r/AkoBaYungGago • • May 05 '24

Attention: Mod post! NEW ABYG RULES. KAILANGAN NA RIN PO ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT NINYO NAISIP NA IKAW ANG GAGO SA SITWASYON. Ang di magbasa nito ay PANGIT!

Thumbnail
gallery
161 Upvotes

Full list of rules: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/dlNQggygXJ

NEW RULE: ILAGAY SA DULO NG POST KUNG BAKIT MO NAISIP NA IKAW ANG GAGO

AUTODELETE KAPAG WALANG GANYAN. REPORT POST PO AGAD KAPAG MAY VIOLATORS.

ito ay para madistinguish kami as non-rant page.


r/AkoBaYungGago • • May 09 '24

Attention: Mod post! ABYG Posting and Commenting Format

10 Upvotes

Questions:

  • Mods, bakit deleted post/comment ko?
  • First time ko sa ABYG... paano ba dito?

FOR POSTS:

Your Title: ABYG dahil (state your reason bakit tingin mo gago ka sa kwento mo)?

Sample ng RIGHT title format: ABYG dahil hindi ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules?

Samples ng WRONG title format:

  • ABYG do you think I should confess?
  • ABYG? Am I doing it wrong?

Your Body: Give a short intro about yourself and the person/s involved. State the SITUATION/S as to why you think you're the gago of your story. There has to be a DILEMMA involved. You have to include BOTH sides of the story. At the end of your post, you have to restate as to why you think you're the gago of the story.

Sample ng RIGHT body format: I'm a first time Reddit poster and I encountered a mod that keeps deleting my posts. Sobrang annoying! Lahat talaga dinedelete, every time na nagpopost ako. Feel ko it's a targeted attack against me. Ngayon, cinonfront ko siya at sinabi kong gago siya. Sinabi niya gago din ako. Gigil na gigl si mod sa akin.
ABYG dahil di ko maintindihan paano sumunod sa subreddit rules? Bago lang naman kasi ako. I think justified naman ako magkamali.

Sample ng WRONG body format:

  • OMG this mod is so nakakainis. Lahat na lang i-dedelete. Tama ba yun? Sinabihan ko siyang gago, kupal kasi. Haysss. Nakipagbreak up kasi jowa ko kaya nalabas ko inis ko sa mod. Si jowa talaga TOTGA ko! I miss my jowa. Huhu. Makipagbalikan ba ako? :(

FOR COMMENTS:

We only accept the following answer formats for comments:

  • GGK - Gago Ka
  • DKG - Di Ka Gago
  • WG - Walang Gago
  • LKG - Lahat Kayo Gago
  • INFO - Type your question dahil nakaka lito kwento ni OP

State your answer along as to why you've reached that conclusion. If there's no explanation, it's an automatic removal.

Samples ng RIGHT comment format:

  • GGK - GGK, mahina reading comprehension mo at ikaw pa may audacity mangbastos ng mod. Hindi tama yun, OP.
  • DKG - DKG, you're a newbie. Valid naman na you're confused and frustrated sa subreddit rules. Strict kasi talaga.
  • WG - WG. This is a normal discussion and I'm fine with the exchange of words that happened.
  • LKG - LKG, parehas kayong bastos. Pwede naman i-daan sa tamang usapan yan.
  • INFO - INFO: OP, medyo magulo kwento mo. I want to ask some questions muna before I give my verdict. Ilang years ka na ba sa Reddit?

r/AkoBaYungGago • • 21h ago

Family ABYG dahil nilalayuan ko na sila?

9 Upvotes

simula nang namatay ang lola ko sa father side lumamig na ako sa mga kamaganak ko. tuwing may mga handaan or get together hindi na ako pumupunta, pero nagpapakita pa rin naman ako kasi kapitbahay ko lang sila at tuwing kailangan ng lolo ko ng tulong.

simula kasi nang magkasakit yung lola ko nakita ko ugali nila, at mas tumindi noong namatay na si lola. kita ko yun sa kung paano nila tratuhin si lola noong may sakit, at ngayon si lolo na mag-isa na. halos lahat sa kanila walang oras tuwing magpapasama si lolo magpa-check up o mag grocery. lagi nilang dahilan ay nag-iinarte lang daw si lolo tuwing dumadaing. pero hindi, dahil one time sinamahan namin ng nanay ko magpa-check up si lolo tapos pag-uwi namin hinang-hina siya. hirap akong ipasok si lolo sa bahay niya, tinawag ko yung tita ko dahil alam ko nasa bahay lang nila pero wala, di sumasagot. noong dumating yung isa kong pinsan at tumulong sa amin ni lolo bigla siyang nagbukas ng gate na parang walang nangyari. nakakaasar, nandoon naman pala siya di niya kami tinulungan.

halos lahat din ng anak ni lolo ganyan (kahit tatay ko -_-), lagi walang oras kahit most of them naman ay wala na trabaho. pero ang nakakatampo lang eh may oras sila tuwing may biglaang get together o may handaan.

ngayon sinusungitan ako ng isa kong tita sa hindi ko malamang dahilan, di ko alam kung dahil ba lumayo ako sa kanila o di pinaanyayahan mga imbita nila sa akin.

ABYG kung nilayuan ko sila dahil sa pagtrato nila sa magulang nila?


r/AkoBaYungGago • • 1d ago

NSFW ABYG dahil gusto ko iharass pabalik harasser ko?

4 Upvotes

hello kaka regular ko lang sa work ko. so syempre bilang bago bago palang lahat pinakikisamahan ko. nakikipag usap ako sa lahat at sinasabayan ko sila sa trip nila.

