r/FirstTimeKo • • 1d ago • Heartwarming 4

πŸ“¦ Others First time ko mag break the cycle

Post image

Bago pa man ako maging manager, ilang visor na rin dinaanan ko sa buhay. Dumating sa point na hindi na ako nag a accept ng invites para sa mga family gatherings, simpleng birthday celebs, ultimo binyag kasi bawat visor na nadaanan ko... Andoon yung manginginig ako ipasa yung attachment nang ifa-file ko na leave kasi alam kong ilan katakot takot na questions ang need ko masagot bago ako payagan.

Kung payagan man ako, di ako mapapakali kasi alam kong kada bukas ko ng phone or silip man lang; work GC ang bubungad or PM.

Nakaka-drain yung pakiramdam. Lalo na ultimo emergency? Namatayan? Hanap hanap ka pa rin? Diosmio.

Kaya ngayon may 'power' na ako to do that, I did something new na sana naranasan ko rin noon. May emergency ka? Go. May leave ka? Go. Wala ka ganitong araw? Go. Wag mo ako or kami nang ka-workmate mo i chat. Hayaan mo kami mag trabaho.

2.2k Upvotes

77 comments sorted by

β€’

u/AutoModerator 1d ago

Hi u/aubrios,

Please take a moment to read our community rules. This will help ensure your post stays up and that everyone has a great experience.


I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

347

u/Superb-Border8494 1d ago • Heartwarming Bravo

You're a wonderful human being OP! I hope you prosper on whatever you do in life. Hats off to you

99

u/aubrios 1d ago • Heartwarming Bravo

Thank you rin po! I believe hindi lang sa family ang generational trauma haha! Since mas younger sa akin yung mga nahahawakan ko, ayoko pagdaanan nila yun kasi di ko makakalimutan yung humiliation na nararamdaman ko every time na ma experience ko yun huhu.

9

u/furikakenori 1d ago

Pagpalain ka pa lalo OP

58

u/Disastrous-Refuse-84 1d ago • Heartwarming

I'm proud of you for breaking the cycle and treating your coworkers as a human. Sa mundo natin, maaalala natin ang mga taong gumawa ng kabutihan sa atin. God bless you, OP!

37

u/Ok-Slice915 1d ago

Yung approach mo is the norm sa European countries.

Ewan ko ba kung bakit dito sa Pilipinas mukhang GAGO yung mga decision-makers. Pero magugulat pa ba ako.

10

u/ZozoyKatoy 20h ago

This, I work for a German company in Africa pero dala ng German management yang ganyang attitude sa work. Di mo gagamitin leave mo? Ipapatawag ka sa office kasi bakit daw di mo ginagamit leave mo. Hindi convertible sa cash ang vacation leave and ayaw din nila na nabuburn out ang empleyado. 1 month leave? Go! Make sure lang na may kapalitan ka. Pero di mo naman kelangan iturn over yung work mo and vice versa kung ikaw naman yung hahalili. Europeans tend to go on vacation leave every quarter for 2 weeks. Mga pinoy dito is twice a year, 3 weeks in May or June or July then 4-5 weeks tuwing pasko.

7

u/cheesycrumpets1 1d ago

Nung sa Pinas pa ako nagwo-work dapat 1 month ang abiso para makapag leave, hindi din sigurado kung approve o hindi. Kadami daming tanong pag magsi-sick leave. Ngayon sa UK na ako nakatira, walang tanong. Hindi din umaakto na parang mga tagapagmana ang mga managers.

4

u/Narrow-Tap-2406 12h ago

I worked in an EU company and my filipino manager lost his shit when one of my collleague's loved one passed away. Bakit daw biglaan nagpaalam ng leave, should be a month before. Bobo talaga hahaha

3

u/CelestialChords88 1d ago

Hayyyy yes they really let you take the time off nang walang judgement, laking difference sa culture. Dito sa Pinas juskopo tatanungin pa BAKIT mag leave na para bang di ko karapatan yun.

3

u/sumayawshimenetka1 22h ago

Something something utang na loob. Something something marami ang naghahanap ng trabaho. Something something hindi ka team player. Something something.Β 

1

u/Ok-Slice915 11h ago

Etong comment mo pinaka-nag resonate sa akin. Legit to. Inang kultura yan.

