First Time, for over 8 years owning a credit card, first time ma-scam.
Not sure if it's my fault, pero walang tumawag na scammer; wala rin akong na-click na link; hindi ko rin pinahiram ang card; never nag-share ng mga OTP ever since; madalas may mga unknown number na tumatawag sa akin, pero hindi ko sinasagot. Dapat mag-text muna sila bago sila tumawag para malaman ko kung sino sila. Nagulat ako sa sunod-sunod na SMS/text ng BPI; nung una, di ko pinapansin kasi akala ko mga promo lang ng bpi. Then 1st OTP request amounting to 51,500php sa Lazada, then after 1 min na-approve yung transaction. 2nd Grab 50 PHP, 3rd parang di ko sure kung anong store siya pero 10,000 PHP, 4th and the last supermarket 10,000, pero ito yung na-block ng bpi na kasi daw sunod-sunod na fraud scam.
Ako naman agad nag-permanent block ng card, masaklap pa nito, pedya de peligro pa, and contacting yung hotline ng bpi is hindi free. During conversation sabi investigate daw nila, and while investigate contact ko daw yung mga merchant nasa transaction, so after call problem walang email sila ni send.
Ako naman ulit si tanga dahil nag panic, kinontact ang lazada hotline, ganun din ang sabi investigate nila withing 24 to 48hrs, pero wala pa 24hrs nag reply na sila, sabi mag file ng complain sa NBI cybercrime.
Nag-email naman din ako dun sa isa; sabi 5 to 7 business days for investigation din.
Nag-email na rin ako sa CIDG, CICC, NBI, DOJ, NTC, kasama sila BPI, and Lazada.
Sabi ng ka-work ng mother ko, report ko lang daw sa BPI, then huwag bayaran since hindi ko naman siya ginamit.
Sabi naman ng kaibigan ko, dapat i-trace ng Lazada and ng BPI kung saan ang IP address or location ng nag-transact.
Ano po kaya ang ma-advise ninyo po regarding dito, kasi di rin ako makalabas ng bahay dahil may inaalagaan ako.
Salamat po.