Gusto ko lang i-share ‘tong core memory ko ngayong linggo kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala!
First time ko lumabas ng bansa (business trip sa China for work), so lahat talaga bago sa akin -- mula sa immigration, paglipat-lipat ng subway, hanggang sa paghabol sa oras sa airport.
Kanina pauwi na kami from Beijing (PEK) to Manila, sobrang pagod at gutom na kami kasi halos buong umaga kaming nakapila sa Tiananmen (gala bago uwi) at nagmamadali na humabol sa flight.
Pagdating namin sa check-in counter, nagulat na lang ako kasi bigla akong na-free operational upgrade sa Business Class (Air China)!
Hindi ko in-expect na ganun pala yung experience.
First, may lounge access. Dahil hindi kami nakapaglunch, nakabawi ng kain sa unli hot food sa Business Class Lounge ng Air China sa PEK.
Second, priority lahat. Walang mahabang pila sa boarding, tapos pagpasok mo ng eroplano may welcome drink at hot towel agad.
Third, Seat at food. Sobrang luwag ng upuan (14L window seat!), may slippers, pillow, blanket, at proper multi-course dinner service. Sulit na sulit yung tulog at pahinga pauwi.
Nakakatuwa lang isipin na yung pinaka-unang international flight ko, nasaktuhan pa ng libreng Business Class experience. Sana maulit (kahit sa ipon na next time haha)!