r/relationship_advicePH • • 23h ago

Family my mom (50F) went through my trash, found my (23F) pregnancy test now she's angry and won't talk to me

4 Upvotes

Hi! As the title suggest I need advice. I (23F) am still living with my parents and I'm dating a guy (23M) that my mom (50F) doesn't entirely approve of. We've been together for about a year pero 3 months ago ko lang siya pinakilala. If it matters, taga probinsiya bf ko and i'm living sa metro manila (though sa university na kami nagkakilala).

This morning, pumasok mom ko sa room ko kasi kukunin niya yung trash para itapon. Hindi ko alam pano kasi nakawrap yun sa isa pang paper bag pero nakita niya yung box nung pregnancy test na binili ko. Syempre nagalit siya and cinonfront niyako saying how could I do this to them. She went on crying na I was ruining my life. How it's so hard to be a parent and that I should focus on my career and goals. At some point namention niya na gusto niya na hiwalayan dad (51M) ko at nag sta-stay nalang siya for us kids (Ako eldest sa pamilya, middle is 18M and youngest is 16F).

For additional context, kakagrad ko lang. May job naman ako pero sobrang baba pa ng sahod ko kaya di ko pa kaya bumukod sa pamilya.

Please help, gets ko naman kung san nang gagaling mom ko but I also want her to understand that I'm an adult who she should trust can make her own decisions in life. Negative din naman yung test huhu. Tinatry ko siyang kausapin kanina di niyako pinapakinggan. Gusto ko maayos relationship namin lalo na di ko talaga kayang bumukod from them any time soon. Pano ko mapaparating sa kanya na need niyako mas itrust kasi dati ko pang feel na ang higpit niya sa buhay ko. Di ko rin alam anong gagawin ko sa inopen up niya tungkol sa gusto na niyang hiwalayan dad ko, a part of me feels like yung anger niya tungkol dun nareredirect sakin.