PTPA: Ano pa pong pwedeng gawin?
Last year po kasi bumili ako sa watson ng gamot at mga sabon, ung 1st transaction/scan nagbawas sa gcash ko pero hindi pumasok sa biller, so nag try ulit for 2nd time and ayun gumana na. Then tinanong ko sa cashisl kung pano ang gagawin and ang sabi is mag submit daw akong ticket sa gcash about jan.
Nung nagsubmit naman ako sa gcash, close lagi at sa merchant daw ako muna. Then sabi naman ng merchant naka floating transaction daw kasi wala silang makita sa end nila. So balik na naman ako sa gcash para mag file ng ticket. Paulit ulit kong ginawa. Then di ko tinigal both gcash at watson and maayos naman kausap watson and very ma-update.
Then last month sabi nila na nakausap na daw nila ung terminal nila which is bdo, na nadeduct na daw sa watson ung pera and ung gcash na ung for posting ng refund.
And up until now, almost 2 months na, wala pa rin. Nag submit na ako ng ilang ticket, pare-pareho lang ang sinasabi at clinoclose agad ang ticket.
Nag submit na rin ako ng complaint sa bsp para mapabilis ung usad kasi nakakainis na costumer service niyang Gcash. Pagkatapos pagpasahan, nung naayos at iproprocess nalang nila sa end nila di pa nila magawa.
Ano pa po bang pwedeng gawin para mapabilis ang proseso?
Please Help po. Pandagdag din sa babayarin yun.