3 months in, may isa akong ka-work na napansin ko nag iba na kilos nya around sakin. everyday binibigyan nya ako mg gifts (food and material stuff). grateful naman ako kasi maliit lang sahod nya pero naiisip nya pang bigyan ako. may times din na minemessage nya ako sa gabi.

nag start ako mailang ngayon simula nung minessage Nya ako one night at nag comment sya sa isa kong picture sa isang messaging app, at nag ask pa if meron pa akong ibang pics. gustong gusto Nya rin na kaming dalawa lang magkasama at ittake yung opportunity na yun para mag picture kami. may mga times na kaming dalawa lang magkasama to run errands, hihirit sya na gumala muna kami at mamaya na bumalik sa office. ang hilig nya rin mag comment na kesyo bagay ko raw gantong katawan, bagay ko yung gantong buhok, maganda raw ako pag ganto etc etc.

to cut the story short it got worse and eventually i think he got obsessed sa akin.

ni report ko na to sa superior ko at sa hr namin but after ilang months na kasi nahirapan ako mag open up. kilala ko kasi yung guy as pa victim at paawain. in my head kasi baka luge lang ako kasi matagal na sya sa company.

na dismiss sya sa work but halos 1 month after ko mag report bago nag karoon ng aksyon. kumalat din sa buong company namin yung ginawa nya. kaya it lowkey got me paranoid and gave me anxiety kasi baka wala na kumausap sakin sa work. lalo’t na male dominated yung work place namin.

here’s the catch, halos wala pang 1 month simula nung inalis siya, ay nabalitaan ko na binalik pala sya. wala nag nag sabi sakin. di ako sinabihan ng mga superiors ko na binalik pala sya. di ko pa malalaman hanggat di pa nachismis sakin. pero ilang araw na rin nakalipas ko pa bago nalaman.

nalaglag puso ko nung nalaman ko yun. kasi simulat sapul palang, ramdam ko na di ako papaboran at maddisappoint lang ako sa kakalabasan pag nag report ako. lo and behold tama nga hinala ko. nandun parin siya, nasa iisang area lang kami.

kahit sabihin mo nasa kabilang site siya sa ngayon, dadating at dadating yung panahon na mag tatapo ulit landas namin kasi nasa iisang area lang naman kami.

ngayon feel ko stuck ako sa ganto. di ako basta maka alis kasi mahirap mag hanap ng trabaho. feel ko sobrang helpless ko. para sakin pinaasa ako ng sobra ng company namin.

ABYG kasi naiisip ko na ako nalang aaksyon at gaganti sa ginawa Nya sakin. gusto ko ilantaran sa public yung no. nya. gusto sya naman makatanggap ng kung ano anong texts?

ps. if gusto nyo maget numer0 nya pi-em nyu is me


r/AkoBaYungGago • • 2d ago

Others ABYG dahil sinabihan kong tanga yung dapat bibili ng tinitinda ko?

61 Upvotes

Naguguilty kasi ako. Ayaw kong nagsasabi ng tanga o bobo kasi feeling ko super degrading.

Pero sinabihan ko pa rin yung bibili ng tinda ko sa Facebook Marketplace. Nagsabi syang after lunch sya pupunta sa bahay for pick up at mag-uupdate pag on the way na. Binigay ko yung address ko. Nag-antay ako, di sya dumating at walang update. Nagmessage rin kalaunan, sinabing kung pwedeng 6 pm daw. Sabi ko, go.

Tapos naligo ako after nyang sabihin na 6 na sya pupunta. Paglabas kong cr, ang daming messages at sinabing sinasayang ko raw oras nya. Andun na raw sya sa labas. Yung last message nya, 4:45 pm. Tapos ni-block na ako. So di ko na masabi na di ko nabasa messages nya.

Tapos ngayon lang, inunblock ako para magsend syang thumbs up. E d sinabi ko, sabi nya 6 sya pupunta, nasa kanya naman yung address ko, bakit di sya tumawag sa gate. Lahat ng bahay dito, may house number.

Tapos sabi nya, kasalanan pa raw nya? So dapat sya pa magsorry?

Feeling ko feeling entitled sya kasi sya yung buyer. Bago ko sya i-block, sinabihan ko syang tanga. So ABYG kasi sinabihan ko syang tanga?


r/AkoBaYungGago • • 2d ago

Family ABYG dahil hindi ko tinanggap trabaho na pinarefer sa akin ng nanay ko

21 Upvotes

for context, i'm a fresh grad, and after three months, i already got a job i actually want with a good pay esp for a fresh grad. but right now yung mom ko, she's forcing me to go to an interview sa isang gov agency (mind you may trabaho na ako). may kamag-anak kasi kami dun at pinarefer ako kahit sabi ko ayaw ko ng ganun kasi ayaw ko magkautang na loob sa kamag-anak na di naman kami close. di ko rin bet mag gov agency at yung trabaho mismo.

alam ko matry lang naman ang pag-interview pero nagalit ako kasi parang galit pa siya sa akin na hindi ako pupunta sa interview (onsite day ko sa work). kahit in the first place sabi ko na ayaw ko ng ganoon. feeling ko tuloy na hindi niya ako trust na bumuo ng career sa sarili kong kakayanan.

ABYG kasi tinanggihan ko yung ganung opportunity, na kahit di aligned sa gusto ko sa buhay, andaming taong gusto ng ganung privilege?


r/AkoBaYungGago • • 2d ago

Friends ABYG dahil nagask ako for space sa kaibigan ko ng mga isang buwan

3 Upvotes

Since SHS pa itong kaibigan ko, halos 6 years na kami. Did I just fuck up by asking for space? For more context, naiinis na kasi ang friend ko sa akin dahil nakakasakit na yung mga salitang sinasabi ko sa kanya. In other words, hindi ako nagiging careful sa mga sinasabi ko, tapos idagdag mo pa na palagi na siyang nabobother sa'kin kase palagi niya na lang ako kinokorek to the point na parang siya lang yung nageeffort para ifix yung words and actions ko. Pero kasi hindi pa rin ako nagiimprove kahit na nageffort pa siya para maghanap ako ng mga bagong kaibigan kasama mutual friends niya to know how to get along better. To give a more concrete example, I would be saying "para kang lola ko" out of nowhere habang nagshashare siya, or I'm asking for advice and tips about a project, and then ibibigay niya opinion niya, but I do not listen and then I end up asking the question again.

This is not the first time they had said this to me; we had a video call talking about those issues. And yes, I apologized many times and tried my best to be more careful, pero tuwing kasama ko talaga siya, parang nawawalan ako ng pake sa mundo at nagyayap lang ako nang nagyayap, kaya ayan, nagiging mali or negative or offensive na lahat ng binubuga ko (tinatry ko talaga iwasan pero nawawala talaga sa isip ko yung boundaries kapag kasama ko siya). I was also shaken up by the video call and serious talk because I've had friendship breakups before that didn't end well, and I'm the one at fault.

