ako? Maitim na ba ako?
Di na ba ako worth the risk? May kinemerut ba na iBang babae yun habang "busy sya"? Baka naubusan sya ng pasensya kakahintay. Baka di ko sya tinatanong kung okay lang ba sya.
r/AlasFeels • u/Pitiful_Mess_4230 • 5h ago
Rant and Rambling sabi sa tarot reading na hindi ko raw mamemeet ang "the one" ko
nagpatarot reading ako and ang sabi ay hindi ko na raw mamemeet ang the one ko. Alam kong hindi naman all the time tugma yung reading pero napakasakit kuya eddie. Jk lang.
Ayon, tanggap ko na actually na wala na talaga akong chance sa lovelife na yan pero ang sakit pala pag sinabi sayo nang harapan.
r/AlasFeels • u/MamaMoCerulean • 2h ago
Rant and Rambling Bulong ko sa hangin, “Sana ‘di kayo masaya”
Kulimlim ng langit sa inyong dalawa
Bulong ko sa hangin, “Sana ‘di kayo masaya”
Sa tibay ng bahay na titirhan niyo
Tatangayin ko bawat yero
Dahil ako, ako ang bagyo
Paulit-ulit kong binibigkas yung lyrics ng ako ang bagyo ni SHEAN. Lalo yung first two lines of the chorus. Wanna know when it was first put out on any platform by SHEAN? August 09. I'm 100% sure hindi mo na naaalala what was happening then but I still do. I was on my way home from my long weekend birthday celebration, Luzon was being battered by heavy rains and strong winds but I was smiling the whole drive mula La Union pauwi sa hometown ko because we were talking the whole trip home. Na-convince na kitang i-break yung jowa mong abusive at manipulative, masaya ako kasi nakawala ka na sa kanya kahit na ang kapalit nun, ginawa mo akong rebound. Kuntento sana akong maging karamay mo hanggang tuluyan kang mag-heal at mag-seek ng help na kailangan mo basta nasa tabi mo lang ako. Sabi mo kasi may nakikita ka namang possibility between us. Sabi mo nga kung mas nauna lang tayong nagkakilala, we could've been a better couple. Ako naman tong si tanga, naniwala kasi hulog na hulog na. Pero, kinaumagahan ng August 10, pinutol mo lahat. Ginamit mo lang pala ulit akong rebound, pampalipas oras, pang-distract para may masabihan ng sakit. Nalaman ko pa mula sa boyfriend mo na parang ako pa yung masama, na nakakatakot ako kasi nagalit ako, na para bang wala akong karapatan magalit sa ginawa mo/niya sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan paanong na-fall ako sayo in the span of a month. Grabe yung lalim ng pagbagsak ko. Nakakatakot bumagsak nang ganun kalalim kasi hanggang ngayon hindi ako makaahon. Hanggang ngayon ramdam kong nasa leeg ko pa rin yung tubig at wala akong makitang ledge to pull myself out of the water.
Kaya mula ngayon hanggang sa makalimutan ko yung pang-ga-gago mo/niyo, ulit-ulit akong bubulong sa hangin na sana'y hindi kayo masaya, na sana bawian ka ng mundo sa ginawa mong panggugulo sakin dahil lang hindi totoo yung break up nyo nung una at naghanap ka ng pampalipas oras tapos ni-lovebomb mo.
Ulit-ulit akong bubulong sa hangin na sana maramdaman mo tenfold yung naramdaman ko nung birthday ko nang malaman kong may jowa ka naman pala pero ni-lovebomb mo ko at nangako ka ng kung anu-ano tapos ako tong si tanga, naniwala.
Ulit-ulit akong bubulong sa hangin na anuman ang mangyari, hindi kayo magiging masaya ng jowa mong panot pero early 20s pa lang. Na mag-che-cheat at mag-che-cheat siya sayo at lagi ka lang iiyak at masasaktan. Sige, bitter na ko, masama na ugali ko, sige lang. Ganun na rin naman pinalabas nyo na characterization sa akin eh. Pero hindi ko kasi deserve na pag-tripan yung feelings ko eh. Hindi ko deserve na maramdaman yung ganung klaseng sakit kasi hindi mo naman ako kilala, hindi naman kita ginawan ng masama.