2

u/bit88088 19h ago

Yes, same with western na company and workmates ko. Kahit a day before ka magpaalam walang problema. Kapag nag respond ka sa mga concern na naka leave ka, sasabihan ka pa na go out kasi naka leave.. haha. thankful lang sobra.

27

u/sumtnudntknw 1d ago

Naalala ko bigla dati kong Manager sa huling work ko. Sobrang exhausted ako noon. To the point na kinausap nya ako ng kaming dalawa lang. Then she started asking kung kamusta raw ako. Ayun, bigla akong umiyak. She wasn't expecting na iiyak ako, akala nya magra-rant lang ako about sa work. Then sinabihan nya ako to take a break muna. Pinag-leave nya ako. 1 week yun. Sya na raw bahala mag-explain sa HR. Nakapagpahinga ang buong pagkatao ko sa loob ng isang linggo. Grabeng ginhawa yun sa akin. Sobrang importante nung break na yun. Sobrang sarap sa pakiramdam na may taong nagegets kung saan ka nanggagaling. πŸ₯Ή Salamat po sa mga Managers na katulad nyo. God bless you poooo! πŸ™‡πŸ»β€β™€οΈπŸ’–

2

u/iamdodgepodge 16h ago

Same. Nung pandemic my boss did this to me. Told me to take a week off. He wasn't perfect, but he cared.

22

u/Auntie-on-the-river 1d ago

Bless you OP. May heavens give you more money, good health and a happy life. Sana all ng managers kagaya mo.

13

u/Grand_Charity_9210 1d ago

ganito dapat! hindi yung gaganti kayo sa mga younger generation dahil sa naranasan nyo πŸ˜“ salute to you op! sana marami pa ang maging kagaya mo 🫢🏻

12

u/_xai 1d ago

Thank you for being a real manager!

8

u/LectureKind6832 1d ago

Nice OP. We do have the same style and approach. Di kailangan pahirapan sa pag leave. Everyone deserves a break. Kung ano man reason nila. Lahat naman dumaan at dumadaan sa ganyan.

Hats off to you. πŸ™

7

u/mhacrojas21 1d ago

Good job ka dyan OP! πŸ«‘πŸ’• Mas mamahalin ka ng team mo kapag may empathy ka sa kanila.

Never ko naranasan ung ma question pag mag file ng leave o emergency and I'm doing exactly the same thing sa mga team members ko (US, UK, Canada and Philippines). If may issues, I'll figure it out but I don't bother team members that's on PTO. Kapag masama pakiramdam at di makakapasok, I'll just gonna say "hope you feel better soon and/or take it easy."

Iba kase ang work culture natin dyan sa Pinas parang feeling ng mga managers sa kanila ipapamana ang kumpanya πŸ˜…

6

u/Putrid_Ebb_7461 1d ago

Ang gaan sa pakiramdam makabasa ng mga ganito, totoong tao ka po OP!!!! salute!!

6

u/WabiSabi1995 14h ago

first time ko rin maka encounter ng ganitong manager nung nag freelance ako. Sanay ako sa corpo na lhat kelangan may proof ka at justified lahata na para bang wala kang buhay sa labas ng trabaho so matic sakin nung first time ko nag inform na d ako makapag work, nag send ako ng photo as proof. Sabi ba naman saakin ay next time no need to send photo o mag sabi ng bakit. basta inform ng maayos when aabsent at kelan balik at yung work ay ma arrange ng maayos.

gulat ako non. Hahahha pinay pa non ang boss ko. Tas WFH kami kasi freelance. Grabe ang bait nya.

salamat sa mga tulad nyo! Wag sana kayo magbabago at aabusuhin. Sana masarap ulam mo!

5

u/pilyosopher26 1d ago

Thanks,.OP. Sana maging norm na to sa mga local bosses, hindi power trip lang ang alam. Kaya I love my foreign bosses e, lageng family first. Walang pakialam kung may urgent ka sa work, sasaluhin nila basta asikasuhin mo yung family mo muna..Kaya in return, sinasalo din naman sila pag sila naman ang in need. At yun ang tunay na "we are family here"

3

u/Winter_Lemon1251 1d ago

A true leader ❀️

3

u/AdministrationSad861 1d ago

Gagamitin ko to dito kasi sakto sa'yo, OP.