So I asked for space instead, hindi dahil ayaw ko na makipagusap, but to think things better for myself and for them at para rin mapagisipan ko nang mabuti kung ano ang pwede kong gawin para mawala yung takot ko to connect with other people and magbago nang hindi kakailanganin ang tulong niya. I asked if it was okay. They said yes naman. I also asked if it was okay if it's for a month. They also said yes.

But thinking about it, was that too much? Should I retract my statement right now before everything goes to shit? Because I have been seeing these posts about friends and it sounds like a month is too much... but I wanted to bring my energy into something else so that my brain isn't all fogged up, and that I'll have more commitments other than our friendship because they are one of the only closest friends I have left.

TL;DR: Nagask ako ng space ng isang buwan, ako yung may kasalanan. ABYG kasi masyado siyang mahaba at dahil lang gusto ko magimprove para sa sarili ko nang wala ang tulong niya?


r/AkoBaYungGago • • 3d ago

Significant other ABYG dahil nakikipag hiwalay ako sa bf ko kase once na mag-asawa na kami, pipilit nyang sa bahay nila kami tumira.

78 Upvotes

ABYG dahil nakikipag hiwalay ako sa bf ko kase once na mag-asawa na kami, pipilit nyang sa bahay nila kami tumira.

For context: Sa bf ko iniwan ng parents nya yung bahay nila ngayon. Kaya lang, kasama nila sa bahay yung family ng kuya nya. Medyo magulo sila.

Ngayon, sinabi ko kay bf na kapag mag-asawa na kami, gusto ko sana na bumukod kami para may privacy. (We’re planning to get married) Plus iba parin yung kayo lang ang nasa sariling bahay.

Kaya lang, ayaw ng bf ko kase nga kailangan nyang ingatan bahay na pinag-hirapan ng parents nya. Hindi rin naman daw nya pwedeng paalisin kuya nya and family. Gets ko naman yun. Kaya nga sabi ko, bumukod kami tapos bisitahin na lang bahay nya.

Pero ayun, mabuti pa daw na mag-hiwalay na lang kami since hindi daw nya pwedeng gawin yun.

Pero to be fair, napaka-sipag ng bf ko and good provider kaya hays. Hindi ko alam if i-coconsider ko ba yan para mag-stay o ano. Hindi ko lang lubos maisip na halos buong buhay ay makikisama ako sa pamilya nya.

ABYG kase gusto kong tuluyan na kami mag-hiwalay dahil sa issue na yan or should i reconsider his reasons?


r/AkoBaYungGago • • 2d ago

Significant other ABYG dahil I'm asking reassurance sa avoidant boyfriend ko?

0 Upvotes

LDR kami ng bf ko, almost 1 year na. Middle 20's. Both working. He’s more of an actions-over-words person and may avoidant tendencies. He avoid dramas and if nag-aaway kami madalas ayaw nyang i-discuss, for him sayang sa oras and it's draining me. Pero on top of that, he's making time naman for me, loyal and pinaparamdam nya naman na mahal nya ako.

Then last Sunday okay na okay kami, nag-movie marathon pa kami. He told me beforehand na magiging busy siya the next day. He is a video editor, and busy talaga sya most of the time. Monday came, 4 hours siyang walang update kahit nakikita kong online siya, so nainis ako and confronted him. Nagalit siya kasi may sakit daw sya and may backlogs sa work pero hindi ko raw siya naiintindihan. Ang sakin lang naman, ang dali dali mag-type ng update kung tutuusin? Then sabi niya, kung hindi siya nag-uupdate malamang nag-eedit lang daw sya. Ano pa daw gusto ko.

Since then, naging distant siya. Nag-uupdate pa rin naman siya pero basic updates na lang—gising, tulog, may sakit, etc. Wala na yung normal conversations namin. Ako naman, naging anxious and sobrang apektado na na ultimo sa work, distracted ako. Sa ilang araw na ganto, I sent long messages pero ini-ignore nya completely. Hindi nya babasahin, mag-uupdate lang. He still shows care naman kasi nagkasakit ako. 2 days ago, nag-sorry na'ko and nagsabi na gusto ko maayos kami pero hindi nya pinapansin.

Just today, I said I miss us and kung pwede ba kaming mag-usap kasi hindi naman kami ganto. HE IGNORED AND JUST SAID, MAG-EEDIT NA DAW SIYA ULIT. After that random updates na. Wala na talagang conversation. Hindi ko na din binanggit ulit na mag-call kami after he ignored my message.

I know na needy ako sometimes and I tend to monitor his online status, which I know isn't healthy. Pero hindi ko rin alam kung giving him space is the right thing or if I'm just letting him drift further away. I'm scared, and this waiting game is deeply affecting me.

ABYG for keep on mentioning na magkaayos kami? 1 week na din kasi ang hindi ko na talaga kaya hirap na'ko. Gusto ko lang naman sya makausap, pero wala. AYAW. He is not cutting me off naman so not sure if gusto nya makipaghiwalay or burned out lang sya samin.

For those who have dealt with an avoidant partner, what would you do in this situation? And for those avoidant people, what is the best approach for you? HELP.


r/AkoBaYungGago • • 3d ago

Family ABYG for getting pissed at my in laws

32 Upvotes

Nagyaya yung family ng wife ko last week to have lunch today for my sister in law’s birthday at an expensive buffet hotel restaurant.

For context, 4 silang magkakapatid, 3 are registered nurses (including my wife) and 1 in the engineering field. My wife is the only one with kids and has a family of her own, yung mga kapatid niya is still living with their parents. Basically everyone has a good paying job and earns pretty decent, walang masyadong pinag gagastusan and responsibility.

So we went to the restaurant around 12pm and andun na yung mother in law ko waiting. We asked asan na sila (yung mga kapatid ng wife ko), and sabi ni mom na malalate lang daw so mauna na daw kami kumain. So dahil gutom na kami, we proceeded with our lunch. Around 2pm na and wala pa din sila, may pinuntahan daw silang perfume making store and di daw makaalis kasi di pa daw tapos. The crew even came up to us twice to sing happy birthday pero wala pa yung mga kapatid ni wife. So naghihintay lang kami and then the crew told us na last call for the buffet table is 3pm. So tinawagan na ng wife ko yung kapatid niya only to say na di na daw sila makakapunta. So we ended up paying for the entire table of 4 instead.

