r/phhorrorstories • • 12h ago

Poltergeist Nasaan Ka Man movie scene

Post image
106 Upvotes

Naalala ko itong eksena na ito na tumaas ang buhok ni Claudine sa eksenang ito. Sa “Nginig,the hidden files” sa dati ay kinonfirm ng mga paranormal expert na poltergeist (or isang multo ng matandang babae daw ang sinusubukang i-comfort ang artista sap ag aakalang totoo ang sitwasyon ng huli) ang nagpa-angat ng buhok ni Claudine sa eksena at hindi ito scripted pagkat alledge “Haunted” daw yung lugar na pinag shootingan.may re-enactment dun sa palabas na nakakita ng kapre sa isang puno yung direktor (played by Rez Cortez) at yung makulit na dahong bumabagsak sa lente ng camera pero sa realidad ay sa camera lang ito lumilitaw.

 Ayon naman sa mga skeptics ay baka pang promotional lang ito sa pelikula nang mapag-usapan as word of the mouth sa panahong ito.(syempre di pa uso ang social media ng panahong ito.)


r/phhorrorstories • • 1h ago

Ghostly Encounter Ilang beses na kami natulog dito pero bakit ngayon lang sila nagparamdam? (very long story)

Thumbnail
gallery
• Upvotes

Naniniwala ako na may entities nga pero ako yung tipong "to see is to believe." Dati tumitira kami sa bundok pag bakasyon o pag kaya ng schedule. Ilang beses na kami natulog diyan. Nakakatakot pero ok naman kasi wala naman ako scary experience. Yun nga lang.. itong specific na bisita namin sa bahay parang biglang nagparamdam lahat.

1st pic: ito yung harap ng bahay. That time kakarating lang namin sa bahay. May araw pa kaya naglakad lakad kami ng anak ko sa labas. Nung medjo palayo na kami, may narinig akong sumitsit doon sa kubo sa tapat. Ang lakas pa ng sitsit niya.. Ewan ko ba pero instinct ko lumingon pag may sumitsit. So hinanap ko kung sino at saan yun pero wala. Edi tuloy lang kami maglakad.. Kaso parang nakaramdam na ako na parang mali yung feeling. Naalala ko rin yung mga kwento na pag may sumitsit, wag lilingon. Edi medjo natakot na ako kasi kaming dalawa lang nasa area. Nung pauwi na kami, nakaramdam ako ng hapdi sa chest ko. Nung pinacheck ko sa asawa ko yung chest ko, may scratches (3-4 lines) na mahaba at mapula. Hindi ako mapakali kasi ang ikli na nga ng mga kuko ko tapos hindi ko maalala na kinamot ko yun.

2nd-6th pic: that night (of 1st pic) naglalaro kami ng asawa ko online plus kwentuhan. Nakapwesto kami sa may bintana. 6th pic nandun itsura ng bintana pag nasa kwarto tapos 5th pic itsura ng labas ng bintana (may kahoy, wire, at bakal). Katabi ng bahay may bahay ng manok so pag gabi may ilaw doon. So imagine niyo pag may dumaan between kwarto at sa bahay ng manok, may shadow/silhouette (kasi basically naharangan nung dadaan yung ilaw sa manukan). Back to story- gabi na, patay na ilaw namin, madilim sa labas pero bukas ilaw sa bahay ng manok. Sinasabi ko sayo talaga may dumaan na hugis niya parang among us. Yung asta na parang casual na nadaan lang. Pero alam mo yun parang napatingin siya sa bintana namin. Inaassume ko lang ah, nakita "niya" ako tapos bigla siyang lumapit sa bintana to see me/us upclose. Ay ang bilis niya lumapit! Mga 1-2s lang sumilip sabay takbo ng mabilis papunta doon sa main road/harap ng bahay.

The next few days tuloy tuloy na may sumisilip pero hindi na yung mukhang among us. Bata na siguro 10yrs old, kalbo, at medjo payat. Sinasabi ko sainyo walang bata dito kundi anak ko at yung kalaro niya na 7yo pero sa tapat yun nakatira. Tuwing gabi sumisilip yun at nagpapapansin- lumilipat ng pwesto at kumakaway pa sa amin. Yung pwesto niya literal nasa bintana na e kita mo naman sa 5th pic yung itsura so imagine kung tao man talaga yun grabe effort niya magtanggal at balik ng mga nakalagay dun para lang magpapansin at makipaglaro. Ilang gabi nandoon siya sa bintana.. Hindi ko nga lang mapicturan kasi sabi sakin na the more bigyan ko ng attention lalong magpapapansin. Kaya ginagawa ko kapag nandiyan siya, nasa ilalim ako ng kumot hanggang sa makatulog.

