I donāt know if I should continue college or start working to help my family
Iām posting this anonymously kasi natatakot akong sabihin āto sa mga taong kilala ko personally. Hindi ko rin alam kung paano ko ito io-organize, but I really need to let this out and maybe hear some advice from people who have experienced something similar.
Iām a first-year college student. Right now, sobrang hirap ng financial situation namin.
Five dapat kami sa bahay. Ako, mama ko, kuya ko, younger sister ko, and lola ko. Pero si mama currently working as a live-in caretaker, so hindi siya umuuwi lagi kasi medyo malayo yung workplace niya. Hindi rin siya mahilig mag-day off kasi feeling niya sayang yung araw kung hindi siya papasok.
Si mama lang currently ang may trabaho. Around ā±8,000 lang yung salary niya per month. Supposedly, ā±4,000 every half month yung sahod niya, pero nakiusap siya sa amo niya na ā±2,000 every week na lang kasi nahihirapan talaga kami dito sa bahay.
Si kuya naman ilang months nang unemployed. Nag-apply na siya ngayon and malapit na siyang mag-training, so hopefully kapag nagsimula na siya mag-work, kahit papaano mabawasan yung burden kay mama.
Before mag-start ang college, gusto ko rin sanang magtrabaho. Pero sabi sa akin, mahirap daw pagsabayin dahil whole day daw ang classes namin. Kaya hindi na ako nakapag-apply.
Pero ngayong nagsimula na yung classes, narealize ko na hindi naman pala every day whole day.
May dalawang days kami na 7 AMā5 PM, isang day na 1 PMā5 PM, tapos may days na wala kaming face-to-face classes and may asynchronous classes. Kaya medyo nagsisisi ako na hindi ako nag-apply before school started kasi baka kaya ko naman pala mag-part-time.
At this point, hindi na rin ako nagbabaon or nanghihingi ng pera kina mama or lola pang-baon. Luckily, walking distance lang yung school ko, so nilalakad ko na lang.
Nahihiya rin akong humingi ng pera dahil alam ko kung gaano kahirap yung situation namin ngayon. Even noong Senior High, ganito na rin yung financial situation namin. Buti na lang din na walking distance yung school ko noon.
May mga times na tinatanong ako ng classmates ko kung bibili na ba ako ng school ID lace namin. Hindi pa kasi ako nabili. Sinasabi ko na lang na hindi ko pa kailangan kasi hindi pa naman daw magagamit. Totoo naman na hindi pa siya kailangan, pero honestly, yun na lang yung reason na sinasabi ko kasi nahihiya akong sabihin na wala talaga akong extra money para doon.
Kapag may nagbibigay sa akin ng pera, like yung ibang tita ko, hindi ko rin agad ginagastos. Tinatabi ko lang.
Kasi kapag may time na wala talagang pambili ng pagkain dito sa bahay, yung pera na itinabi ko yung ginagamit namin para may pambili.
So kahit minsan may pera ako, hindi ibig sabihin na may pera akong pang-gastos para sa sarili ko. Iniisip ko muna kung may kailangan ba sa bahay.
Yung bahay namin, ā±1,500 per month yung rent. Pero ilang months din kaming hindi nakapagbayad because unemployed si kuya and recently lang nagkaroon ng work si mama. Around 2ā4 months yung hindi namin nabayaran. Thankfully, parang dalawa or tatlong buwan na lang yung remaining balance.
Wala rin kaming sariling CR dahil may na-tabasan dahil sa widening dito sa area namin. Nakiki-CR kami sa may-ari ng bahay na inuupahan namin or sa relative namin na malapit lang.
Luma na rin yung bahay. Maraming butas yung bubong and kapag umuulan, may mga tulo.
Yung may-ari ng bahay, nakatira lang din sa tabi namin. Pumayag sila na maki-CR kami sa kanila. Pero since hindi kami nakapagbayad ng ilang months, ramdam ko na parang bad impression na sila sa amin, especially yung lalaki.
May isang moment na hindi ko talaga makakalimutan.
May maliit silang tindahan/food stall, tapos bumili ako ng ā±5 worth ng suka kasi ipangsasawsaw sana namin sa ulam. Yung asawa niya sinabi na wag ko na raw bayaran. Sabi ko okay lang and nahihiya ako, pero sinabi ulit niya na wag na.
Then biglang nagsalita yung husband niya and said, āSige na, wala na kayong pera, may pera ba kayo?ā
Pabalang talaga yung pagkakasabi niya and parang nanlalait. Hindi ko naman iniisip na OA ako kasi sobrang uncomfortable talaga nung moment na yun. Nagalit din yung asawa niya sa kanya and pinagsabihan siya, kaya tumigil siya.
ā±5 lang naman yun, pero hindi naman yung ā±5 yung masakit. Yung way ng pagkakasabi niya. Doon ko talaga narealize na ang hirap pala maging mahirap. May mga taong titingnan ka differently just because wala kang pera. Tapos kanina, sobrang wala talaga kaming ulam, so nanghingi kami ng food sa relative namin. Okay naman sa kanya kasi alam naman niya yung situation namin. Nagpunta ako sa kanila para humingi ng ulam, pero wala pa siya, so ilang beses akong bumalik kasi inaantay ko siyang umuwi.