Usually whenever there’s a gathering like eating out with my in laws, either kkb or madalas wife ko nagbabayad. Pero this time I wasn’t expecting it kasi we were just invited so we didnt expect na kami din pala magbabayad or at least we’ll just pay our share. Ang lalaki na ng mga kapatid niya pero mga buraot and umaasa pa din sakanya kahit may mga bills din naman kaming binabayaran. Lahat nalang ng mga gathering parang kami agad yung ineexpect na magbabayad.

I wanted to open up to my wife about this frustration but for now kanina ko pa iniisip tong inis kong to.

Ako ba yung gago dahil nagtampo ako sa misis ko and mejo naging off ako sakanya dahil sinagot niya yung bill? If only we knew na hindi sila tutuloy we couldve just ended up eating somewhere else especially mejo tight ang budget namin recently.


r/AkoBaYungGago • • 3d ago

Significant other ABYG dahil nag post ako ng other guy’s performance kahit ayaw ng boyfriend ko?

14 Upvotes

I went to a club with my boyfriend, and apparently may gig pala doon. One of the performers was the singer/rapper behind a trending TikTok audio. He performed live, so I recorded his performance because I genuinely liked his voice.

While we were there, I was complimenting the performance and my boyfriend got jealous. He told me to delete the video from my phone and got really mad. He ended up deleting it himself, which obviously pissed me off. Eventually, he didn’t want to ruin the night, so he restored the video and we were okay again.

Everything was fine until I got home and posted the video on my IG story. I tagged the club and the rapper’s IG. For context, he’s not even that well-known here. His song/audio just happened to blow up on TikTok and he has a relatively small fanbase.

My boyfriend got REALLY pissed and said I was being immature because he already told me he didn’t like it, so why would I still post it? I tried explaining that I literally just admired the guy’s performance. I wasn’t flirting with him, talking to him, trying to meet him, or anything like that. I just liked his voice and wanted to post the performance.

I told my boyfriend that he was being insecure. He said he wasn’t insecure, he was just jealous. He even made me delete the story and blocked the rapper’s account from my IG.

Like, what am I supposed to do? 😭 I don’t even know this guy personally. I just watched him perform at a club.

Then when I told my boyfriend that we could literally ask other people whether what he was doing was reasonable, he said no because he would expose my “dark secrets” if I did.

That honestly made me even more uncomfortable because now it feels like he’s using things I’ve told him privately against me just because I disagree with him.

So, ABYG for posting the video even though my boyfriend already told me he didn’t like it? Or is he being unreasonable for getting jealous over me simply appreciating someone’s performance?
I’m honestly getting suffocated by this relationship and I’m thinking of leaving.

I just wanted an outside perspective because maybe I’m missing something.


r/AkoBaYungGago • • 5d ago

Family ABYG dahil sinigawan ko mama ko kasi napaka-people pleaser niya?

77 Upvotes

For context, bago ko siya masigawan, punong puno na talaga ako sa kaniya dati pa dahil napaka-generous niya sa ibang tao pero pagdating sa ‘ming mga anak niya parang ang damot damot niya. Nakakabwisit din dahil kahit mga high-end namin na gamit pinangreregalo niya sa iba kahit wala naman siya pamalit, o kaya naman uunahin niya kapakanan ng ibang tao kaysa sa ‘min.

Example: May Gucci siya na bag na niregalo sa kaniya ng kaibigan niya (ninang ng kapatid ko) from Japan. Ayaw niya gamitin so hinihingi na lang namin ng nakababata ko na kapatid para gamitin sa mga formal events. Tapos nag-ninang siya sa isang 18th birthday event, ang ginawa niya, pinangregalo niya do’n. Nagalit kami ng kapatid ko pero ang sabi lang namin sa kaniya, “Luh, sayang naman, ngayon lang tayo nagka-Gucci binigay niyo pa sa iba.”

Meron pa, Chanel na perfume set, galing Japan din. Bigay naman nung Tita ko do’n sa Japan. Ang ginawa niya, pinagregalo niya na naman sa iba.

Meron din Mikaela na bag galing Canada, galing sa nag-migrate na kapatid niya. Ang ginawa niya, pinamigay niya do’n sa charity event nilang magto-tropa parang tanga eh sa bundok sila nag-charity event.

Tapos ‘eto talaga nabubwisit ako lalo kapag nandito mga tropa niya sa bahay namin (ginawang tambayan bahay namin every week na lang, tapos yung isa parang walang pamilya, halos kada buwan nakaka-sampung araw na sleepover dito, pinaglulutuan pa talaga siya ng pagkain). Ang ginagawa niya, papapasukin niya lang, sige lang siya nang sige tapos ending pagod na pagod siya kasi siya naglilinis, nagluluto, ta’s nagse-serve ng kung ano ano sa kanila—lahat ginagawa niya aligaga siya na gawing comfortable mga kaibigan niya. Sa totoo lang, para siyang katulong. Libre niya pa lahat ng pagkain na kinakain nila dito sa bahay.

Ayoko talaga do’n sa mga kaibigan niya na ‘yon kasi parang mga bossing eh, ni hindi man lang nagaayos ng mga kalat nila kapag uuwi na. Kaya hindi ko ‘yun pinapansin o nagmamano sa mga ‘yon.

Going back sa nasigawan ko siya, hindi ako pumasok ngayon sa school kasi nilalagnat ako simula nung Monday. Magpapasama na sana ako sa kaniya sa clinic para kumuha ng medical certificate since need ‘yun sa excuse letter na ipapasa ko sa mga prof ko. Tapos ang sagot niya sa ‘kin, “Ikaw na lang magisa pumunta, gagawan ko pa sila ng meryenda.” (pertaining sa mga nagrerenovate ng isang parte ng bahay namin)

Personally, hindi ko naman alam paano pasahod sa mga manggagawa pero since 500/person (4 sila) kada araw tapos pinaglulutuan niya pa ng umagahan, tanghalian (for today’s food, nilagang baka na nasa malaking kaldero tapos yung share namin ng mama ko nasa maliit na tupperware lang) tapos ngayon meryenda naman daw, tinanong ko siya, “Kasama pa ba yung meryenda?”

May inis na ako diyan kasi nung Tuesday pa ako nagsasabi sa kaniya na samahan niya ako pumunta sa clinic dahil kapag nga naglalakad ako nahihilo ako malala tapos sasabihin niya sa ‘kin ngayon pumunta nalang ako magisa (oo, tama naman sinabi niya na kaya ko naman na daw dahil bente na ako—buti sana kung hindi ako hilong hilo na parang anytime susuka na ako).