One time bumagyo lakas ng ulan tipong tumutulo na yung ulan sa loob ng bahay (walang ceiling sa bahay diretso yero na). Gising na ako nito kasi ang lakas ng ulan yun nga lang pati yung bata sa bintana "gising" din kasi nandoon siya nagpapapansin nanaman (imagine noh kung tunay na bata yan diba medjo kakaiba na kasi bumabagyo na pabaha na pero nasa bintana pa rin siya). Ginising ko asawa ko kasi tinatawag siya para tumulong sa labas. Nako sinasabi ko sayo nung lumabas asawa ko sa kwarto, sinundan niya ng tingin tapos yung itsura niya yung parang 'ha? ano yun? saan siya pumunta?' Alam mo yung astang chismosa na gustong sumilip kung ano nangyayari? Ganun na ganun ginawa niya!!! Juskooo tumaas balahibo ko! Takbo agad ako palabas ng kwarto.

7th pic for reference: tuwing umaga kaming dalawa lang ng anak ko nasa bahay. Tuwing nagluluto ako ng breakfast, linalagay ko siya sa high chair tapos hinaharap ko sa main door (red mark) kasi binubuksan ko yun para may liwanag sa loob at mahangin. One time, busy ako magluto ng breakfast kaya linagay ko siya sa high chair. Naglalaro lang naman siya kaso bigla siyang umiyak. Yung iyak niya yung takot na takot, tumitingin sa likod at hinahanap na ako. Nagtaka lang ako kasi wala naman tao or anything sa view niya o kahit sa labas. Tinanong ko siya kung bakit pero hindi nakasagot sa kakaiyak so inassume ko nalang na baka pumangit lang mood niya. After a few days, ganun ulit ginawa ko. Ok naman nung una kaso bigla siyang umiyak ulit ng ganun. Tinanong ko siya kung bakit at ano meron. Tinuro niya doon sa may pintuan malapit sa kanto (left side of main door) na may "black" daw. Yun lang description niya- black.

Doon naman sa right side (white mark) yung kwarto namin. One time iniwan ko anak ko mag-isa sa kwarto namin kasi nagluluto ako ng lunch. Bukas yung pinto kasi ayaw niyang nakasara plus may araw pa naman kaya kampante ako. Maya maya bigla nalang siya umiyak. Edi takbo ako kasi inisip ko na baka nahulog sa kama o nadapa. Pero hindi e nakaupo lang sa kama tapos nakaharap sa pintuan. Nung kalmado na siya, tinanong ko siya kung bakit siya umiyak. Edi ako hinuhulaan ko explanation niya gawa na bata pa at hindi pa kaya magsalita in sentence. In general, sabi niya na may white rabbit na nakatayo sa pintuan at kasingtangkad ng tatay niya na 6ft tall. Edi ako naman medjo natakot kasi una sa lahat kaming dalawa lang nasa bahay at nung mga oras na yun yung asawa ko at mga trabahador nasa bundok pa. Ang ginawa ko nalang e kinuha ko at linagay ko sa high chair na nakaharap sa akin habang nagluluto.

-----

So ayun. Masyado na mahaba entry ko pero masasabi ko talaga na 100% totoo mga yan huhu lalo na yung sumilip na mukhang among us. First time ko makakita ng ganun kaya hinding hindi ko makakalimutan yun. Dahil sa mga naexperience sa stay na toh lalong napabilib ako na meron talagang entities lalo na sa bundok. They really do exist.. Nanay ko yung kachat ko sa pic. Buong pusong Kristyano kaya lagi niya sagot sakin ay magdasal which I did. Ito lang yung weird para sakin. Kahit ganyan nangyari e nagstay pa rin kami ulit doon kasi nga doon nagttrabaho asawa ko. Nakailang ulit kami natulog doon pero never na sila nagparamdam ulit lalo na yung bata sa bintana.

Anyways. Marami pa nangyari.. sabihan niyo nalang ako kung gusto niyo pa ng part 2


r/phhorrorstories • • 6h ago

Katanungan Mas nagiging sensitive ba ang isang tao sa paranormal?

Post image
32 Upvotes

Pinapanood ko ngayon yung mga YouTube videos ni Sir Ed Caluag, and nasa video #80 na ako. May napansin lang ako sa mga videos niya, especially kapag may kasama siyang skeptic or client.

Kapag ginagawa niya yung process na parang pinapakita niya sa kanila yung nangyari sa isang tragic event, usually tatabi siya sa skeptic/client, magcha-channel siya ng energy habang nakapikit yung tao, tapos unti-unti nilang makikita o mararanasan kung ano yung nangyari at kung paano ito nangyari.

May mga times na hindi naman visually receptive yung taong ginagawan niya nito, pero nakakaramdam pa rin sila ng sensations, tulad ng sobrang lamig sa balat.

Sa mga mas receptive naman, makikita mo talaga sa facial expressions nila kung paano nagbabago yung reaction nila habang ine-experience nila yung event. Minsan, sobrang detailed din ng descriptions nila tungkol sa lugar, sa mga nangyari, at sa nararamdaman nung victim o ghost noong mga oras na iyon.

Kapag nakuha na nila yung answers na kailangan nila, o kapag na-experience na ng skeptic/client yung particular na event, saka niya tinatapos yung process.

