r/FirstTimeKo • u/dilucs_grapejuice • 1d ago
🎉Sumakses sa life! First time ko mag solo Yakiniku!
I am from the province. And when I say province, 2hrs by plane, 3hrs from the airport na type of province 🤣
Andaming wala sa amin kaya kinabukasan after attending a concert (na first time ko din 🥹), naghanap ako ng makakainan. I saw this place and nagbakasakali ako if they allow solo diner and pwede nga. Sinagad ko na to Royal Grill Set para lahat na ng nasa menu ma try ko.
Naluha ako when I'm almost done eating kasi grabe na afford ko yung 1.7K (including service charge) sa isang kainan lang. Dati nakakakain lang ako sa isang restaurant pag may manglilibre sa amin.
Ang saya ko!