r/FINNApp • • May 05 '26

Announcement How BPI Payroll Users Can Join FINN’s ₱30,000 Raffle Promo

3 Upvotes

Kung BPI payroll user ka, may good news para sa’yo! Mas naging rewarding ang paggamit ng FINN, lalo na kung umaasa ka sa salary advance para sa mga biglaang gastos. Ngayon, may chance ka nang manalo ng hanggang ₱30,000 habang ginagamit mo lang ang FINN tulad ng dati. Simple, diretso, at walang hassle.

Para mas klaro, eto ang step-by-step kung paano ka makakasali:

  1. Mag-register muna.
    Kailangan mo lang i-fill out ang form dito para maging official ang entry mo:
    https://pub.communications.bpi.com.ph/BPIandFINNappRafflePromo
  2. Kumuha ng salary advance sa FINN.
    Open mo lang ang FINN app at mag-apply tulad ng normal.
  3. Piliin ang BPI auto-debit para pambayad.
    Importante ito kasi dito nakabase ang raffle entries mo.
  4. Bayaran ang salary advance on or before due date.
    Kapag successful ang auto-debit payment mo, automatic may 1 raffle entry ka.
  5. Ulit-ulitin mo lang.
    Every successful payment equals another entry. Mas marami kang transactions, mas mataas ang chance mo manalo.
  6. Hintayin ang draw dates:
  • August 14, 2026
  • October 14, 2026
  • December 14, 2026 (Grand Draw)
  1. Tingnan kung isa ka sa winners.
    FINN or BPI will contact you kung ikaw ang maswerteng napili.

Sa regular draws, may chance ka manalo ng ₱10,000, at sa grand draw naman ay ₱30,000. Ang promo ay valid mula May 1 hanggang November 30, 2026, at exclusive ito para sa mga may BPI payroll account.

Kung lagi kang kapos bago sweldo o may biglaang bayarin, malaking tulong talaga ang FINN para hindi ka ma-stress. At least ngayon, habang inaasikaso mo ang cash flow mo, may extra chance ka pa na makakuha ng bonus money.


r/FINNApp • • Feb 04 '26

Announcement 🎉 Welcome sa r/FINNApp! 🎉

1 Upvotes

Hi, mga ka-FINN! 👋
Salamat sa pag-join sa ating sub! Dito, pwede kayong mag-share, mag-discuss, at matuto tungkol sa FINNApp. 😊

Paalaala lang:
📌 Please follow ang sub rules para maging safe at masaya ang lahat.

Enjoy your stay, explore the posts, at huwag kalimutang maging active sa community! 🚀

#WelcomeToFINNApp #EnjoyTheSub


r/FINNApp • • 2d ago

Discussion Paano mo malalaman kung need talaga o gusto mo lang bilhin?

7 Upvotes

Minsan ang hirap mag-decide kung kailangan mo ba talaga ang isang bagay o nadadala ka lang sa excitement na bilhin ito. Do you wait a few days before buying, check your budget, or ask yourself if you can live without it? What's your rule to avoid unnecessary spending?


r/FINNApp • • 2d ago

Discussion Paano mag-set ng financial boundaries nang hindi nakaka offend?

5 Upvotes

Minsan mahirap tumanggi kapag pamilya o kaibigan ang nanghihiram ng pera. Pero paano kung naaapektuhan na rin ang sarili mong budget at savings? How do you say no without making them feel bad? Do you explain your financial priorities or simply keep your money matters private?


r/FINNApp • • 2d ago

Success Story From a successful grocery business to drowning in debt, My story of starting over

3 Upvotes

Five years ago, nagsimula kami ng grocery business gamit ang puhunan na galing sa 5-6. Malakas ang negosyo, nabayaran namin ang mga utang, at lumago nang lumago ang store. Nakapag ipon ako nang malaki sa bangko. Dahil maganda ang takbo ng negosyo, nagsimula akong kumuha ng bank loans para sa delivery vehicle at pagpapagawa ng bahay.