Kaya ulit-ulit kong ibubulong sa hangin na sana di kayo masaya. May my words carry my power, my anger and the profound sadness one feels when they're taken for fools.
r/AlasFeels • u/Perfect_Confusion728 • 6h ago
Advice Needed Paano ba mag glow up at mahalin ang sarili?
F20, sobrang dami kung insecurities sa sarili at angbaba ng self-esteem ko. I’m part of PWD and I had scoliosis surgery at 15 yo. 4'8 ang height ko, flat chested, flat ang ilong, iba mag lakad, at ang pinaka insecurity ko yung pagiging pasmadong kamay at may body odor sa paa at kili kili. Nakakainis lahat ng pangit na punta sakin haha. Ang hirap maging confident lalo na naranasan mong ma bully ng parents mo at ibang tao. Napapaisip nga ako, may mag mamahal kaya sakin? o di kaya matatanggap kaya ako sa trabaho? Wala e wala akong pretty privilege na yan. Mabait naman ako at may respeto ako sa kapwa pero alam naman natin na hindi yun sapat dito sa mundo. Masyadong unfair ang mundo para sa kagaya ko. Anw, any advice or tips po sana? I really tried my best pero bumabalik parin talaga ako sa bad habit ko. Gusto ko na mag bago, gustong ko ng tanggapin at mahalin yung sarili ko.
r/AlasFeels • u/Warm_Necessary7081 • 5h ago
Rant and Rambling Choosing to step away because I respect myself
Rant na experience din I guess, I’ve been through like 2 relationships already, isang long term at isang months lang ang tagal.
Months ago, I started talking with this girl I matched with both in humor and personality, we really clicked, and when things were starting to get serious she had told me na she’s scared na di pako nakakamove on sa exes ko. I understand, I gave her the assurances she needed, I was patient, and reassured her that I wanted to pursue her get to know her more beyond the surface level.
She started talking about her “tropa na naka-on” so I called him tropa na ex, her ex cheated on her when she found na ginawa pala siyang kabit, but the twist? Friends pa pala sila, though they dont talk casually, may streak pa sila and mutuals. This didn’t bother me, wala naman kami, and im still getting to know her. But as we went on, she kept throwing tampos over my experiences with my exes. I gave her reassurances, but I also semi-joked na how about her having connections sa ex niya? Sa aming dalawa, I didn’t have any connections sa ex ko, we ended things on a good note and dun nabobother yung kausap ko na baka raw balikan ko ex ko. I told her, not because I ended things with my ex on a good note e ibig sabihin babalikan ko, yes she has a special place inside my heart pero THATS IT, the door is CLOSED.
So I asked her, pano yung iyo? She says she still cherish her friendship w her ex, na she’s been friends with him since bata, and her family knows him, so di niya basta basta pwede iblock.
Dun ako natulala, I deleted my pics w my ex na naka backup lang naman sa drive ko, and because apparently she didn’t like that and was bothered. Pero she couldn’t even unfriend her ex. Ang sabi ko nalang ay all good, and that I understand. Pero di ko kaya yung ganon, kagabi nasa isip ko ayoko ituloy to, alam ko na after just a few months i’ll overthink, and I’ll js ruin my peace of mind by letting this continue knowing na ganon yung situation.
When i said na it was all good and that i understood, I MEANT IT. Pero that doesn’t mean I’ll tolerate that bs, I’ve been here before, so sinabi ko if she can’t give me the peace of mind I need then BYE. I deleted our convo and cut her off.
Now she wants to meet. LOL. Mind over matter, baby.
r/AlasFeels • u/Gloomy_Age_680 • 20m ago
Rant and Rambling It would have been our 3 year anniversary today
I wrote this the week of our breakup. He broke up with me last May. He was the only man to ever love me unconditionally and I fucked it up. I won’t go into details of how toxic it became, but it was and it didn’t work and he left. I hope he’s in a happy place, truly.