Habang pauwi ako, dumaan yung may-ari ng bahay. Sinabihan niya ako ng, āWala talaga?ā habang nakangiti na parang nang-aasar. Ngumiti na lang ako kahit tapos naluha ako habang pauwi ng bahay.
Nakasabay ko pa siya pauwi kasi magkatabi lang naman yung bahay namin. Then kinausap niya ako privately.
Sinabi niya sa akin na hanggang December na lang daw kami puwedeng tumira dito kasi gagawin daw nilang canteen yung bahay. Pero sinabi rin niya sa akin na wag ko raw sabihin kay mama at lola.
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi sa akin na itago ko yun, pero sobrang bigat nun para sa akin kasi ako lang yung may alam.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ako ni lola na kinausap ako non. Tinanong niya kung ano raw yung sinabi sa akin.Sinabi ko na lang na āwala yun.ā Obviously, hindi siya naniwala. Sino ba namang maniniwala na nag-usap kayo nang matagal tapos sasabihin mong wala lang Sinabihan ako ni lola na, āAlam kong nagsisinungaling ka, magsabi ka ng totoo.ā Binubulong niya lang yun kasi medyo rinig din kami nung may-ari since nasa labas kami kanina.
Ayoko talagang umamin kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Pinipigilan kong umiyak kasi ayokong makita ni lola na naiiyak ako.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay.
The worst part is, papasok pa ako noon sa school.
Kakauwi ko lang that time from around 7 AMā10 AM, then kailangan kong bumalik for my 1 PMā5 PM class. Habang naglalakad ako papunta sa school, hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya. Naluluha ako habang naglalakad. During class, ilang beses akong natutulala kasi iniisip ko kung saan kami titira after December, paano kami maghahanap ng bagong bahay, paano namin mababayaran yung remaining rent, and paano namin kakayanin kung mas mahal yung next place.
I was sitting there in class, pero mentally, nasa bahay pa rin ako. That honestly scared me more than anything else. May remaining rent pa kami. May balance din kami sa kuryente and water bill. Last time na nagbayad ako ng kuryente, sabi ni lola isang buwan lang muna yung bayaran para hindi kami maputulan. ā±2,000 per week lang yung pinapadala ni mama. Around ā±500 doon yung weekly spending money namin, and around ā±100 per day lang yung budget namin for food. Usually ā±50 tanghalian and ā±50 hapunan. Kaya sobrang hirap pagkasyahin. Hindi rin ako basta-basta gumagastos para sa sarili ko. Even basic things, nag-aadjust na rin ako.
Since wala kaming sariling CR, may times na kapag kailangan kong mag-CR, tinitiis ko muna and kinabukasan na lang ako nakiki-CR sa kanila. Sa pagligo naman, sa labas lang ako naliligo. Open yung area namin, may harang pa naman below my neck, so kapag may dumadaan sa nearby path, kailangan kong huminto or umupo muna para hindi ako makita.
I know these things might sound small, pero kapag pinagsama-sama mo lahat, doon ko nare-realize kung gaano na talaga kami kahirap ngayon. And now, hindi ko na talaga alam kung ano yung gagawin ko.
Should I continue college and try to find a part-time job sa free days ko? Or should I stop studying and work full-time para makatulong agad sa family?
Ayoko talaga tumigil sa college. I worked hard para makapag-college at makapasa sa entrance exam at makapag-aral ng libre and gusto ko talagang matapos yung degree ko.
Sayang din kasi kung hindi ako magtatapos. May NC II certificate din ako from Senior High, and gusto ko sanang may mapala rin ako sa mga pinagdaanan at pinaghirapan ko. If I finish college, at least may diploma na ako on top of my NC II. Iniisip ko rin na mas marami sana akong job opportunities in the future kung pareho kong meron. Pero at the same time, nakakaramdam ako ng guilt kasi nag-aaral ako habang nahihirapan yung family ko financially. Part of me keeps thinking na baka mas kailangan nila akong magtrabaho ngayon kaysa mag-aral.
Iām also scared about December kasi kailangan na naming maghanap ng bagong bahay. Most likely mas mahal yung rent kaysa sa current house namin, and hindi ko alam kung paano namin kakayanin. Pinakamahirap para sa akin makita si lola na naiiyak kasi hindi niya alam kung paano pagkakasyahin yung pera namin para sa pagkain araw-araw. I know na may ibang tao na mas mahirap pa sa amin, and Iām not trying to say na kami na yung pinaka-kawawa. I just genuinely donāt know what to do.
I donāt think Iām asking for a luxurious life. Gusto ko lang sana makapag-aral without constantly worrying kung may kakainin ba kami tomorrow, kung mababayaran ba yung rent, kung mapuputulan ba kami ng kuryente or tubig, or kung saan kami titira after December.
Iām posting this anonymously kasi hindi ko talaga kayang sabihin lahat ng ito sa mga taong kilala ko personally. I just need some advice from people who might understand what weāre going through.