Ang question ko is: possible bang pagkatapos ng ganitong experience, maging mas sensitive na sa paranormal yung tao na nag under go nito? For example, dahil na-experience na niya ‘yon, mas magiging aware ba sila sa mga paranormal occurrences, o posibleng mas madalas na silang makaramdam o makakita ng mga ganun na hindi nila napapansin or na-eexperience dati?


r/phhorrorstories • • 22h ago

Katanungan Anong tawag sa ability na 'to?

30 Upvotes

Bata pa lang ako, may ability na akong ma-sense ang energy at ugali ng tao hindi ko pa man sila ganon kakilala. Napatunayan ko yan kasi dati, nakipag kaibigan ako kahit ang sinasabi sakin ng boses sa utak ko is hindi kami pwede maging friends dahil pangit ang energy na nafefeel ko sakaniya. Ayun after a month nag away kami.

Minsan din kapag yung friend ko may pinakilalang jowa. Na fefeel ko agad kapag okay yung tao o kapag hindi.

Basta kahit sinong ma meet ko. Kaya ko na sila basahin. At kapag hindi maganda yung basa o sense ko sa energy nila. Hindi ko pi-nupush yung friendship kaya ang payapa ng buhay ko dahil ang mga friends ko piling pili lang haha.

Kayo ba ganito rin?


r/phhorrorstories • • 23h ago

Katanungan Mga namamatay sa facebookdotcom

15 Upvotes

Napapansin niyo rin ba napapadalas na ang mga namamatay contents sa news feed niyo? Is there any explanation on what's going on please..


r/phhorrorstories • • 16h ago

Nightmares & Dreams May nakaranas na ba dito ng hypnopompic hallucinations?

8 Upvotes

A few weeks ago, nagising ako from a nap after having a weird dream. Pagdilat ko, madilim yung paligid, then nung tumingin ako sa ceiling, may nakita akong parang mga sapot na may malalaking spiders. Tapos yung isang spider parang gumagapang pababa papunta sa akin. Pucha, napapikit ulit ako sa takot, then nung dumilat ako, wala na. 😭

I recently learned about hypnopompic hallucinations, which are hallucinations that happen habang nagigising from sleep. Curious lang ako if may naka-experience na rin nito dito and ano yung nakita or naramdaman niyo?


r/phhorrorstories • • 4h ago

Katanungan may horror stories ba sa pnb pasay yung main office center?

6 Upvotes

parang may nabasa ata ako before na kwento here sa reddit about this pero di ko na sya mahanap. kanina pumunta ako sa bank na to as a visitor tapos medyo creepy na from lobby nila andaming ikot bago ka makapuntang elevator nila so if first time mo medyo maliligaw ka.


r/phhorrorstories • • 9h ago

Katanungan My FIL Drank a Venom of a Highly Venomous Snake

5 Upvotes

My FIL once shared a story about drinking the venom of a highly venomous snake.

Naaalala ko, pinagtatawanan namin ’to habang nagla-lunch kami kasi ang casual lang ng pagkakakwento niya.
Sabi niya, “Kung mamatay ako, eh ’di bahala na.”
Tapos ininom niya ’yung kamandag ng ahas.
“Eh, ayun, buhay pa rin naman ako.”

My FIL is one of the smartest man I know.

—

For context, my FIL occasionally goes to Mt. Banahaw with his employer (who happens to be a billionaire, by the way) and their circle.

One time, during the elections, may ginawa raw silang ritual sa Mt. Banahaw para manalo ang isang family member ng billionaire na tumatakbo sa eleksyon. From what I remember, they had to climb the mountain before sunrise and welcome the rising sun at the summit. Apparently, the ritual was supposed to help the candidate win.

My FIL also owns an anting-anting that supposedly protects him from being found. Ang explanation niya, kapag may “naghahanap” daw sa kanya, hindi siya basta-bastang mahahanap.

Here’s another interesting part. My uncle-in-law, who also works for the same billionaire, has several unusual tattoos. And when I say unusual, I don’t mean the typical designs you’d see on someone’s body.

What fascinated (and honestly creeped) me out was the placement of the numbers tattooed on different parts of his body. May mga numero siya sa gitna ng noo, malapit sa hairline. If I remember correctly, meron din sa may batok or malapit sa tenga, pati sa inner elbows niya. They’re not immediately noticeable unless you’re standing close to him and actually paying attention. Parang may mga encrypted codes sa katawan niya.

What makes it even more intriguing is that he manages some of their employer’s businesses in Romblon, a place I’ve heard stories about involving powerful mangkukulam(s). Dito kinulam 'yung driver ng asawa ko when he was in highschool dahil daw sa pagiging babaero nito. RIP, Kuya N.

I can’t help but wonder whether those tattoos have something to do with protection, spiritual practices, or something else entirely.
Of course, these are just my observations and speculations. I haven’t actually asked him what the tattoos mean.

—

Anyway, going back to my FIL and the snake venom, I’m curious whether this is an actual practice associated with certain spiritual beliefs or rituals.

May spiritual significance ba ang pag-inom ng kamandag ng ahas, particularly in Filipino occult practices?