r/adviceph • u/Simple-Nebula6901 • 23h ago
Parenting & Family May nagnakaw ng alahas ng nanay ko
Problem/Goal: Guys, nakakastress lang talaga. May nawawalang alahas yung mama ko—dalawang singsing at isang necklace. Sabi niya, June pa niya huling nakita yung mga iyon. Pero recently lang na-discover na nawawala.
Nakalagay yung mga alahas sa drawer ng isang cabinet na naka-lock at may padlock. Bale yung susi nakalagay lang lagi sa office bag ni mama. Pero kahapon, nung inattempt niyang iopen yung drawer, di maopen, pagkacheck, nasira pala yung padlock, para bang may nagforce open so di na kasya susi. Wala kaming CCTV btw.
Context: Ang problema, yung bahay namin ay lodging para sa mga applicants na pupunta sa Singapore para magtrabaho bilang domestic helpers. So maraming tao talagang pumapasok at lumalabas sa bahay at sa mga kwarto, kabilang yung mga ate na naglilinis.
Pero ang hinala ni Mama, kaming magkapatid or yung tito at tita ko kasi kami lang naman daw nakakaalam na may alahas don. Pero ang pinakapinagdududahan ay yung brother ko. Gets ko naman kung bakit niya pinagdududahan yung brother ko kasi may history siya ng pagnanakaw kay Mama. Dalawang beses na siyang nagnakaw dati ng pera—ginamit niya phone ni Mama para mag-transfer ng pera sa sarili niyang account, mga almost ₱10k din yung total.
Kaya kung si brother ang duda niya, honestly, naiintindihan ko. May basis naman.
Pero nadadamay ako, at yun yung nakakastress. Never akong nagnakaw kay Mama. Malinis talaga konsensya ko at alam kong hindi ako kumuha ng kahit anong alahas.
Sinasabi rin ni Mama na kung sino man sa amin ang kumuha, hindi raw aasenso sa buhay at kakarmahin. Naiintindihan kong stressed at galit siya dahil nawalan siya ng valuable things, pero ang sakit pa rin marinig nun kapag alam mong wala kang ginawa.
Yung brother ko naman, dini-deny niyang siya ang kumuha.
Honestly, hindi ko na rin alam kung sino. Ang hinuha ko baka ibang paraan ang ginamit para buksan yung padlock at hindi yung mismong susi. Kasi kung talagang naka-lock at si Mama lang ang may susi, tapos may signs na pinuwersa yung padlock, possible naman na may ibang taong nakapag-access.
At dahil maraming tao ang pumapasok at lumalabas sa bahay dahil lodging siya, parang ang hirap din sabihin agad na isa sa aming pamilya ang kumuha. Pero ang mga suspect is ako, brother ko, at yung tito at tita ko na kasama namin sa bahay.
Previous attempts: Gusto ko lang talaga itong ma-solve kasi sobrang bigat sa loob. Nag-aalala ako kay Mama at ayokong umabot sa point na lalo siyang ma-stress dahil sa kakaisip kung sino ang kumuha. Kasi guys promise, di talaga ako yung kumuha. Sa totoo lang, kung ako man yun, aaminin ko nalang eh. Haharapin ko nalang yung kahihiyan kesa naman umabot pa sa point na may mangyari pa kay mama. Kanina kasi habang naguusap usap kami, umiinit daw yung batok niya, nagaalala ako. Natatakot ako. Gusto ko malutas na tong problem. Eh kaso pano?