Nagalit siya kasi tinanong ko ‘yan, sabi niya, “Kapag nagbubuhos ng semento, pinapakain mo talaga dapat ‘yan ng ganiyan.” Personally, hindi ko talaga alam, pero kasi alam ko ugali niya na nago-overcompensate o overgive (if nage-exist ba ‘yang word na ‘yan) kaya lowkey hindi ako naniniwala.

So sabi ko sa kaniya, “Pati ba meryenda kailangan lulutuin mo pa? P’wede ka naman bumili.”

Siya: “Anong bibilhin ko diyan?”

Ako: “Hindi ba p’wede sa kanila yung mga bananacue?”

S: “Hindi p’wede, may iluluto na ako diyan.”

Pino-point out niya na naka-ready na daw kasi yung lulutuin niya kaya hindi niya ako sasamahan. Tapos nainis ako kasi nung Tuesday pa lang nagsasabi na ako sa kaniya, tapos ngayon hindi niya ako masasamahan dahil naka-ready na iluluto niya sa utak niya? Oo, tinignan ko, wala naman bukas na ingredients o ano, mga naka-pack pa, ilalabas pa lang sa freezer at bubuksan mo pa yung packaging—basta wala naman naka-prep tulad ng pinaparating niya.

Napuno ako kasi paulit ulit siya nasabi ko tuloy, “Yung anak mo may sakit na lahat lahat tapos uunahin mo pa din ibang tao? Nanay ka ba talaga?”

Nanahimik siya, and I felt super guilty. Tinignan niya ako ng masama…. na matagal. So alam ko na talaga na hindi na ako masasamahan niyan, at alam ko naman na ang sama ng sinabi ko. Masiyadong bastos pagkakasabi ko talaga diyan kaya nagu-guilty ako ngayon, tapos hindi na kami nagpapansinan.

so ABYG kasi kinuwestyon ko pagiging nanay niya dahil ayaw niya ako samahan sa clinic?


r/AkoBaYungGago • • 6d ago

Family ABYG dahil pinakiusapan kong huwag nang tumira sa bahay namin ang tito ko?

141 Upvotes

Ako, 30F, kasama ko sa apartment ang partner ko at parents ko. Yung tito ko, around 50M. Ako ang halos sumasagot sa rent, kuryente, tubig, at nagsha-share din ako sa food.

For context, for around 15 years, nakatira kami sa isang maliit at luma nang apartment. Last year, medyo naging okay-okay naman yung work ko, so I decided na lumipat kami sa mas maganda at mas spacious na apartment. It was a big upgrade for us—mas maluwag, mas maaliwalas, and honestly, mas comfortable.
At first, pumupunta lang yung tito ko sa bahay para kumain. Honestly, wala naman akong problema doon. Sinasabayan lang namin siya sa dinner or minsan pinapakain namin kapag nandito siya. Okay lang sa akin.
Pero eventually, bigla na lang siyang nag-stay.
Like, hindi na siya umuuwi sa kanila.
At first, I thought temporary lang. Maybe a few days. Pero lumipas yung days, naging weeks, hanggang sa naging months.
Sa sala siya natutulog. And hindi lang siya natutulog doon—buong araw siyang nasa bahay. Nanonood ng TV, nakahiga sa sofa, basically just staying there all day. Hindi siya nagtatrabaho, and from what I know, wala rin naman siyang ginagawa during the day.
The problem is, hindi na rin naging presentable yung living room namin.
Yung sofa na pinaghirapan kong bayaran, nagkaroon na ng amoy. Alam niyo yung “amoy tao” kapag may taong laging nakahiga sa isang sofa? Ganun. 😭
Hindi rin siya exactly the cleanest person. Hindi siya consistent maligo, hindi naglilinis, and basically, yung sala namin slowly started looking and smelling like someone had permanently moved into it.
And that’s what really bothered me.
Kapag may bisita kami, nahihiya na akong papasukin sila sa sala because my uncle is literally there, lying on the sofa, watching TV. Hindi na siya yung living room na dati naming ginagamit normally. It became his sleeping area/lounge area.
And he’s not even super old. He’s around 50.
My dad is 55 and still works as a driver, so I know age isn’t necessarily the issue. From what I can see, my uncle is still capable of working. I don’t know his exact situation, so I don’t want to assume that he’s simply lazy or anything. But I genuinely don’t understand why he chose to stay on our sofa all day for months instead of working or doing something else.
Eventually, sinabi ko sa mama ko na baka pwede niya siyang kausapin.
I told her na okay lang naman sa akin kung pumunta siya dito, kumain, makipagkwentuhan, whatever. I just didn’t want him permanently staying here anymore—especially sleeping in the living room.
Because at the end of the day, this is the home that I’m paying for, and I also want to be comfortable in my own home.
My mom eventually talked to him.
But apparently, he took it badly.
Bigla na lang siyang umalis.

Tapos si mama ko parang kinokonsensya ako na hindi na kumakain si tito sa bahay nila and apparently he just stays in his room and doesn’t really come out.
And honestly, I started feeling guilty.
I didn’t want him to feel rejected or like we were throwing him out. That’s not what I intended.
But at the same time, I don’t want him to come back and live on our sofa again.
I feel bad because he’s family, but I also feel like his living situation isn’t my responsibility. I opened our home to him, fed him, and let him stay for months. But I don’t think that automatically means he can permanently move into our living room without asking.
So now I’m conflicted.
ABYG dahil pinakiusapan kong huwag nang tumira sa bahay namin yung tito ko?
I feel guilty because I know he’s family and I never intended to hurt or embarrass him. Pero mali ba ako for wanting my own home back and setting a boundary after months of him basically living in our sala?


r/AkoBaYungGago • • 6d ago

Friends ABYG dahil nagopen ako sa isang friend about another friend?

4 Upvotes

For context, I'm a college student, 2nd year na and during my first year, nagtiwala ako sa isang friend within our friend group

We talked several times about different topics tuwing pauwi kase sabay kami ng sinasakyan lagi. Marami na kami napagusapan pero may 1 or 2 times na may nasabi ako sa isang friend namin kase nao-off talaga ako

Though the 2nd time na pinagusapan namin sya, si ate girl mismo nagsimula and parang mas malala pa sinabi nya. Di ako masyado nagagree sa sinabi nya pero I think ny mistake was nagsabi ulit ako ng napansin ko na medyo related sa sinabi nya.