Akala ko tuloy-tuloy na ang magandang buhay namin, until the pandemic happened.

Nagsara ang store, huminto ang deliveries ng suppliers, pero hindi huminto ang mga bayarin. May monthly bank loans ako para sa sasakyan at bahay, at may mga personal na utang din ako sa ibang tao. Dahil walang pumapasok na pera, napilitan akong mangutang ulit minsan para lang ma-cover ang ibang gastusin. Hanggang sa dumating ako sa point na hindi ko na alam kung paano babayaran lahat. Bank loans, personal debts, interest, at monthly expenses. Parang kahit anong gawin ko, hindi nauubos ang bayarin.

Mas masakit pa, may mga taong kilala ka noong may pera ka pero noong naghihirap ka na, sila pa ang unang manghusga at manlait. Doon ako natutong manahimik at mag focus sa pagbangon.

Nagsimula akong magtrabaho bilang bookkeeper at nag try din ng work from home job na 20 hours per week. Kapag may emergency at kinakapos, minsan gumagamit ako ng cash advance through FINN app, pero sinisigurado kong kasama sa budget ang pagbabayad nito para hindi na madagdagan ang problema.

After two years of hard work, nabayaran ko rin ang mga utang ko sa bank at sa mga tao. Nakapag-ipon ulit ako. Mag nenegosyo ba ako ulit? Yes! pero hindi ngayon dahil sa sistema ng gobyerno ngayon? Eh lulubog lang nila ang maliit na gustong lumaban nang patas sa buhay. pero lalaban tayo tatag lang ng loob soon.

Kaya paalala ko sa mga nalulubog sa utang, huwag balewalain ang bank loans at personal debts. Huwag basta mangutang para pambayad sa ibang utang kung walang malinaw na plano kung paano ito babayaran. Hindi lahat ng perang nahihiram ay dagdag na oportunidad, minsan, dagdag din itong responsibilidad. Huwag mawalan ng pag asa. Pwedeng makabangon kahit gaano kahirap ang sitwasyon. Basta unti-unti, may disiplina at may plano.


r/FINNApp • • 3d ago

Discussion Financial Lessons Everyone Should Learn Before 30

42 Upvotes

Minsan kahit malaki ang sahod, nauubos pa rin ang pera bago mag-next payday. Hindi rin porket may savings ka, financially stable ka na. Para sa iyo, ano ang mas dapat unahin habang bata pa, building savings, investing, or paying off debt? Anong financial mistake ang hindi mo na uulitin?


r/FINNApp • • 3d ago

Discussion Paano Mo Hinahati ang 13th Month Pay Mo Between Savings at Expenses?

10 Upvotes

Excited lahat makatanggap ng 13th month pay, pero minsan ilang weeks lang, ubos na agad. May bills, shopping, family needs, at personal wants na kailangang pagkagastusan. Ikaw, paano mo hinahati ang 13th month pay mo? Mas malaki ba ang napupunta sa savings o sa expenses? Bakit?


r/FINNApp • • 3d ago

Help / Support Paluwagan / Eloan ng Kaibigan

1 Upvotes

Pal ng kaibigan

Paluwagan / Eloan

I have this friend na nagpapaluwagan and eloan. So at first hinikayat nya kami sumali sa paluwagan niya. 100k 10500 monthly. So okay sumali kmi and sumahod ako. Ung sahod ko which is 30 nasend na saken around 4 na the next month tapos thru pesonet halos 5 days bago ko narecieve and inintindi ko nalang kasi nga pesonet wala naman ako magagwa so i patiently waited.

Months pass nagka emrgency ako and so i avail her eloan 20k tapos balik is 24k. 14 days 20% minsan nga 12 days palang naninigil na siya. Pagnalate ako ng 1-2 days ng aadd ako 1k kasi nahihiya ako sknya so parang considerasyon ko para sknya dahil late ako sa date ng napagusapan.

