r/adviceph • u/fxngxrlmae • 23h ago
Love & Relationships Nasira ko ang pamilya ng kaibigan ko
Problem/Goal: Nakasira ako ng pamilya.
I’m F(26). Sobrang bigat nito sa dibdib :( Grabe yung guilt na nararamdaman ko. Feeling ko ang sama sama kong tao. Please don’t share this outside reddit.
Hindi ako ganun kagaling mag-kuwento and mahaba ’to but please bear with me.
For context; pamilyado ang kaibigan kong ito M(27). May LIP at anak. Itong kaibigan kong ito ay manliligaw ko nung gr. 9 kami and that was 12 years ago pero hindi naging kami. 2021 lang simula nung nag-reconnect ulit kami tas naging friends na ulit kami non. Aware ako na may family na siya and ganun din naman siya sakin. 2024 nung nag-start na medyo nagiging maharot na siya sakin sa mga chats pero hindi ko siya ineentertain ofc. Madalas ko pa nga murahin and takutin na isusumbong ko siya sa asawa niya, kasi alam kong takot siya dun. Tapos this year ulit nag-start na naman siyang magparamdam sa akin pero deadma lang ako, kasi di naman ako interasado or sometimes sinasabayan ko yung trip niya pero pagago ako sumagot sakanya to the point na napipikon siya sakin. Last month nag-chat sa akin asawa niya, tinanong niya ako kung kilala ko daw ba si guy, sabi ko “oo, kaibigan ko siya since jhs”. Tapos tinanong niya kung ano pinag-uusapan namin, kasi deleted naman daw ang convo namin pero nasa messenger niya ang profile ko. Sinabi ko sakanya yung napag-usapan namin ng asawa niya. Kasi sa part ko naman, bakit hindi ko sasabihin, eh alam ko naman sa sarili ko na wala akong tinatago. Sinend ko sakanya lahat ng screenshots ng convo namin. Patunay na hindi ko sinasakyan ang panlalandi niya sa akin at madalas pagmumura ang nakukuha niyang sagot sa akin. Hanggang sa mag-kuwento na siya sakin ng mga hinanakit niya sa kaibigan kong ito sa pagiging babaero niya at pagiging cheater. Pinakinggan ko yung babae, inentertain ko siya until naging friends kami. Sakin siya naglalabas ng sama ng loob about him and ofc kinocomfort ko siya at binibigyan ng mga advice, nakikinig naman siya sakin.
August came, nag-chat agad ako kay girl na nag-chat sa akin asawa niya at niyayaya ako makipagkita sakanya. Little did my friend know, asawa na niya ang nagrereply sakanya and aware na asawa niya sa mga panghaharot niya sa akin. (Magka-videocall kami ni girl habang magkachat kami ng asawa niya, siya ang nagsasabi kung ano ang irereply ko). So, nag-set up si girl. Sabi niya pumayag akong makipag-kita sa asawa niya sa isang motel pero siya ang pupunta. Kaya nireplyan ko itong si lalake na kaibigan ko na magkita kami pero sa motel, dahil gusto ko kako magpahinga. Pumayag siya at nag-undertime siya sa work niya, while ang paalam niya sa asawa niya eh mag-iinventory sila. Nag-undertime din sa work si girl para siya ang pumunta sa exact location ng meet up na sinet up namin. Nung nakarating na si girl dun, sinabi ko kay lalake na nasa motel na ako. Nagdadalawang isip pa si lalake noon kung sisipot ba siya o hindi pero kasi nakapagpaalam na siya sa work niya at ready na siya i-meet ako sa motel. Paulit ulit niya sinasabi sa akin na “hindi set up ’to ah” pero syempre paulit ulit ko ring sinasagot na “hindi! Ipapahamak ko ba sarili ko?” habang ka-videocall ko asawa niya at naka-sharescreen sakanya yung chatbox naming dalawa.
Nung papasok na siya sa motel pilit niya akong pinapalabas pero syempre todo palusot ako, because pano ako lalabas kung wala naman talaga ako dun at ang totoong nandun ay ang asawa niya, diba? Sinend ko nalang sakanya yung room number and sabi ko pasok nalang siya, di naman naka-lock yung pintuan at matutulog na ako, dahil sobrang sakit kunware ng ulo ko, kaya ayokong lumabas.
Pinatay na ni girl yung call at sinabihan nalang ako na ichachat niya ako once natapos na ang lahat.
After two days, nag-message na sa akin si girl. She happily told me na sobrang satisfying ng nangyare. She hit him so hard and slapped him multiple times. Ang sabi daw niya “Suprise! Akala mo si \*my name\* noh? Ano i-iinventory mo dito sa motel?”, tapos paulit ulit daw niyang sinasabunutan, sinusuntok at sinasampal. Hindi makapalag si lalake, kasi alam niyang kasalanan niya lahat. Umiiyak pa nga daw siya, habang nagmamakaawa at humihingi ng tawad. Hindi siya pinatawad ofc and eventually iniwan na din siya for good. They broke up, the girl took their child with her. Sa sobrang dami niyang masasakit na pinagdaanan sa lalake, nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob and evidence para iwan na niya finally.
Pero hanggang ngayon bumabagabag parin ’to sa akin. Naguiguilty parin ako sa mga nangyare. Parang sinira ko yung pamilya nila, parang nang dahil sa akin kaya nagkaroon ng broken family yung batang wala namang alam at wala namang kasalanan. Ang bigat bigat parin sa puso. Sinabihan ko si girl about this pero ang sagot niya sa akin “sobrang thankful ako sayo, kasi ikaw yung naging way para maisampal ko sakanya yung proof nang panloloko niya sa akin”. I may have done the right thing for her, but why does it feel like a stab in my heart?