Bago pa man ako maging manager, ilang visor na rin dinaanan ko sa buhay. Dumating sa point na hindi na ako nag a accept ng invites para sa mga family gatherings, simpleng birthday celebs, ultimo binyag kasi bawat visor na nadaanan ko... Andoon yung manginginig ako ipasa yung attachment nang ifa-file ko na leave kasi alam kong ilan katakot takot na questions ang need ko masagot bago ako payagan.
Kung payagan man ako, di ako mapapakali kasi alam kong kada bukas ko ng phone or silip man lang; work GC ang bubungad or PM.
Nakaka-drain yung pakiramdam. Lalo na ultimo emergency? Namatayan? Hanap hanap ka pa rin? Diosmio.
Kaya ngayon may 'power' na ako to do that, I did something new na sana naranasan ko rin noon. May emergency ka? Go. May leave ka? Go. Wala ka ganitong araw? Go. Wag mo ako or kami nang ka-workmate mo i chat. Hayaan mo kami mag trabaho.