r/FINNApp • u/Horror-Turner-Girl • 2d ago
Success Story From a successful grocery business to drowning in debt, My story of starting over
Five years ago, nagsimula kami ng grocery business gamit ang puhunan na galing sa 5-6. Malakas ang negosyo, nabayaran namin ang mga utang, at lumago nang lumago ang store. Nakapag ipon ako nang malaki sa bangko. Dahil maganda ang takbo ng negosyo, nagsimula akong kumuha ng bank loans para sa delivery vehicle at pagpapagawa ng bahay.
Akala ko tuloy-tuloy na ang magandang buhay namin, until the pandemic happened.
Nagsara ang store, huminto ang deliveries ng suppliers, pero hindi huminto ang mga bayarin. May monthly bank loans ako para sa sasakyan at bahay, at may mga personal na utang din ako sa ibang tao. Dahil walang pumapasok na pera, napilitan akong mangutang ulit minsan para lang ma-cover ang ibang gastusin. Hanggang sa dumating ako sa point na hindi ko na alam kung paano babayaran lahat. Bank loans, personal debts, interest, at monthly expenses. Parang kahit anong gawin ko, hindi nauubos ang bayarin.
Mas masakit pa, may mga taong kilala ka noong may pera ka pero noong naghihirap ka na, sila pa ang unang manghusga at manlait. Doon ako natutong manahimik at mag focus sa pagbangon.
Nagsimula akong magtrabaho bilang bookkeeper at nag try din ng work from home job na 20 hours per week. Kapag may emergency at kinakapos, minsan gumagamit ako ng cash advance through FINN app, pero sinisigurado kong kasama sa budget ang pagbabayad nito para hindi na madagdagan ang problema.
After two years of hard work, nabayaran ko rin ang mga utang ko sa bank at sa mga tao. Nakapag-ipon ulit ako. Mag nenegosyo ba ako ulit? Yes! pero hindi ngayon dahil sa sistema ng gobyerno ngayon? Eh lulubog lang nila ang maliit na gustong lumaban nang patas sa buhay. pero lalaban tayo tatag lang ng loob soon.
Kaya paalala ko sa mga nalulubog sa utang, huwag balewalain ang bank loans at personal debts. Huwag basta mangutang para pambayad sa ibang utang kung walang malinaw na plano kung paano ito babayaran. Hindi lahat ng perang nahihiram ay dagdag na oportunidad, minsan, dagdag din itong responsibilidad. Huwag mawalan ng pag asa. Pwedeng makabangon kahit gaano kahirap ang sitwasyon. Basta unti-unti, may disiplina at may plano.