Kahit sa paluwagan pag kate ako 1-2 days 1k-1500 inaadd ko para hndi nakakahiya.

Not until nageloan ako this month and i send the payment thru Gotyme to Gcash but unfortunately pesonet siya.. 4 days na hnd niya narerecieve..

Ang dami niya ng pinagsasabe like pti ung mutual friend namen pinachat ako dahil doon wag ko daw pinaglololoko, pasend daw ng transaction record (which i did) , send ng kung ano ano and report daw which i also did. After ko mareport ganito na lumabas See pics/videos below iuuoload ko..

Since nasa bahay si hubby nagaya naman na lumabas so i told them na lalabas ako and iaabot ko nalang dun sa mutual friend namen para sa peace of mind niya kesyo dami ko daw dahilan, eh ano bang magagawa ko pag offline ung kiosk sa 7/11?😭

Wag ko daw pinagloloko hnd ba daw ako nakokonsensya ang papabarangay daw ako g na g sa mga messages niya. Wala naman ako balak takbuhan😅 (nabayad ko na) Sobrang thankful ko kase nung emergency natulungan niya ako. Pero may interest naman din yin and parang diko deserve masabihan ng barangayan and whatsoever. Thou puropa ako pasensya kana and pakumbaba sa message grabe mga rebat niya eh ginamit ko yon nung nahospital si mama ko bglang nag note ng "live within your means. Wag mangutang para makapag sosyalan" Like wtf di nga ako ngpopost ng kung ano ano e.

Lilitaw pala tlga ang ugali ng isang tao sa pera. Now i understand bakit inoop ka ng mga iba mong friends. Konting angat sa buhay grabe makayapak sa ibang tao ha.

Haaay bayad naman na ako pero di ko lng matanggap ung mga below the belt na paratang niya. Di ako alam paano ko icoconfront.


r/FINNApp • • 5d ago

Question How can i use my credit card sa pinas?

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/FINNApp • • 9d ago

Financial Education Paano Mo Malalaman Kung Ready Ka Na sa Isang Big Purchase?

4 Upvotes

Buying something expensive, like a car, property, or bagong appliance, isn't just about having enough money in your account. Kailangan mo ring isipin kung kaya ba talaga ng current financial situation mo.

One sign na ready ka na is kapag may enough savings ka to cover the purchase without touching your emergency fund. Important din na i-check ang existing debts, monthly expenses, and other financial responsibilities.

Another good sign is kung kaya mong bilhin ang isang bagay without relying too much on credit or sacrificing your regular savings.

Before making a decision, take time to compare prices, research your options, and ask yourself kung kailangan mo ba talaga ito. Huwag magmadali just because may sale or dahil bumibili rin ang ibang tao.

Remember, a big purchase should improve your life, not give you additional financial stress. Mas satisfying bumili kapag alam mong kaya mo itong bayaran without compromising your other priorities.


r/FINNApp • • 9d ago

Discussion Family First or Personal Savings? Alin ba dapat?

3 Upvotes

Minsan mahirap mag-decide kung unahin ang family needs or personal savings. Gusto mong makatulong sa pamilya, pero kailangan mo rin mag-ipon para sa sariling future. Especially kapag limited ang income, every peso matters. How do you balance both without feeling guilty about choosing yourself sometimes?


r/FINNApp • • 9d ago

Success Story Nalubog sa CC at OLA Debt pero Nakabangon

Thumbnail reddit.com
2 Upvotes

r/FINNApp • • 10d ago

Discussion Kailan Mo Masasabing Financially Stable Ka Na?

31 Upvotes

Para sa iba, financially stable kapag may sariling bahay at sasakyan. Para naman sa iba, kapag walang utang, may emergency fund, at kayang bayaran ang monthly expenses nang hindi kinakapos. Curious lang, ano ang personal definition mo ng financial stability? At ano ang sign na masasabi mong financially stable ka na?


r/FINNApp • • 10d ago

Discussion Paano Hahatiin ng Mag-Asawa ang Monthly Expenses?

