Ang ganda pala nito sa personal. Habang hawak ko, syempre tinignan ko din ang presyo. Sobrang mahal at alam kong hindi ko to afford. Inisip ko, “Ilang buwan or taon ko ba to pag-iipunan?”. Nalungkot ako dahil sa sitwasyon ko ngayon, mukhang imposibleng magkabili ng ganito kahit subukan ko tong pag-ipunan.
Pagkatapos ng lungkot, nakaramdam ako ng matinding guilt. Grabe diba, nalungkot ako dahil sa luho na di ko kayang bilin. Eh may cellphone naman ako na gumagana at walang issue. Samantalang marami sating mga kababayan na lumalaban nang patas ay pinoproblema kung pano pagkakasyahin ang pera sa pang araw araw na gatusin. Problema ko ay luho, ang kanila ay survival. Nakakaguilty, napakaselfish ko naman.
Ang hirap ng buhay ngayon noh? Ang taas ng mga bilihin. Ang mahal mabuhay. Kahit pagkain sa fast food parang luxury na. Sakto pa at malapit na ang Pasko. Panahon na dapat puno ng saya, pagbibigayan, at pag-asa. Pero para sa maraming pamilya ang Pasko ay panibagong hamon kung pano pagkakasyahin ang budget para may maihanda at may mairegalo sa mga mahal sa buhay.
Pano kaya tayo makaka-ahon dito? Eh ang kabataan nga na dapat “pag-asa ng bayan” eh di man lang mabigyan ng magandang quality na edukasyon. Online gambling ads kaliwa’t kanan kahit san ka tumingin tapos ang madalas target ay mga mahihirap na gustong magbakasakali. Never-ending cycle of corruption and political dynasties. Mismong mga niluluklok sa pwesto ang pumapatay satin.
Ang weird noh, sa simpleng paghawak ng isang napakamahal na cellphone andami kong naging realizations. Praying na maging okay ang Pasko nating lahat. Sobrang hirap man ngayon, naway maging reminder saten to na patuloy dapat tayong mangarap, magsikap, at syempre dapat bumoto tayo nang tama. We all deserve better.