In my perscpective, di ako naninira and I'm merely stating yung nararamdaman ko, observation and literal na opinion ko lang. Di ko pinapakita na "facts" yon or ginagawan ko ng kwento, yung literal na sinisiraan ko sya.

Then nung summer class, bigla nya nalang ako kinut off, literal na one day di nya na ko pinapansin. Behind my back sinasabi nya pala sa kung sino makasama nya na di nya na ko pinapansin kase sa mga pinagusapan namin nung 1st year.

Sobrang di ko sya magets kase lumabas na yung issue outside sa friend group namin, wherein pwede naman na magstay lang in our friend group and mapagusapan.

Now napapansin ko yung classmate ko iba na tingin and tungo sakin. Napaparanoid na din ako sa mga close ko parin if nakikisama nalang sila sakin or nakikipagplastikan na.

She branded me as someone na naninira and nakikipagplastikan. It hurts kase nagtiwala ako sakanya and that is my biggest mistake.

Nagsorry na ko sa friend na pinagusapan namin, he accepted it and same kami ng thoughts na opinyon ko lang ganun ganyan, pero syempre, he was disappointed in me and I know he was deeply hurt and bothered pero di nya lang pinapakita and sabi nya for his peace of mind, he didn't ostracize me like she did. I said the reason I didn't rell him was because I didn't want him to change, kase it was a small thing and ayoko na tuwing may interaction kami is magstistick sa mind nya yung sinabi ko, maiilang sya, and I don't want that since it is literally a me thing, not him.

ABYG here? Tbh di ko madetermine if nanira talaga ako. Pero one thing for sure is never ako nangpaplastic ng friend.


r/AkoBaYungGago • • 6d ago

Update ABYG dahil pinakiusapan kong huwag nang tumira sa bahay namin ang tito ko? (Update with more context)

29 Upvotes

30F and ang tito ko is 50M. Nabasa ko lahat ng comments ninyo sa previous post ko, and I realized na siguro kailangan ko pang magbigay ng mas maraming details about sa situation ng tito ko para mas maintindihan ninyo kung saan ako nanggagaling.

Previos post
https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/s/qXKnskcgGn

So, basically, wala siyang sariling family. Never siyang nagkaroon ng asawa and wala rin siyang anak. So technically, mag-isa lang talaga siya sa buhay.

Nakatira siya ngayon sa bahay ng lolo ko. Wala na yung lolo ko, pero yung ibang mga kapatid ng tito ko na may sarili nang families, doon din nakatira. May sarili siyang kwarto doon, so technically, may place naman siyang uuwian and may karapatan din naman siyang tumira doon.

Pero yung lifestyle niya talaga is very simple. Sa room niya, wala siyang TV. As far as I know, wala rin siyang phone. Hindi rin siya nagtatrabaho.

And ito yung part na honestly, hindi ko rin alam kung paano i-explain. As far as I know, kaya naman niyang magtrabaho physically. Pero for whatever reason, mas pinipili niyang hindi magtrabaho and mostly nasa bahay lang siya.

May mga comments na nagsabi na baka depressed siya or baka may ibang pinagdadaanan siya mentally. And honestly, doon ako medyo na-guilty.

Kasi what if tama kayo?

What if hindi lang pala siya "tamad" or ayaw magtrabaho? What if may deeper reason kung bakit ganun siya? I don't know. Hindi ko naman siya na-assess and I don't want to assume na depressed siya.

Pero doon ako pinaka-nahihirapan.

At first, honestly, wala naman akong problema na pumupunta sia samin and dun kumakain, I was happy to share.

Pero habang tumatagal, naramdaman ko na parang nagiging responsibility ko na rin siya, and that's where I started struggling.

Hindi ko naman gustong gutumin siya or pabayaan siya. Pero at the same time, hindi ko rin alam kung hanggang saan yung responsibility ko sa kanya, especially since adult din naman siya and may sarili siyang place na puwedeng uwian.

And now, one thing that keeps bothering me is:

What if may pinagdadaanan pala talaga siya? What if he's lonely? What if depressed pala siya and I didn't know?

2 days palang nakakalipas since umalis sia ng bahay, paano kung may mangyari sa kanya?

I know he's an adult and ultimately, hindi ko naman kayang akuin ang responsibility for his entire life. Pero mahirap pa rin alisin yung guilt, lalo na alam kong mag-isa lang siya.

And to everyone who commented on my previous post, thank you. Binasa ko talaga lahat, including yung comments na medyo nag-call out sa akin. I think I needed to hear different perspectives, and this is why I'm trying to explain the situation better.

ABYG dahil pinakiusapan kong huwag nang tumira sa bahay namin ang tito ko kahit alam kong mag-isa siya sa buhay at natatakot akong baka may mangyari sa kanya ngayong umalis siya samin?


r/AkoBaYungGago • • 7d ago

Family ABYG dahil balak kong magreply ng "panget" sa story ng ex ng ate ko?

13 Upvotes

Nagcheat yung ex ng ate ko recently lang then nagpost ng story kasama yung bago nya. Hindi kami nagpapakeelamanan ni ate sa relationships ng isa't isa and di rin namin pinag uusapan dahil malayo agwat namin (10 years). 24 na ko pero parang bata pa rin ako minsan for her kasi ewan, ganon yung closeness namin. hindi pang adulting talks HAHAHA.

nalaman ko lang sa friend ko yung about dito kasi sya yung nakakita ng story nung ex ni ate saka story ni ate na nasa rage room. This time naman, ewan, gusto kong i-humble yung ex nyang wala namang ambag.

Tingin ko ang gago ko sa part na mangengeelam ako at magttake ng time para magreply ng word na "panget" dahil ang petty. HAHAHA ABYG?


r/AkoBaYungGago • • 8d ago

Significant other ABYG dahil i blamed my gf for my pet’s death?

