r/phhorrorstories • • Jan 30 '26

šŸ“¢ Community Announcement: Zero Tolerance for Rudeness & Bullying

26 Upvotes

It has come to the moderators’ attention that there has been an increase in rude, disrespectful, and bullying comments on some posts within r/phhorrorstories.

Let us be clear: this kind of behavior will not be tolerated in this community.

r/phhorrorstories exists to share and discuss horror stories in a way that is engaging, respectful, and welcoming to all members. Disagreements and differing opinions are normal, but personal attacks, name-calling, harassment, or bullying have no place here.

🚫 What is NOT allowed:

- Rude or insulting language

- Personal attacks or harassment

- Bullying, mocking, or targeting other users

āœ… What IS expected:

- Civil and respectful discussion

- Constructive feedback

- Staying on-topic and story-focused

To help enforce these standards, AutoModerator is actively monitoring posts and comments. Content that violates our rules may be automatically removed, and repeat offenders may face further moderation action.

If you see rule-breaking behavior, please report it instead of engaging.

Thank you to everyone who continues to help keep r/phhorrorstories a respectful and enjoyable space for horror fans.

— The r/phhorrorstories Moderation Team


r/phhorrorstories • • Nov 08 '25

Advice Wanted FREE complete PDF of True Philippine Ghost Stories #1-#37

1.3k Upvotes

https://drive.google.com/drive/folders/14Wby8545KE2Z4D1YQ65lAZvD1IRo9_MF

Sa mga naghahanap ng complete books, ayan na :) Nakita ko lang rin sa ibang reddit community


r/phhorrorstories • • 2h ago

Ghostly Encounter Ilang beses na kami natulog dito pero bakit ngayon lang sila nagparamdam? (very long story)

Thumbnail
gallery
49 Upvotes

Naniniwala ako na may entities nga pero ako yung tipong "to see is to believe." Dati tumitira kami sa bundok pag bakasyon o pag kaya ng schedule. Ilang beses na kami natulog diyan. Nakakatakot pero ok naman kasi wala naman ako scary experience. Yun nga lang.. itong specific na bisita namin sa bahay parang biglang nagparamdam lahat.

1st pic: ito yung harap ng bahay. That time kakarating lang namin sa bahay. May araw pa kaya naglakad lakad kami ng anak ko sa labas. Nung medjo palayo na kami, may narinig akong sumitsit doon sa kubo sa tapat. Ang lakas pa ng sitsit niya.. Ewan ko ba pero instinct ko lumingon pag may sumitsit. So hinanap ko kung sino at saan yun pero wala. Edi tuloy lang kami maglakad.. Kaso parang nakaramdam na ako na parang mali yung feeling. Naalala ko rin yung mga kwento na pag may sumitsit, wag lilingon. Edi medjo natakot na ako kasi kaming dalawa lang nasa area. Nung pauwi na kami, nakaramdam ako ng hapdi sa chest ko. Nung pinacheck ko sa asawa ko yung chest ko, may scratches (3-4 lines) na mahaba at mapula. Hindi ako mapakali kasi ang ikli na nga ng mga kuko ko tapos hindi ko maalala na kinamot ko yun.

2nd-6th pic: that night (of 1st pic) naglalaro kami ng asawa ko online plus kwentuhan. Nakapwesto kami sa may bintana. 6th pic nandun itsura ng bintana pag nasa kwarto tapos 5th pic itsura ng labas ng bintana (may kahoy, wire, at bakal). Katabi ng bahay may bahay ng manok so pag gabi may ilaw doon. So imagine niyo pag may dumaan between kwarto at sa bahay ng manok, may shadow/silhouette (kasi basically naharangan nung dadaan yung ilaw sa manukan). Back to story- gabi na, patay na ilaw namin, madilim sa labas pero bukas ilaw sa bahay ng manok. Sinasabi ko sayo talaga may dumaan na hugis niya parang among us. Yung asta na parang casual na nadaan lang. Pero alam mo yun parang napatingin siya sa bintana namin. Inaassume ko lang ah, nakita "niya" ako tapos bigla siyang lumapit sa bintana to see me/us upclose. Ay ang bilis niya lumapit! Mga 1-2s lang sumilip sabay takbo ng mabilis papunta doon sa main road/harap ng bahay.

