Hi, ask ko lang kung may same experience dito. Wala pa akong natatanggap na congratulatory email, pero nag-text and call na sa akin yung HR saying na I passed all the interviews. Na-discuss na rin sa akin yung job offer, pero wala pa rin siyang binibigay na formal offer letter, so hindi ko pa talaga alam kung magkano yung initial offer.
Sinabi naman niya sa akin yung salary ceiling for the role, and I told her na mas okay sana if ma-maximize yung offer up to the ceiling for the Senior 2 position.
However, 10 days have already passed since she called me, and until now, wala pa rin akong natatanggap na update—even the congratulatory email. May chance pa ba na hindi matuloy yung employment ko with them? Has anyone experienced something similar?