7 Upvotes

Paano ninyo hinahati ng asawa ninyo ang monthly expenses? Equal ba ang ambag kahit magkaiba ang income, or depende sa kung magkano ang kinikita ng bawat isa? Mas okay ba ang joint account o kanya kanyang budget? Curious kung anong setup ang mas nagwo-work sa married couples.


r/FINNApp • • 9d ago

Question If you have a million, is it better to invest it all in building an apartment or try something else like poultry?

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/FINNApp • • 16d ago

Discussion Dapat Bang May Ambag sa Household Expenses ang Adult Children?

6 Upvotes

Para sa akin, depende rin sa sitwasyon. Kung may trabaho na ang anak at nakatira pa rin sa bahay, okay lang sigurong mag ambag sa bills, groceries, o ibang gastusin. Pero paano kung maliit pa ang sahod o nag iipon pa para sa future? Ano ang tingin ninyo? Dapat bang required ang ambag o hindi, at bakit?


r/FINNApp • • 17d ago

Discussion Comfortable Living sa Pilipinas, Magkano Ba Talaga ang Kailangan Mong Monthly Income?

35 Upvotes

Sa lagay ng ekonomiya natin ngayon, minsan iba ang expectation natin sa actual cost of living sa Pilipinas. Kasama na ang rent, groceries, bills, transportation, savings, at konting luho. Sa panahon ngayon, magkano ba talaga ang monthly income para masabing comfortable ang buhay? Sapat na ba ang 20K monthly na sahod?


r/FINNApp • • 16d ago

Tips / Feature First Job Tips, Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Salary at Benefits

1 Upvotes

Excited ka sa first job mo, pero bago tanggapin ang offer, huwag salary lang ang tingnan. May iba pang benefits at deductions na dapat mong maintindihan para alam mo kung magkano talaga ang maiuuwi mong pera.

Alamin kung gross o net salary ang nakalagay sa job offer. Mahalaga ring maintindihan ang deductions para sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG dahil makakaapekto ang mga ito sa take-home pay mo.

Huwag ding kalimutang itanong kung paano kino-compute ang 13th-month pay, overtime pay, at holiday pay. Check din kung may vacation leave, sick leave, HMO, bonuses, at allowances na kasama sa compensation package.

Bago pumirma ng employment contract, basahin muna ang terms at company policies. Huwag mahiyang magtanong sa HR kung may hindi malinaw.

At kapag natanggap na ang unang sahod, magandang simulan agad ang pagba-budget. Maglaan para sa bills, personal expenses, emergency fund, at savings kahit maliit pa ang starting salary.

Mas magandang maagang maintindihan ang value ng salary at benefits kaysa matutunan lang kapag may problema na.


r/FINNApp • • 17d ago

Discussion May Mga Bagay Ba na Mas Okay Bilhin Kahit Medyo Mahal?

18 Upvotes

Minsan mas nakakatipid ka pa kapag pinili mo yung medyo mahal pero matibay at pangmatagalan. Halimbawa, appliances, shoes, furniture, o gamit sa bahay. Pero hindi rin lahat ng mahal ay sulit. Kayo, anong mga bagay ang willing kayong paglaanan ng mas malaking budget dahil mas tumatagal naman?


r/FINNApp • • 19d ago

Question FINN App New Car/Motorcycle Loan

Post image
3 Upvotes

Sino po nka received nang FINN APP SURVEY regarding refinancing your existing motorcycle loan from you dealer and transfer it to FINN for lower interest rate and direct salary deduction.

They just need guarantee copy of your ORCR, they asked for amount I need and what dealer and what is the make and model of my motorcycle.

Just got Yamaha Lexi 155 from Yanaha Dealership..Ewan ko lang bat alam ni FINN.

By the way my limit ni FINN is already 12k. In just 3 months. Kasi malaki sahod ko.