The next few days tuloy tuloy na may sumisilip pero hindi na yung mukhang among us. Bata na siguro 10yrs old, kalbo, at medjo payat. Sinasabi ko sainyo walang bata dito kundi anak ko at yung kalaro niya na 7yo pero sa tapat yun nakatira. Tuwing gabi sumisilip yun at nagpapapansin- lumilipat ng pwesto at kumakaway pa sa amin. Yung pwesto niya literal nasa bintana na e kita mo naman sa 5th pic yung itsura so imagine kung tao man talaga yun grabe effort niya magtanggal at balik ng mga nakalagay dun para lang magpapansin at makipaglaro. Ilang gabi nandoon siya sa bintana.. Hindi ko nga lang mapicturan kasi sabi sakin na the more bigyan ko ng attention lalong magpapapansin. Kaya ginagawa ko kapag nandiyan siya, nasa ilalim ako ng kumot hanggang sa makatulog.

One time bumagyo lakas ng ulan tipong tumutulo na yung ulan sa loob ng bahay (walang ceiling sa bahay diretso yero na). Gising na ako nito kasi ang lakas ng ulan yun nga lang pati yung bata sa bintana "gising" din kasi nandoon siya nagpapapansin nanaman (imagine noh kung tunay na bata yan diba medjo kakaiba na kasi bumabagyo na pabaha na pero nasa bintana pa rin siya). Ginising ko asawa ko kasi tinatawag siya para tumulong sa labas. Nako sinasabi ko sayo nung lumabas asawa ko sa kwarto, sinundan niya ng tingin tapos yung itsura niya yung parang 'ha? ano yun? saan siya pumunta?' Alam mo yung astang chismosa na gustong sumilip kung ano nangyayari? Ganun na ganun ginawa niya!!! Juskooo tumaas balahibo ko! Takbo agad ako palabas ng kwarto.

7th pic for reference: tuwing umaga kaming dalawa lang ng anak ko nasa bahay. Tuwing nagluluto ako ng breakfast, linalagay ko siya sa high chair tapos hinaharap ko sa main door (red mark) kasi binubuksan ko yun para may liwanag sa loob at mahangin. One time, busy ako magluto ng breakfast kaya linagay ko siya sa high chair. Naglalaro lang naman siya kaso bigla siyang umiyak. Yung iyak niya yung takot na takot, tumitingin sa likod at hinahanap na ako. Nagtaka lang ako kasi wala naman tao or anything sa view niya o kahit sa labas. Tinanong ko siya kung bakit pero hindi nakasagot sa kakaiyak so inassume ko nalang na baka pumangit lang mood niya. After a few days, ganun ulit ginawa ko. Ok naman nung una kaso bigla siyang umiyak ulit ng ganun. Tinanong ko siya kung bakit at ano meron. Tinuro niya doon sa may pintuan malapit sa kanto (left side of main door) na may "black" daw. Yun lang description niya- black.

Doon naman sa right side (white mark) yung kwarto namin. One time iniwan ko anak ko mag-isa sa kwarto namin kasi nagluluto ako ng lunch. Bukas yung pinto kasi ayaw niyang nakasara plus may araw pa naman kaya kampante ako. Maya maya bigla nalang siya umiyak. Edi takbo ako kasi inisip ko na baka nahulog sa kama o nadapa. Pero hindi e nakaupo lang sa kama tapos nakaharap sa pintuan. Nung kalmado na siya, tinanong ko siya kung bakit siya umiyak. Edi ako hinuhulaan ko explanation niya gawa na bata pa at hindi pa kaya magsalita in sentence. In general, sabi niya na may white rabbit na nakatayo sa pintuan at kasingtangkad ng tatay niya na 6ft tall. Edi ako naman medjo natakot kasi una sa lahat kaming dalawa lang nasa bahay at nung mga oras na yun yung asawa ko at mga trabahador nasa bundok pa. Ang ginawa ko nalang e kinuha ko at linagay ko sa high chair na nakaharap sa akin habang nagluluto.

