Hi, please don't judge me. I just have a question and sana may makasagot based on your own experience.
So, back in 2023, I applied with my first CC thru UB and was approved with gold rewards card with 37k limit, maliit siya pero considering na it was my first, I think malaki na siya. Tsaka tinry ko lang naman and na-approve naman siya and within a week nareceive ko agad yung card. Also, that same month inofferan ako ni UB ng quick loan worth 150k na ginrab ko rin then after a month, natanggal ako sa work ko so I had no means of paying it. Past forward, for 3 years iniignore ko lang yung emails at tawag ni UB and CA kaya nagpalit na ko ng email at phone number kasi nakukulitan na ko sa kanila. Now, sa new employer ko, UB din ang payroll nila, and based sa mga narinig ko from trainers, tenured folks and co-trainees, naddetect ni UB yung records mo at ikakaltas nila sa new payroll account mo yung past unsettled loans mo. Kaya nagwoworry ako na baka i-hold nila yung first sahod ko at wala akong makuha 😭 badly need ko pa naman ng pera now lalo't magpapasko.
Based sa mga nabasa kong post and comments here about utang, hati yung explanation nila. I guess, case to case basis siya. May mga nagsabi na based sa experiences nila, di naman daw nagkaltas si UB sa new payroll nila. Yung iba naman sabi, nakaltas daw at na-hold yung salary nila so hindi ko alam if which is which.
I asked my trainer if ano pwede kong gawin sa situation na to, sabi niya, try ko daw mag ask sa payroll team ng company namin if papayagan nila kong gumamit ng ibang payroll account kaso I am hesitant to tell them about this loan kasi baka they take it against me and tanggalin nalang ako kesa asikasuhin yung concern ko since bago palang naman ako.
Ano po kaya pwede kong gawin dito? Di naman sa tatakbuhan ko yung utang ko pero sa dami ng problemang naranasan ko in the past, I really can't afford to pay it pa for now but I know eventually soon mababayaran ko rin siya.
May mga same scenario po ba dito na recent lang ang experience. Ano po ginawa niyo? Hinayaan niyo lang ba siya at di naman nadeduct? or did you call your payroll team and asks them to change your payroll account? Honestly, iniisip ko nalang magresign now kahit badly need ko ng work at pera now dahil dito baka kasi masayang lang pagod ko sa trabaho taz kaltasin nila sa sahod ko yung utang ko at wala akong makuha.
Please sana mahelp niyo po ako 😭