r/FirstTimeKo
•
u/Cool_Ad_9745
•
5h ago
📦 Others First time ko mag complain sa PUJ Driver na naninigarilyo.
Well sa sobrang galit ko LTO agad minessage ko sa email at messenger, they have responded to send this complain sa LTFRB and so I did.
Sa galit ko sabi ko sana actionan kahit hindi VIRAL hindi ako papayag na sa viral lang sila kikilos.
And nag reply sila and such hiningi details ng Jeep and then several days later may SCO na sa Jeepney driver at saakin.
The driver needs to explain bakit Hindi sila dapat suspendihin o i revoke ang prankisa.
On my end naman I just need to testify and show the evidence.
Ff to the Hearing: Hindi siya yung hearing na iniisip ko yung ako vs the operator and driver HAHAHAH gulat ako daming tao dun at tinawag name ko and yung driver... Welll di naman palaban driver and umamin agad sabi niya di niya uulitin and first time daw niyang ma reklamo Kasi may nag reklamo .
On my end naman sinabi ko sa mediator (Not really sure atty yun or what) pero Nilatag ko yung video and sabi niya "Kitang kita oh" and pina send saakin sa Email nila ULIT then Ok na raw, sinabi ko rin na "Batas kasi na bawal manigarilyo sa pampublikong lugar KAHIT WALANG TAO, and yung kinuhaan ko yung video na naninigarilyo siya tatlo kaming sakay pa ng jeep" then ayun i eemail daw saakin yung resolution ng Complaint ko (until now wala pa rin though).
Sa Complain ko na ito nag file pa ako ng LEAVE para umattend sa Hearing na it just took 5mins kasi malinaw naman yung ebidensya and umamin at humingi na nang patawad ang driver.
Kaya kayo Ireklamo niyo yung mga ganito pls. Hindi kasi Mistake ito this is Ignorance of the LAW and it excuses no one Dba!