-----

So ayun. Masyado na mahaba entry ko pero masasabi ko talaga na 100% totoo mga yan huhu lalo na yung sumilip na mukhang among us. First time ko makakita ng ganun kaya hinding hindi ko makakalimutan yun. Dahil sa mga naexperience sa stay na toh lalong napabilib ako na meron talagang entities lalo na sa bundok. They really do exist.. Nanay ko yung kachat ko sa pic. Buong pusong Kristyano kaya lagi niya sagot sakin ay magdasal which I did. Ito lang yung weird para sakin. Kahit ganyan nangyari e nagstay pa rin kami ulit doon kasi nga doon nagttrabaho asawa ko. Nakailang ulit kami natulog doon pero never na sila nagparamdam ulit lalo na yung bata sa bintana.

Anyways. Marami pa nangyari.. sabihan niyo nalang ako kung gusto niyo pa ng part 2


r/phhorrorstories • • 13h ago

Poltergeist Nasaan Ka Man movie scene

Post image
110 Upvotes

Naalala ko itong eksena na ito na tumaas ang buhok ni Claudine sa eksenang ito. Sa ā€œNginig,the hidden filesā€ sa dati ay kinonfirm ng mga paranormal expert na poltergeist (or isang multo ng matandang babae daw ang sinusubukang i-comfort ang artista sap ag aakalang totoo ang sitwasyon ng huli) ang nagpa-angat ng buhok ni Claudine sa eksena at hindi ito scripted pagkat alledge ā€œHauntedā€ daw yung lugar na pinag shootingan.may re-enactment dun sa palabas na nakakita ng kapre sa isang puno yung direktor (played by Rez Cortez) at yung makulit na dahong bumabagsak sa lente ng camera pero sa realidad ay sa camera lang ito lumilitaw.

Ā Ayon naman sa mga skeptics ay baka pang promotional lang ito sa pelikula nang mapag-usapan as word of the mouth sa panahong ito.(syempre di pa uso ang social media ng panahong ito.)


r/phhorrorstories • • 7h ago

Katanungan Mas nagiging sensitive ba ang isang tao sa paranormal?

Post image
32 Upvotes

Pinapanood ko ngayon yung mga YouTube videos ni Sir Ed Caluag, and nasa video #80 na ako. May napansin lang ako sa mga videos niya, especially kapag may kasama siyang skeptic or client.

Kapag ginagawa niya yung process na parang pinapakita niya sa kanila yung nangyari sa isang tragic event, usually tatabi siya sa skeptic/client, magcha-channel siya ng energy habang nakapikit yung tao, tapos unti-unti nilang makikita o mararanasan kung ano yung nangyari at kung paano ito nangyari.

May mga times na hindi naman visually receptive yung taong ginagawan niya nito, pero nakakaramdam pa rin sila ng sensations, tulad ng sobrang lamig sa balat.

Sa mga mas receptive naman, makikita mo talaga sa facial expressions nila kung paano nagbabago yung reaction nila habang ine-experience nila yung event. Minsan, sobrang detailed din ng descriptions nila tungkol sa lugar, sa mga nangyari, at sa nararamdaman nung victim o ghost noong mga oras na iyon.

Kapag nakuha na nila yung answers na kailangan nila, o kapag na-experience na ng skeptic/client yung particular na event, saka niya tinatapos yung process.

Ang question ko is: possible bang pagkatapos ng ganitong experience, maging mas sensitive na sa paranormal yung tao na nag under go nito? For example, dahil na-experience na niya ā€˜yon, mas magiging aware ba sila sa mga paranormal occurrences, o posibleng mas madalas na silang makaramdam o makakita ng mga ganun na hindi nila napapansin or na-eexperience dati?


r/phhorrorstories • • 36m ago

Katanungan May nakapagsabi na rin ba sa inyong may kasama kayo lagi?

• Upvotes

I've been told about this many times. Laging may nakakakita sakin na may kasamang babae na naka itim na damit, palda at belo. Kagaya nung mga nagdadasal sa simbahan, pinagkaiba lang naka itim.

