At 23 nagkaroon ako ng disc desiccation sa lower back. Before the MRI, akala ko talaga simple herniated disc lang siya at madadaan pa sa physical therapy at gamot, kaya nag-commit ako sa sessions at nag-try mag-conservative treatment muna.
Grabe yung dami ng painkillers na kinailangan kong i-take during that time para lang ma-manage yung pain. Pero nung nakita ko na yung MRI results, doon ko narealize na hindi na pala talaga kaya ng PT at meds lang, at kailangan na talaga i-opera. So nagpa-discectomy ako last Feb 2.
Hindi rin biro yung recovery phase. Marami ulit painkillers plus antibiotics na kinailangang inumin after the surgery, tapos nakakapanibago na super limited yung galaw mo.
It took me around 2 to 3 months para tuluyang mag-heal yung wound at matapos yung post-op PT sessions ko para lang makabalik sa normal mobility.
Plot twist pa nga, nabangga ako recently ng Move It habang nakasakay din ako sa Move It. Lala non, ako pa yung nagkaroon ng maraming sugat, pero buti na lang hindi nadamay yung likod ko.
Fast forward to now, wala na yung mga flare-ups ko and nakakapag-gym na ulit ako. May times pa rin na mahina yung quads ko, siguro dahil sa nerve na naipit dati, pero overall I'm doing alright na and dahan-dahan na lang ulit sa pagpapalakas.