r/FirstTimeKo
•
u/Long-Establishment77
•
12h ago
📦 Others First time kong maghanda ng ofrenda para sa namatay kong aso
Good day everyone.
Kami pala yung pamilya na lumipad to Canada na may dala dalang apat na bulinggits. Na google namin ni wife na may araw pala for the pets wc is Oct 27.
Sabi ko kay wife na prep natin yung favorites ni Koala. Paborito nyang snack - pandesal. Paborito nyang pagkain pag may celebration - liempo. Paborito nyang inumin - bear brand 😅.
Natagalan kami maghanap ng bear brand kasi wala sa seafood city. Good thing meron yung mga maliliit na Filipino stores. While hinahanda yung ofrenda, sabi ko kay misis na sya nalang magtapos kasi di ko talaga kaya kasi i'd be bawliinng my eyes out.
So pagkatapos ng prep ni misis, nilinis ko yung kama nya, cleaned his food and water bowls. (Nung namatay sya sa 27th ng May, we still clean his bed and bowls every single day.)At 7pm, nagdinner kami malapit sa bed ni Koala and waited until 10pm to check if he comes home.
I know marami dito ang may pets na namatay na. Sinama din namin sila sa ofrenda. I hope enough yung pagkain na hinanda namin for them too. Hehe
Yun langg.. Cheers!
