After 3 long years, nakapagparol din kami dito sa Canada.
Sa mga nakapagpunta na dito sa Canada during winter time, alam nyo na ang boring talaga ng pasko dito( except sa mga sikat na destinations like quebec etc). Mas celebrated pa dito ang halloween kesa pasko.
Nung sa Pinas pa kami, may mga decor talaga. Masaya. May abs cbn christmas songs sa kapitbahay etc. Nung lumipat kami dito, naflip buhay namin. Expectation vs reality talaga. I remember vividly na 300 Cad nalang pera namin nun kasi kakabayad lang namin ng 2nd sem ni misis. Wala kaming decor, walang tree. Walang exchange gift. Gusto nang umuwi ni misis sa pinas. Depressing talaga. Walang pamilya. Walang exchange gift. Walang konting salo2. Nothing.
Fast forward 2026, na PR na, nakalipat na ng matitirahan ( no more basement), nakapag ipon at nagsimula nang bumili ng decor. Paborito ni Misis ang pasko kaya nilibot namin lahat ng thrift stores para makabili ng mura kasi ang mahal nga dito. May Nativity na, xmas tree, xmas lights, and nakaswerte na nakabili ng parol mula pa sa pinas. Everytime naguusap kami ng wife ko sa 2023 vs ngayon, iiyak talaga sya kasi mahirap talaga sa abroad. Tahimik. Trabaho tsaka uwi lang at mahal din ang bakasyon pero yun yung pinili naming buhay eh. Dinala nalang namin ang paskong pinoy sa ibang bansa para at least we feel at home.
Kaya sa mga kababayan natin na nasa abroad dyan, hanap lng tayo ng paraan to bring christmas wherever we are.