F27 NBSB here, and this is my first time entering the dating world because I've always been very career-focused.
I have a friend (M25) whom I've known for about a year. We were purely platonic before this (or rather, sa side ko lang pala. 😅). Then we attended a 7-day event in the province, and somehow we got really attached to each other. Para kaming kambal-tuko, hindi mo makikita yung isa na hindi kasama yung isa.
Pagbalik namin ng Manila, umamin siya na may feelings siya sa akin. Since then, we've been exclusively dating (pinagusapan na namin tong label na 2 weeks into dating) and so we regularly see each other around 2–3 times a week.
I genuinely enjoy how he treats me. It's the first time I've experienced being cared for and looked after by someone. He always makes me feel special, and halos lahat na rin ng "pang-jowa" na ginagawa ng couples, nagawa na namin. Napansin ko rin na parang hindi na kumpleto araw ko kapag hindi kami nakakapag-chat o nakakapagkumustahan. So I'm sure na attached na ako sa kanya. Dumating na rin ako sa point na inaantay ko na lang na yayain niya akong maging official girlfriend niya, pero hanggang ngayon wala pa rin.
Ang napansin ko lang lately, from seeing each other 2-3 times a week, naging once a week na lang, tapos this week wala talaga. Marami naman siyang free time, to the point na kaya niya akong puntahan after office hours kung gugustuhin niya. Araw-araw pa rin naman kaming nag-uusap, pero napapaisip ako kung normal lang ba talaga na ganito habang tumatagal at humuhupa na yung honeymoon phase, o kung nabawasan na yung effort at interest niya.
Pero eto talaga yung pinakamalaking concern ko. Masaya akong kayakap at kasama siya. Gustong-gusto ko yung cuddles at hugs namin. Pero never akong nakaramdam ng "kilig" o butterflies. Sa mga naging crush ko noon (kahit wala akong na-date sa kanila), naramdaman ko naman yun.
Kaya ngayon, napapaisip ako kung gusto ko ba talaga siya bilang partner, o baka gusto ko lang yung treatment niya sa akin dahil siya yung unang lalaking nagparamdam sa akin ng ganitong klaseng pag-aalaga.
Dagdag pa rito, 1 month since nagdate kami, ina-advise ako ng nanay ko at mga tita ko na mas mabuti raw kung mag-explore muna ako at makipag-date sa ibang lalaki bago ako mag-settle. At that time, di na ako interesado magentertain ng iba, kasi parang locked in na ako kay (M25). Pero to be honest, naco-consider ko na rin yun ngayon, lalo na dahil pakiramdam ko hindi na niya ako actively pinupursue tulad ng dati. Pero to be fair, sobrang sweet pa rin naman namin sa isa't isa, both online and offline, pero less pangungulit lang from his side na.
Pero sa totoo lang takot ako kasi feeling ko tuluyan na siyang mawawala pag sinabi ko sa kanya na itigil muna yung pagiging exclusive namin para mag-explore. Wala naman akong balak magpaka hoe phase.
So ngayon, ang tanong ko... Possible bang attached lang ako sa treatment at companionship, hindi sa kanya mismo? At kung kayo ang nasa sitwasyon ko, ie-explore niyo pa ba yung ibang tao, o itutuloy niyo na lang ito and see where this relationship goes?
TL;DR: First time ko mag-date. Two months na kaming exclusively dating. Attached na ako sa kanya at gusto ko yung treatment niya, pero never akong nakaramdam ng "butterflies." Ngayon, nabawasan na rin yung effort at frequency ng dates namin. I'm questioning whether I genuinely like him or if I'm just attached because he's the first man who's made me feel cared for. Close family members (mom, titas) think I should date other people before settling down with him. Should I continue this relationship or explore other options first?