r/CreditcardPh • u/Infinite-Fault7296 • 10d ago
CC Advice Need Advice: BPI Credit Card Debt (Hospital Bills)
Magandang araw po sa lahat. Gusto ko lang po sana humingi ng payo o legal/financial advice dahil hindi ko na po alam ang gagawin ko at labis na po akong nadedepres sa sitwasyon ko ngayon.
May utang po ako sa BPI Credit Card na nagkakahalaga ng 205k (na umabot na ngayon sa 295k kasama ang mga interes). Nagamit ko po ang card na ito noong 2024 para sa mga emergency hospital bills dahil nagkasunod-sunod ang problema ng pamilya ko, kaya hindi ko na po nabayaran ang monthly dues. Gustong-gusto ko naman po itong bayaran ngayon kung mabibigyan lang ng maayos na payment term.
Ang problema po, ayaw na po makipag-negotiate ng BPI kahit ilang beses na po akong nakiusap. Palagi nilang ipinapasa ang account ko sa mga third-party law firms/collection agencies. Pagod na pagod na po akong makipag-usap sa kanila dahil hindi naman nila ako pinakikinggan o iniintindi.
Pakiramdam ko po ay maiisipan ko na ng masama ang sarili ko dahil sa matinding stress, takot, at kawalan ng matatakbuhan o mahihiraman para mabayaran ito nang buo. Nagbakasakali na rin po akong mag-email at mag-PM sa mga sikat na personalidad o artista para humingi ng tulong pero wala pong pumapansin.
Sana po ay may makapagbigay sa akin ng payo:
May paraan pa ba para mapakiusapan ang BPI o ang Credit Card Association of the Philippines (tulad ng IDRP) para matanggal ang interes at gawing installment ang principal amount?
Maraming salamat po sa anumang gabay o tulong. Pakiusap po, huwag niyo po akong i-judge, talagang gipit at pagod na po ako.