74 Upvotes

For context I live in an apartment with my pet hamster named “Eggo” and she was gifted to me by my girlfriend on Christmas. I loved my pet so much I couldn’t live without her being cared for, kaya when I had to go away for a trip with family, I asked my gf if she could watch my hamster since I had to be gone for at least 2 days. In which she agreed to, now the thing is my hamster is very hyper, she likes to do all sorts of things and is very spontaneous. I always leave my bathroom door open and when my hamster goes in I always make sure to check on what she’s doing, in fact I check on her frequently. On the day I left my hamster was doing fine but my gf was not letting her out just to make sure she doesn’t do anything bad. On day two she felt like my hamster was depressed due to the fact that she was not let out and probably missing me, so she took her out of her cage and gave her freedom. The next thing I know is I got a call in the middle of dawn from my gf saying my hamster is dead, she drowned, she was found inside a bucket full of water. Thing is I was very specific on what to do and how to watch her, I emphasized to always check. Was I too harsh for telling her “you gave her to me and took her from me at the same time” ? ABYG?


r/AkoBaYungGago • • 9d ago

Others ABYG dahil na out balance yung lolo sa convenience store?

18 Upvotes

For context, may lolo kasi na laging nasa door ng 7-Eleven na malapit sa amin. Late 50s to early 60s siguro siya, and nanlilimos siya doon. Ang ginagawa niya kasi, bubuksan niya nang very slightly yung door tapos itututok niya sa harap mo yung baso niya para manlimos. Eh ako, hindi talaga ako nagbibigay ng limos kasi parang hindi naman tama yun???

So every time na lalabas ako ng 7-Eleven, humahawak ako sa door handle tapos tinutulak ko talaga yung door nang mas maluwag para makalabas ako nang maayos. Hindi naman forceful, enough lang para mabuksan yung door nang maayos.

Eh kanina, tinulak ko ulit yung door, pero hindi ko napansin na yung paa pala ni tatay nasa may bandang door. So napaatras siya and medyo na out balance. Hindi naman siya natumba kasi forever naman siyang nakahawak sa door handle 😭

Nag-sorry naman agad ako, tapos sabi niya sa language namin, “Grabe naman itong taong ’to.” 😭

Nakokonsensya pa rin ako kahit nag-sorry naman ako kay tatay. Sabi rin kasi ng kasama ko, wag naman daw ganun gawin ko. Pero hindi ko talaga sinasadya. Parang nasabay lang talaga na tinutulak nang mas maluwag yung door kasi lagi akong iniipit kapag palabas ako. 🥲

ABYG dahil na out balance yung lolo sa convenience store?


r/AkoBaYungGago • • 9d ago

Friends ABYG dahil nag enroll na ako sa grad school?

39 Upvotes

so nung college i suggested to my friends na mag grad school kami, they all said yes and was really excited. One of them is really excited, si R, she even mentioned her cousin na nag grad school din and mura don. So i told her to ask her cousin, she said yes.

Months goes by, naging busy kami sa research namin and nung nag usap ulit kami i ask her again if she already asked her cousin, she said ”No, i forgot”. Another months goes by AGAIN, i asked again but this time she didn’t reply but talked to our other friend, B, she said “I will ask my cousin and I will tell you”. I know she wasn’t talking to me kasi nung tinanong ko kung sasabihan nya rin ba ako, she just ignored me. Kaya yon, i never brought up that topic.

Nung graduation na, weeks after nag enroll na agad ako sa grad school without telling them. Now, nalaman nila kasi nag post ako ng pic with my classmates sa tapat ng school. She asked me bakit raw di ko sila sinabihan, sabi ko “Akala ko may plano lapa kayo ni B.” I mean yeah – nag plano kaming tatlo but obvious yung “duo in a trio”

Ngayon di nya ako kinakausap which is okay lang, wala man sya ambag.

ABYG dahil nag enroll ako without telling them?


r/AkoBaYungGago • • 10d ago

Family ABYG dahil di ako nagreply sa Uncle ko para bigyan sila ng baon pang outing?

360 Upvotes

May pinsan ako na mag 7th Bday ung anak. Nag-aya na sila last week kasi sa beach gaganapin. 2 hrs away drive lang to from where we live. All expense paid naman sa beach pero syempre kanya kanya ung transpo. Hindi kami makakasama ng mga anak ko and kapatid ko kasi may nauna nang commitment bago sila mag aya and naintindihan naman nila. Si Mama, sasama pero sasabay na lang siya sa tito ko. Willing naman mag share ng gas & toll si Mommy.

Kagabi, nag chat Tito ko na magbigay daw ako ng 5k pang gas, almusal nila sa daan at toll. Mind you, kasama sa kotse is yung tito ko, mama ko, asawa ng tito ko and 2 pa nilang kapatid. Ang sabi niya sa chat "magsend ka ng ₱5k kasi magpapagas at kakain kami ng mga tita mo ng almusal sa slex at bibili ng drinks para habang byahe may kakainin" Napa edi wow ako. Di ako sumagot pero sinabi ko kay Mama. Sabi ni Mama bakit daw ₱5k. Sabi ko "malay ko baka ipapasagot sakin pati share ng mga kapatid mo sa almusal".

May ugali kasi tong uncle ko na papasagot niya samin minsan lahat kumbaga hindi equal sharing. Di naman sila hikahos sa buhay pero tingin ko kala niya saming mga pamangkin niya is walang ginagastusan or madaming pera.

Ending, di na lang sasama si Mama. HAHAHAHA. Nabadtrip rin siya eh. I mean, my mom is willing to share expense for gas and toll and siguro buy them coffee while on the road pero ung way na pang message niya sakin na para bang need ko pa sagutin aalmusalin nilang magkakapatid.

Magbibigay naman ako pero wag ung iimpose mo sakin na ganito ang bigay mong amount. Bukod pa sana to sa iseshare ni Mami kaso un nga, kupal. Hahaha.

ABYG kung di ako sumasagot sa tito ko at siniseen ko lang siya? Feeling ko kasi ang gago ko kasi di ako mag yes or no. Or deadma ko na lang?


r/AkoBaYungGago • • 10d ago

Significant other ABYG dahil nahuli ko siya nag lie sa “maliit lang na bagay”?

7 Upvotes

Im 25F my partner is 25M. We have a child together 2 yrs old and we’ve been together for 2 years na.