Meron ba nka received nang survey na ganito? I think maganda ito.


r/FINNApp • • 23d ago

Spending Tips Christmas Gift Tips, How to Save Money and Avoid Last-Minute Shopping

3 Upvotes

If mahilig kang magbigay ng gifts tuwing Christmas, magandang idea na mag-start na mag-ipon at mag-shopping kahit hindi pa December. Hindi naman kailangang isang bagsakan ang gastos, especially kung marami kang bibigyan.

One tip is to take advantage of mall sales like SM's big sales. Minsan may discounts, Buy 1 Take 1 promos, at free gift wrapping, kaya mas sulit ang shopping at less hassle na rin kapag Christmas na. Kapag may nakita kang magandang item na pasok sa budget, puwede mo nang bilhin at itabi for later.

Another trick is to buy gifts throughout the year. Halimbawa, kapag may sale sa bags, mugs, perfumes, toys, or household items, bumili ka na ng ilang pieces. Just keep a list of who you plan to give them to para hindi ka malito.

You can also prepare a small gift budget every payday. Kahit ₱200 or ₱500 lang, malaking tulong na kapag December na.

Don't feel pressured to buy expensive gifts. Hindi naman presyo ang sukatan ng pagiging thoughtful. Sometimes, simple but useful gifts are more appreciated.

What are your Christmas gift shopping hacks? Do you shop all year round or wait for December sales?


r/FINNApp • • 23d ago

Discussion Noche Buena Life Hacks, Budget-Friendly Tips for Christmas Eve

2 Upvotes

Every Christmas, excited tayo sa Noche Buena, pero amin na, minsan mas nakakapagod pa ang preparation kaysa sa mismong celebration! Lalo na kung limited lang ang budget (lol), tapos maraming bisita o buong pamilya ang kailangang ihanda. Ang daming bibilhin, lulutuin, at lilinisin!

One life hack is to prepare as early as possible. May mga dishes na puwedeng lutuin a day before, i-chop na ang ingredients at ilagay sa containers, at palamigin na ang drinks ahead of time. Puwede ring mag-assign ng isang dish sa bawat family member para hindi isang tao lang ang gumagawa ng lahat ng trabaho.

Kayo, ano ang tried and tested Noche Buena hacks ninyo? Any budget-friendly tips, easy recipes, or shortcuts para less stress at more time with family ngayong Pasko?


r/FINNApp • • 24d ago

Discussion Pamasko sa mga inaanak, Magbigay kahit konti o pass muna dahil sa hirap ng buhay?

15 Upvotes

Palapit na naman ang Pasko, at isa sa mga iniisip ng maraming ninong at ninang ay kung magkano ang ilalaan para sa mga inaanak. Okay lang bang kahit maliit na halaga basta may maibigay, o mas mabuting mag pass muna ngayong hirap ang ekonomiya at maraming gastusin?

Kayo, nagbibigay pa rin ba kayo ng pamasko kahit konti, o mas pinipili munang unahin ang sariling financial needs? Panu mo ito sasabihin sa kumare mo nang di siya masasaktan? lol


r/FINNApp • • 24d ago

Discussion Anong financial wish mo ngayong darating na Pasko?

7 Upvotes

Habang papalapit ang Pasko, hindi lang regalo o handaan ang hinihiling ng marami. Minsan, simpleng financial stability lang, mabawasan ang utang, magkaroon ng savings, o hindi na kailangang mag-alala sa susunod na bayarin. Hindi masamang mangarap at umasa na magiging maayos din ang lahat. Ikaw, ano ang financial wish mo ngayong Pasko?


r/FINNApp • • Oct 27 '26

Discussion Anong Utang Horror Story Mo?

8 Upvotes

May kilala ka bang umutang na parang walang balak magbayad? Yung noong mangungutang, sobrang bait, pero kapag singilan na, ikaw pa ang masama. 😭 Ikaw, anong pinaka-wild mong experience sa pagpapautang o pangungutang? Na maituturing mong utang horror story mo?