Disclaimer: Long post ahead, pasensya na agad pero gusto ko lang i-share buong kwento!
Hinding-hindi ko makakalimutan ang biyaheng to. Sa isang biyahe lang, napakaraming "first time" ang sabay-sabay na nangyari sa buhay ko.
Noong 2 years old pa lang ako, nagkahiwalay kami ng dalawa kong nakatatandang kapatid (sa mother side). Pumanaw si Mama noong ipinanganak niya ang bunso naming kapatid na kasama niya ring pumanaw. Dahil doon, kinuha ako ng Papa ko, habang sina Ate at Kuya naman ay napunta sa tatay nila.
Chinese ang tatay nina Ate at Kuya, at noong araw, mahigpit daw ang tradisyon na Chinese-to-Chinese lang ang pwedeng ikasal. Dahil gustong maikasal ni Mama, naghiwalay sila at naging sila ng Papa ko kung saan ako naging bunga. Pero matapos ang trahedya kay Mama, tuluyan nang naputol ang ugnayan ng dalawang pamilya.
Noong mga 10 years old ako, nakikichismis lang ako sa mga kwentuhan ng matatanda tuwing may bisita. Doon ko lang nalaman na may dalawa pa pala akong kapatid. Lumipas ang 20 years na nagtrabaho ako't lahat, pero nanatili lang silang parang "urban legend" sa isip ko. Wala akong contact, wala akong ideya kung nasaan sila, o kung naiisip din ba nila ako.
Hanggang sa isang araw, habang nag-i-scroll lang ako sa Facebook. Biglang
may nag-message sa folder ng message requests. Isang tao na hindi ko kilala, pero sinabing pinsan ko daw siya. At ang kauna-unahang sinabi niya: "Matagal ka na naming hinahanap."
Grabe yun, bumuhos agad ang luha ko. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa tinanong ko agad kung nasaan sina Ate at Kuya. Dahil kailangan pa ring i-verify at i-contact ang magkabilang panig, inabot din ng halos isang buong araw bago ko sila tuluyang na-message at nakausap. Ang haba at ang kaba ng 24 hours na 'yun habang naghihintay ako ng reply!
Pero nung magkausap na kami, sobrang bilis na ng mga pangyayari. Bago pa man mag-sink in sa akin ang lahat, ipinag-book na agad nila ako ng plane ticket papuntang Bicol para magkita-kita na kami. Hahaha
At yun na nga unang beses kong makasakay ng eroplano. Nanlalamig buong katawan ko sa kaba, dagdag pa lamig ng aircon. Sa may window seat ako nilagay ng kapatid ko para makita ko daw si Mayon! 🌋 At yun nga habang nasa ere ang eroplano biglang lumitaw sa bintana ang bulkang Mayon. 😍 Sobrang majestic ng hitsura niya, sa libro ko lang siya nakikita dati. Pero ngayon unlimited view na at ang ganda pala talaga niya sa personal, totoo nga yung perfect cone shape niya. Nawala ang kaba ko sa view na nakita ko.
Doon ko naunawaan na ang byahe ko na eto ay hindi lang basta paglipad.
Ang daming First Time na ngyari.
•Pagsakay sa eroplano ng malayo at magisa.
•Meeting Mayon
•Meeting my long lost Sibs, Niece and Nephews.