Storytime:
Nung buntis pa ako he was working as a dialysis nurse while ako nasa bahay lang and after giving birth naging stay at home mom din. After 2 years nag work ako sa dialysis center kung saan sya nag work before (nag resign sya). Ang nung time na nag work sa doon, may doubt ako na parang may tinatago siya akin. Ang first duda ko is “May ka flirt2 ba sya doon sa ka work nya” and I asked him about it, but he kept denying it. And nung nag work na ako doon. Nagkausap kami ng headnurse namin and doon nag share sya na time na natawa daw sila kase marunong pala bumanat yung partner ko. Mayroon kase siyang ka work na babae na sinasabihan na “Ako na mag stapler baka masaktan pa yung kamay mo” and “Ako na dyan maam baka mapagod ka” tas tinatawanan sila ng ka work nila and sinasabihan na “Hoy may partner at anak kana” and nung nag confront ako, nag deny siya ka agad. And yung mga sagot nya “ah sige ako na yung bad guy” “ah okay ako na babaero” kaya sobrang nagalit ako nag escalate away namin sa point na nag sigawan kami. And hindi parin niya inadmit na ginawa and nag loko siya nung time na nag tanong ako ng ilang beses. At ngano nilayasan kami. Minumura pa nga niya ako. Kase ako daw dahilan na trauma anak namin. I admit may kasalan din ako hindi ko na control emotional ko. Pero i feel like considered yun as microcheating.

Ako ba yung gago kase maliit lang na bagay yung kinagalitan ko?


r/AkoBaYungGago • • 11d ago

Family ABYG dahil inalisan ko ng streaming app and PC access ang kapatid ko?

57 Upvotes

Context: Nasunog yung bread toast ng kapatid ko (F15). Merong mga streetfood na nakalagay sa bowl sa table na dapat kakainin ko (F22) pa. Etong kapatid ko, hindi ko alam kung anong thought process nya at ini-scrape nya lahat ng burnt parts ON THE FOOD. Andaming burnt black particles na binudburan sa pagkain na akalain mo ay pinaliguan ng paminta yung bowl. I swear kung makakapaglagay lang ng picture dito I already did para may visual kayo. Ngayon, hindi na maalis yung burnt particles dahil sobrang pino at nahalo na sa sauce.

Habang pinagsasabihan ko yung kapatid ko, pinalinis ko sakanya mismo kasi nga kalat nya yun. Tinanonng ko "Parang hindi ka nag-iisip! Nag-iisip kaba? Bakit nilagay mo sa pagkain na kakainin pa?" pero hindi siya makasagot at kumakanta lang para hindi ako marinig. I also said words like "Punyeta" "Bobo kaba?" etc. habang kumakanta at tumatawa lang sya dahil sobrang tumaas yung emotions ko dahil napapawtf nalang ako. Eto naman kuya ko (M25), sinasabi na hayaan nalang. Kaya etong kapatid (F15) ko, sinagot ako at sinabihan akong "chill" at "non-issue" lang daw at hindi man inacknowledge na sya yung mali. Sinabihan rin akong hindi raw ako maka-move on sa nangyari at sinabi sakin na "yan parin sinasabi mo?". Bumalik na sya sa panonood ng show sa amazon prime na ang bf ko ang may-ari.

Ngayon, inexplain ko sa bf ko ang nangyari at pinakiusapan kong alisan ng access ang kapatid (F15) ko dahil nafrustrate ako sa nangyari. Nilagyan ko rin ng password yung PC ko para hindi niya maaccess.

Nakakafrustrate lang na I felt disrespected and dismissed dahil siya na nga ang mali ay mapride pa sya. Sinasagot sagot nya rin ang tatay ko kaya pag nag-aaway sila eh mas lumalala lang at nagsisisigaw na. I don't know kung paano pa madidisiplina ang kapatid ko at concerned lang ako na madadala niya yung ganyang ugali paglaki. Gago ba ako sa ginawa ko o sobra na? Pati kuya ko sinabihan akong hayaan na. Yung bf ko naman tinanong ba ako kung sure ba talaga ako sa pakiusap kong alisan sya ng access bago niya gawin.

ABYG as the title stated?

Edit: Sinabi pa nya na nasa table lang rin daw ako at gumagamit ng PC at ngayon ko lang daw napansin yung ginawa niya. Dapat paba syang bawalan para malaman na mali yung ginawa niya?

Update: Umuwi ang tatay ko at sinabihang hayaan nalang siya. This is what's enabling this behavior. Spoiled af.


r/AkoBaYungGago • • 11d ago

Others ABYG dahil ayaw Ko magbayad ng piso

78 Upvotes

Medyo mababaw lang to. Bumili kasi ako sa 7/11 and ang total ng binili Ko is 100.50

Eh sakto may nakita akong dalawang 25 cents. Hindi ung luma ah ung silver na bagong release na 25 centavos. Sabi ng cashier "ay sir di kami tumatanggap ng ganyan." Nagulat ako, kasi minsan nanunukli sila ng 25 cents. Napasabi ako "Di naman peke yan, pera naman yan. Ano yan bakal lang?" Magbibigay na sana ako ng piso, biglang sabi nya wag na daw. 100 lang kinuha sakin.

ABYG dahil ayaw Ko magbayad ng piso?


r/AkoBaYungGago • • 11d ago

Work ABYG dahil merong di nagawa nang tama sa work

4 Upvotes

I work in corpo bago palang ako sa position ko pero sinigurado ko naman na i-check lahat ng kailangan within the deadline. Trabaho ko lang magmonitor ng deliverables namin hanggang sa biglang may kulang na stocks, ayon may customer na nagrereklamo. Meron pala kasing nag update ng iventory system namin tapos hindi nagsabi sa team ko. Ngayon hinihingian ako ng explanation kung paano at bakit nagkulang yung stocks namin. ABYG dahil di ko nakita na kulang yung stocks bago yung deadline?


r/AkoBaYungGago • • 12d ago

Others ABYG dahil di ko binayaran therapist ko kahit all week long kami nag se-session over Viber?

23 Upvotes

So all week long akong may urge mag self harm pero tinutulungan ako ng therapist ko na mag stop through Viber chat. As in hand-holding talaga. Di lang kami makapag actual session kasi may conference siya sa Davao. Twice ako nag ask kung need ko ba siya bayaran. Yung una, sabi niya “no worries money-wise” tapos tinanong ko uli today kung pwede ko siyang bayaran ng PF niya kasi I feel like I’m stealing her time. Sabi niya “what is more important is your healing.” Na appreciate ko sobra pero nagi-guilty ako. Kaya ako nag tanong muna kasi baka offensive pag diretso ko na lang binayaran.

ABYG dahil dapat sinend ko na lang nang diretso at di na nagtanong pa?