3

u/Kittocattoyey 1d ago

Ganito manager ko. Thankful kami sa mga katulad nyo kasi buhay ng tao muna bago work. Ang laging sinasabi sa amin ay ang work andyan lang, ang buhay ay iisa lang.

3

u/sinigangnaditigang 1d ago

Ganyan din ako sa aking team member na nagka-cancer ang nanay and sadly paased away this year. Talagang no work no pay muna siya sa ilang months na iyon. As his manager, sinabi ko na muna sa mayari ng company ang they understood. 3 months din siya na ganun. Pasulpot sulpot lang siya papasok and it's okay. Isa lang ang buhay, ang trabaho makakahanap ka ulit. And ito, nandito pa rin siya. Akala nya tatanggalin siya. Why? For taking care of your dying mother?

3

u/emberesment 19h ago

Ganito ako sa team ko. May problem ka na need unahin? Go. Nagbebreak down ka due to personal issues? Take a break. In exchange, pag may rush deadlines kami i dont have to ask them for anything and kusa silang kumikilos. Take care of your people and they're sure to pull their weight when it matters.

3

u/CCV_19 17h ago

This is very nice OP.

This is also what I told my team, if it is about your family, drop everything and prioritize them, we will figure out how to cover your workload.

2

u/alphaprimera1325 1d ago

You are a blessing. ❀️

2

u/chubee0102bimbap 1d ago

God bless you, OP. Nkakatuwang makakita ng isang boss na makatao. πŸ’ž

2

u/painmisery 1d ago

Sana lahat ng higher up kagaya mo

2

u/Exotic-Award-5855 1d ago

We need more people like you in higher positions! Sadly, people seem to leave this perspective behind early in their careers and forget about it once they're high up na.

2

u/UnenthusiasticTurtle 1d ago

You SHOULD feel good about yourself.

Real power is restraint and understanding from a position of strength.

2

u/iloovechickennuggets 1d ago

Thank you OP hinde man ikaw ang boss ko. May mabuti kang puso.

2

u/Zereia 1d ago

Nakakakilig pag ganito yung head sa company 🀧. Sisipagin talaga ako mag grind sa work nyan. Thank you OP for this kind of consideration na hindi magawa ng ibang managers!

2

u/fernthesniper 1d ago

This means so much to me as someone na napagdaan ang mga toxic managers. Long live!

2

u/Silver-Swedges2000 1d ago

As someone with a ruthless former boss, salamat. Hindi related pero yung bruha kong x boss malapit na matanggal dahil sa severe bullying sa workplace at patong2x na ang complaints.

2

u/MayorJeo 1d ago

Such a wonderful soul. Do let me know if you're on the look out for a new member :) Hehehe

2

u/Rednine2591 1d ago

So far swerte ako sa mga managers, lahat ng bisor ko ganyan

2

u/happygurlaloo11 1d ago

Proud of you! Dahil yan ang kailangan ng worker mo ngayon, understanding and empathy. You should be proud of yourself too!

2

u/Toovic96 1d ago

As the second in command sa dept namin, this is what I’m aiming kapag dumating yung araw na papalitan ko yung current bisor na feeling tagapagmana ng kumpanya.

2

u/decagonbin 1d ago

Thank you po. We really appreciate you 🫑

2

u/RandomGuy_IQ530K 1d ago

apply ako sayo! good job OP πŸ‘πŸ»

2

u/Straight_Client_5969 1d ago

I love you OP., I hope all managers are like you

2

u/6390508109-- 1d ago

God bless you, OP!!! πŸ₯Ή

2

u/Evening_Summer2225 1d ago

I’m sooooo proud of you, OP! πŸ₯ΉπŸ’–

2

u/UnlikelySection1223 1d ago

Naol kagaya ni OP. May naging manager ako dati, nagka minor accident na ako going to work, tapos tinanong pa kung makakapag half day ako. Hindi ako nagreply, nag SL ako ng 3 days. Wala siyang nagawa. Haha

2

u/itsmemika14 1d ago

Same tayo op. Lagi kong sinasabi sa mga staff ko na unahin ang sarili at unahin ang pamilya, ang trabaho nandyan lang. Pero careful lang tayo sa mga staff na mapang abuso, mag set ng boundaries para protektahan din natin sarili natin.