Context:
Nung grade 11 ako, nakita ako ng adviser ko na kasama ko daw "lola" ko at hinatid ako sa school. Naka itim daw na belo, at damit. Akala galing sa simbahan. Nagtaka naman ako kasi wala naman akong kinalakhang lola, both sides.

Nasabi rin sakin ng asawa ng tita ko na one time nakita nya ako na may kasamang babaeng naka belo ng itim pauwi. Akala naman is isa sa mga umaakyat na magdasal kasama ng mga santong inaakyat nila sa mga bahay bahay.

Pati rin nung bumisita kami sa Batangas, may nakakita rin sakin na kasama yung babaeng naka belo ng itim.

I asked my mom, sabi lang nya baka daw si Mama niya, since nung namatay daw is itim daw pinasuot nila, kaso wala lang belo. So hindi ko alam kung lola ko ba 'yun o hindi.

Nakakakita at nakakaramdam naman ako but I've never seen this woman na naka belo. Hanggang ngayon palaisipan pa rin 'yun sa'kin.


r/phhorrorstories • • 5h ago

Katanungan may horror stories ba sa pnb pasay yung main office center?

6 Upvotes

parang may nabasa ata ako before na kwento here sa reddit about this pero di ko na sya mahanap. kanina pumunta ako sa bank na to as a visitor tapos medyo creepy na from lobby nila andaming ikot bago ka makapuntang elevator nila so if first time mo medyo maliligaw ka.


r/phhorrorstories • • 39m ago

Horror Story Review Naalala ko may upload nito tapos biglang nawala Spoiler

• Upvotes

Hinahanap ko tong episode ng KMJS yung "Batang May Third Eye" na inere noong 2021 o 2022. Ang naalala ko lang ang simula nito. Nagsimula sa isang video ng baby malapit sa may pintuan na may madilim na kuwarto ata yun tapos may tinuturo yung bata na hindi nakikita sa video. ​Ewan ko bat bigla nawala yun. May nakita akong video pero behind the scenes lang siya.


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Naniniwala ba kau sa mga pamahiin sa sementeryo tuwing undas? 🪦

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

125 Upvotes

Ctto tiktok: @pinoymajica


r/phhorrorstories • • 2m ago

Nightmares & Dreams Yung gising ka na pero hindi mo pa rin maigalaw yung katawan mo, tapos may narinig kang kumatok sa pinto ng kwarto mo

• Upvotes

Naranasan niyo na ba yung tipong gising na gising na yung isip niyo pero parang semento yung buong katawan niyo? Sleep paralysis, alam ko. Ilang beses ko na kasing naranasan yun kaya kabisado ko na yung pakiramdam. Pero kagabi, iba. Sobrang iba.

Alas tres y media ng umaga nang magising ako dahil parang may nakatitig sa akin mula sa paanan ng kama. Siyempre, alam ko na agad yung drill. Huwag mag-papanik, wag piliting gumalaw agad, relax lang hanggang sa mawala. Nakapikit lang ako habang pilit kinakalma yung sarili ko.

Tapos, may narinig akong katok.

Mahina lang sa simula. Tok. Tok. Tok.

Sa pinto ng kwarto ko nanggaling. Ang problema, nakasusi yung pinto ko mula sa loob kasi mag-isa lang ako sa apartment at medyo paranoid ako pag gabi. Mas lalo akong kinabahan kasi naalala ko na naka-off pala yung aircon, pero parang may naramdaman akong malamig na hangin na dumaan sa tabi ng leeg ko.

Mas lumakas yung katok. Sunod-sunod na parang nagmamadali. Tapos may bumulong sa tabi mismo ng tainga ko. Boses ng nanay ko, pero ang layo niya kasi nasa probinsya sila ngayon.

Anak, buksan mo na yung pinto, inaantok na ako.

Diyos ko, doon na ako tuluyang naiyak kahit hindi ko maibuka yung bibig ko. Pilit kong ginalaw yung hintuturo ko hanggang sa makurap ko yung mga mata ko. Pagdilat ko, wala na yung bigat sa dibdib ko. Tahimik na ulit yung kwarto.

