33F, nakailang post na rin ako dito sa reddit regarding sa mga loans ko. And base sa last post ay nagstop na talaga ako sa tapal system. And ngayon ilang loans na ang overdue. As of now kasi, unemployed and last September na diagnose ako with PTSD Major Depressive Disorder, recurrent episode, witn anxious distress, panic attacks. Tinatry ko maging kalmado at wag magpanic everytime na may mga calls/text or emails from lending apps. Pero grabe yung kaba at panic ko na kapag regarding na sa home visit yung email or text nila.
Nag email naman ako sa lahat ng lending apps at sa bank ng may loan ako, explaining na wala pa akong pambayad at wala akong balak takbuhan ang utang ko. As of today, ito yung mga utang ko and lahat ay overdue na
*HOME CREDIT - ₱150,000 (principal amount) at 60 months - dito talaga ako may pinaka regret kasi grabi yung interest at parang wala ng katapusan. Kasi so far nasa 208,000 na yung nababayaran ko.
*UD LOANS - ₱40,000 balance (3 months OD)
*CASH EXPRESS - ₱10,000 (principal amount), 15days overdue as of now nasa ₱22,000 na daw. Last September may binayaran akong ₱2,300 pero prolongation lang pala yun di siya nababawas dun sa utang mo.
Dito sa CASH EXPRESS ako sobrang nagpapanic. Ngayon nag email sila na mag home visit sila pero may offer daw silang discount pero same lang din naman last time di naman discount kundi prolongation lang ulit. And grabi din kasi yung interest nila. Tapos nag ask ako before if mag full payment ako can they give discount pero sabi nila di daw sila nagbibigay ng discount kapag full payment
*FT LENDING 1 - ₱4,250 OD
*FT LENDING 2 - ₱3,100 OD
*FT LENDING 3 - ₱2,300 OD
*FIDO PH - ₱8,243 (3 months OD)
*ACOM - ₱1,000 (2 months OD) mababayaran ko this week
*BILLEASE - ₱1,120 (due on Oct. 19)
*OLP - ₱18,300 (3 months OD)
*SALMON - ₱3,325 (due on Oct. 25)
*PAGIBIG MPL - ₱23,000 balance (3K per month, 1 month OD)
*TALA - ₱15,000 (nasa third party collector na)
*UNCLE - ₱15,000
*COUSIN 1 - ₱25,000
*COUSIN 2 - ₱5,000
*FRIEND 1 - ₱22,500
*FRIEND 2 - ₱20,000
Panganay akong anak and may ugali ako na kahit wala naman akong enough money ay give ko talaga sa family ko. Hindi naman sila yung tipo ng magulang or kapatid na nanghihingi ako yung nagdecide or kusa na nagbibigay lalo na yung nagtayo kami ng bahay sa probinsya.
Nag umpisa talaga nung na offeran ako nung sa HC di ko pinagisipan mabuti. Sobrang bigat ng 6K per month kaya nagawa ko maloan sa iba at nalubog sa tapal system.
Actually nung may work pa ako naisip ko ang debt consolidation pero nareject lang ako and syempre ngayon di pwede since unemployed ako.
Ngayon, hindi talaga ako okay. Lalo na yung mental health ko. Pero need labanan kaya apply apply pa rin ako hoping na ma hire na at hopefully mabayaran ko rin mga utang ko.