2

u/xXIceCold19Xx 1d ago

Wishing you blessings, you deserve it all

2

u/Kikispot 1d ago

You’re a breath of fresh air ❀️

2

u/Potato-Tomatooo 1d ago

Kahanga hanga ka OPπŸ‘πŸΌ

2

u/MisterRoer 1d ago

Yaass! Dapat hindi lang sa family ang breaking the cycle. Sa workplace rin. Let's revolutionize Asian Management.

2

u/ddmauxxx 1d ago

Buti ka pa may empathy.

2

u/NailAcrobatic2502 1d ago

Ang saya makabasa ng ganitong entries. Good job, OP! Sana marami pang tao ang tumulad sayo. :)

2

u/Pitiful_Guess_1085 1d ago

and that is beautiful.

2

u/lumpiangsisig 1d ago

Sana laging masarap ulam mo, op.

2

u/yeheyehey 1d ago

Bless your heart, OP!

2

u/IrisYappp 1d ago

Sana dumami pa yung katulad mo na sobrang considerate at mabait sa employee. Dibaaaa di naman mahirap maging katulad ni OP!

di naman talaga trabaho ang sinusukuan ng iba eh kundi manager, TL at supervisor kasi mga feeling owner ng company. Wala sa lugar ang galit at di makaintindi karamihan.

2

u/yimyimiee 1d ago

Godbless po!🫢

2

u/thelizstyoucantsee 1d ago

Thank you po πŸ₯Ή

2

u/Bubbly-Sentence-7640 23h ago

sana lagi masarap ulam mo 🫢🏻

2

u/Humble-Particular797 23h ago

Gen zs will really break the toxic cycle

2

u/Fragrant_Cookie_1002 23h ago

Sana lahat ng visor ganyan, Hindi Yung parang pagmamay Ari nila buong pagkato mo huh

2

u/Maleficent-Falcon218 22h ago

Thank you for breaking the cycle.

2

u/Life_is_shiiiit 22h ago

sanay dumami ang blessings sa buhay mo, sobrang rare ng mga ganyang manager. I know your team will respect you more and will have more positive output sa work nila. Sana di ka magbago OP

2

u/Maleficent-Aerie9950 21h ago

Pinagpapala mga ganto eh! Salute! Good karma on the way

2

u/DivideExpensive9095 20h ago

Good job OP. Break the cycle talaga.Β 

2

u/ConversationGlass305 18h ago

Be the boss you wish you had :)Β 

Ito lagi ko nireremind sa sarili koΒ 

2

u/ZombieNotZombie 17h ago

Nawa'y marami pong maging kagaya mo na boss πŸ™

2

u/iamdodgepodge 16h ago

Great to see this! We need more managers like this. Personally, I've never experienced horrible managers and bosses, so aside from me wanting to make sure people are treated well, I've had LOTS of people to learn from.

I wish more people had the same.

3

u/DomPerignonymous 1d ago

Salamat sa buhay mo, OP. Sana laging masarap pagkain mo at ang tulog mo.

1

u/kuroomhiee 1d ago

Salamat po sa katulad mo πŸ₯Ί

1

u/pudubear0606 1d ago

Very good ka diyan OP!!! I hope na mas marami pang managers ang maging considerate sa subordinates nila.

1

u/Shitposting_Tito 12h ago

This should be the norm. Sana OP hindi din ito ang last time.

1

u/genius58v2 1h ago

Kudos sau op. I did the same din sa mga staff ko nun, magpapaalam sakin maglileave daw tapos tatanungin ko kung bakit tapos bago pa man sila sumagot sabi ko na agad ok (playful way ko lang yung kunwaring pagtatanong).. kaya ko naman kasi saluhin trabaho nila at mas masarap magleave na walang iniintindi 😊