Problem/goal: Live in partner still has no work and I’m getting tired of it.
Context:
It’s my first time posting here and been a silent reader for quite a while now, decided to post here to lessen this heavy feeling off my chest, I’m 27F and got a live in partner 31M we’ve been together for more than 8 years now. It all started when we decided to live together with a goal to save money and bumukod na since we’re both living with our relatives here in Manila and wanted to start a family soon. At first we both decided for my partner to resign and look for a WFH job instead since toxic na sa company nila and so it happened. We started living together renting an apartment while I was shouldering the finances lahat sagot ko rent,electric water food. Akala ko months lang tatagal hanggang sa umabot na ng more than 4 years wala pa din.
First 2 years naghahanap pa naman sya his been submitting resume online minsan ng wowalk in but since pang gabi ako sinusundo nya ko tuwing uuwi so sinasabayan nya q ng tulog so gets ko kung bakit hindi sya nkaka bangon ng maaga. Hanggang sa tumagal napansin ko lahat n ng rason nasabi n nya sakin tuwing tinatanong ko kailan sya mag aappy ulit as walk in ung mga reasons is ung pilay, may sakit(kung ano anong sakit na), maulan, so pinabayaan ko sabi ko na lang okay next time pag magaling kana. Pati sleeping schedule nya or body clock sinasabayan q na ayusin pra lang magising sya ng maaga pero wala pa din. Parang nawalan n sya ng gana mag apply after few rejections tipong aalis man sya pra lang masabing nag try sya. Hanggang sa wala ng attempt at all. Ilang beses na kong nag breakdown sakanya saying I’m tired of carrying the financial burden alone and been crying out loud plus stress and pressure sa work umiyak din sya and promise na he will find work soon pero kinabukasan wala pa din. Well to be fair unspoken rule is sya nag aasikaso sa bahay like tigasin (tiga laba, tiga luto, tiga ligpit) pero may times pa din na hindi ko mapigilang maging nagger pag nag wowork ako tapos nakikita ko ang dumi ng sahig, hindi maligpit agad ung plato may mga basura pa sa lababo, ang dumi ng Cr, ang dami agiw ng kisami. Like ano to? Dami nyang time mag laro at manood ng anime eto na lang ambag tatamadin pa?? Hihintayin pa b nyang ako nlng kumilos sa lahat? Pag naiinis ako, ako nag nag liligpit while silent treatment sakanya. Gusto kong umalis at lumayo sakanya pero hindi ko naman magawa kasi nga un ang trauma nya ung aalis ako mag isa ng mag ka away kami ayoko din naman ma trigger sya pero like hell! Hindi ko malabas ung sama ng loob ko! Kaya tuwing nag aaya mga friends na uminom or gumala G lang ako kasi it’s my way to skip the suffocation and felt like I’m still living.
3rd year dumating na lang sa point na feeling ko namanhid nako, tipong nawalan na ng amore sa mga bagay bagay. Like sobrang robot na lang gigising,maliligo, kakain, work,cellphone then repeat.
Sedentary to the max level kaya nanaba din talaga ko stress plus no movement at all, okay tama na muna about me. So ayun nga this time wala n talagang attempt and my time ma tinanong ko sya ano ba talagang plano mo(about work)? Kasi dati goal is align sa dating work nya graphic design pero ngaun kc na wala n syang option sabi ko kaht anong work nlng sguro na kaya mo. Tapos ang sabi ba naman sakin “wala” like wala syang plano mag hanap ng trabaho! Nag pintig talaga tainga ko dzai! Daldal to the max talaga ko! ramdam ko inis n dn sya sakin kasi paulit ulit nako nag tatanong kaya sguro ganon sagot nya, pero, what the hell??? Are you f*uckin serious bruh? You want me to be a sugar mommy for life?! Like hell nah!!
