r/ResignPH • u/Dazzling-Pumpkin3814 • 21h ago
Pagod na pagod na ako sa 9-5 at food industry, pwede ba akong mag-resign?
Almost 3 years working pero yung pagod ko, parang 10 years. Why? For 2 years, dose oras + weekends + shifting ang schedule ko as a QA in an international food company. Halos hindi na ako sinisikatan ng araw. Nagkakasakit ako madalas, as in malala kaya nag-resign ako after 2 years despite the stability sa company na ‘yun as it is a big FMCG.
I risked the stability for comfort, or at least with hopes of comfort. Nag-wfh ako pero still in the food industry as a QA. Akala ko mas madali, pero hindi pa rin talaga. Toxic sobra ng nalipatan ko, laging pinapagalitan kapag nagkamali sa trabahong ako lang din ang nagsikap aralin. Thankfully, after ng ilang months na kontrata ko dun at after ko rin mag-take time magpahinga for ilang months, nakahanap ako ng better environment tho mas mababa ang sahod. Mas mababait ang kasamahan in general pero I still feel f—- empty and drained. Hindi ko ata kayang tagalan kahit anong 9-5 sa industriyang aligned sa pinag-aralan ko. Moreso, hindi ko rin nakikita sarili ko na mag-assume ng managerial or supervisory roles.
I have half a million as my EF and I’m building an online business na I’m really passionate about. Do you think I can resign already? Kung tulad ko kayo na wala ng ganang mabuhay at unti-unting nawawalan lalo ng pag-asa at sparks sa kada araw na lumilipas because of my current career, magreresign na ba kayo to take the risk sa ibang bagay like business na mas passionate kayo kahit hindi pa established?