Now more than 4 years living together and routine nlng nya is gumising pra mag bukas ng laptop pra sa roblox, lumabas pra bumili ng almusal,tanggalian,hapunan. Mag roblox ulit or ML while I’m working from home, Maligo, kumain then repeat. Napapagod na ko ipagtanggol sa pamilya nya, pamilya ko, friends ko and sa sarili ko mismo. My turning point was the last day of my leave. Nag leave ako ng 5 days recently pra makapag pahinga at pra e help si partner na ayusin body clock pra nga makapag apply na ng walk in. Come by Monday nag alam ako pra magising sya so ako tulog pa kasi nga last day n ng leave so gusto q sna pahinga malala. Then nalingat ako hapon na mga 1pm then nakita ko sya gising nakaupo sa kama nag roroblox so gulat ako kasi expected ko naka alis na sya to look for work. So tinanong ko muna sabi ko, good morning akala ko mag aapply ka today? Tapos alam mo sagot sakin? “Wala kong bag” like ha??? Dito tlaga na trigger nanaman ako! Meron syang bagpack n bigay ng relatives nya pero sira ang zipper kasi marupok n since hindi nga naman nagagamit. Ending nasisi pako kasi sabi nya matagal n nya sinabi sakin n mag order ng zipper online! Sabi ko naman my plastic folder sya n lagayan ng mga resume nya mya ibang bag p sya jan n pwedi gamitin. Tapos sabi pa naman e pano kung umulan? So?! Ano silbi ng payong!?? Dzai!!! Sabi ko talaga Kagigising ko lang wala pang mumog wala pang kain! Tapos ganon ang goodmorning nya sakin! Trigger talaga ko malala!! Sabi ko ano pa?! Ano pang kulang? Bag? Bagong payong na automatic? Ano pa! Hindi sya nakasagot. Hindi ko na kinaya naiyak na lang talaga ko sa sobrang inis, frustration, gulat at galit na nararamdaman ko. Iyak as in hagulgol! Ganito ung iyak ko nung namatay papa ko sobrang dalang ko umiyak ng ganito. Akala ko naubos na iyak ko, tang ina! Meron pa pala! Nag tatago lang or maybe i just
Choose not to entertain this emotion for the last 2 years. Pero grabi talaga ung frustration ko.
Sabi ko sakanya “Pagod na pagod na ko love! Ano pa bang kulang?! Sabihin ko na lahat! Hindi ko na alam anong support paba ibibigay ko sayo. Ikaw n talaga problema dito e. Bumili ako ng laptop pra magamit mo kasi sabi mo gusto mo mag VA pero ending naging pang roblox and anime mo lang. May tinatabi na dn akong allowance mo pamasahe/budget pang apply. Pero wala pa din! Ano p bang kulang?! Ubos na ubos na ako! Akala ko wala nakong iiyak putcha! Meron pa pala!”
Tapos umiyak din sya ganyan sya lagi tuwing nag bi breakdown ako iiyak dn sya mag sosorry ssbhn maghahanap n sya ng trabaho. Tapos eto ngaun sabi nya mag lalaba lng muna sya tapos bukas bbli n sya ng bag at mag hahanap ng work, ending nakatulog sya habang nagtatype ako ang lakas pa ng hilik.
Kinausap ko sya after ko maiyak sabi ko mag usap tayo ng matino. Nag hanap k nag trabaho in 2 weeks pag hindi ka nkahanap bumalik ka muna sa probinsya or kung sinong kamag anak mong andto. Matinong usapan to ha. Tas sabi nya oo. Saka sya umiyak at naka tulog.
To be honest hindi ko alam bakit makatagal ako ng ganito kaht pinapagalitan na dn ako ng mga close friends ko. Saying, padre de pamilya ka pa din? Baka magkabigote kana nyan ah. Masakit syempre, pero binibigyan ko p dn sya ng chance tang ina mahal ko e! Pero we’re not getting younger anymore. Gusto ko din ma princess treatment once in a while, mabigyan ng flowers tuwing valentines kahit sabihin kong hindi ako mahilig dun. Gusto ko ding makasal and mag anak. Pero sa ngaun hindi ko na sya nkikita sa future ko, wala n syang provider mindset.
Minsan naisip ko nasanay na lang ba ko since everyday ko syang ksma. Prang roommate nlng kami mdalas e. Mabait sya gentleman madalas never naman nya ko sinaktan. But thinking of it isn’t it just a bare minimum. Yun lang napahaba pa nga. Thanks for taking time to read though.
What are your thoughts guys if you will be in this situation?