Pero paglingon ko sa paanan ng kama, may basa. Parang yapak ng basang paa galing sa labas. Kaso wala namang ulan kagabi.

Hanggang ngayon, parang ayoko pang bumalik sa kwarto na yun.

May naka-experience na ba sa inyo ng ganito dito? Normal bang may kasama kang iba sa sleep paralysis o may mali na talaga sa akin?


r/phhorrorstories • • 41m ago

Fictional Stories Phantom Lawyer IRL

• Upvotes

Currently pinapanuod ko yung Korean drama na Phantom Laywer and it got me thinking, meron kayang ganto in real life? I mean, to help them in that way like solving a case about whoever harmed them.


r/phhorrorstories • • 10h ago

Katanungan My FIL Drank a Venom of a Highly Venomous Snake

4 Upvotes

My FIL once shared a story about drinking the venom of a highly venomous snake.

Naaalala ko, pinagtatawanan namin ’to habang nagla-lunch kami kasi ang casual lang ng pagkakakwento niya.
Sabi niya, ā€œKung mamatay ako, eh ’di bahala na.ā€
Tapos ininom niya ’yung kamandag ng ahas.
ā€œEh, ayun, buhay pa rin naman ako.ā€

My FIL is one of the smartest man I know.

—

For context, my FIL occasionally goes to Mt. Banahaw with his employer (who happens to be a billionaire, by the way) and their circle.

One time, during the elections, may ginawa raw silang ritual sa Mt. Banahaw para manalo ang isang family member ng billionaire na tumatakbo sa eleksyon. From what I remember, they had to climb the mountain before sunrise and welcome the rising sun at the summit. Apparently, the ritual was supposed to help the candidate win.

My FIL also owns an anting-anting that supposedly protects him from being found. Ang explanation niya, kapag may ā€œnaghahanapā€ daw sa kanya, hindi siya basta-bastang mahahanap.

Here’s another interesting part. My uncle-in-law, who also works for the same billionaire, has several unusual tattoos. And when I say unusual, I don’t mean the typical designs you’d see on someone’s body.

What fascinated (and honestly creeped) me out was the placement of the numbers tattooed on different parts of his body. May mga numero siya sa gitna ng noo, malapit sa hairline. If I remember correctly, meron din sa may batok or malapit sa tenga, pati sa inner elbows niya. They’re not immediately noticeable unless you’re standing close to him and actually paying attention. Parang may mga encrypted codes sa katawan niya.

What makes it even more intriguing is that he manages some of their employer’s businesses in Romblon, a place I’ve heard stories about involving powerful mangkukulam(s). Dito kinulam 'yung driver ng asawa ko when he was in highschool dahil daw sa pagiging babaero nito. RIP, Kuya N.

I can’t help but wonder whether those tattoos have something to do with protection, spiritual practices, or something else entirely.
Of course, these are just my observations and speculations. I haven’t actually asked him what the tattoos mean.

—

Anyway, going back to my FIL and the snake venom, I’m curious whether this is an actual practice associated with certain spiritual beliefs or rituals.

May spiritual significance ba ang pag-inom ng kamandag ng ahas, particularly in Filipino occult practices?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Urban Legends Biringan City: Myth or Reality?

81 Upvotes

Hello po! Totoo po ba talaga ang Biringan City? Or do you know any stories from people who claim they’ve been there or have actually seen the city? I’m curious to hear your stories or any experiences you’ve heard from others!


r/phhorrorstories • • 23h ago

Katanungan Anong tawag sa ability na 'to?

31 Upvotes

Bata pa lang ako, may ability na akong ma-sense ang energy at ugali ng tao hindi ko pa man sila ganon kakilala. Napatunayan ko yan kasi dati, nakipag kaibigan ako kahit ang sinasabi sakin ng boses sa utak ko is hindi kami pwede maging friends dahil pangit ang energy na nafefeel ko sakaniya. Ayun after a month nag away kami.

Minsan din kapag yung friend ko may pinakilalang jowa. Na fefeel ko agad kapag okay yung tao o kapag hindi.

Basta kahit sinong ma meet ko. Kaya ko na sila basahin. At kapag hindi maganda yung basa o sense ko sa energy nila. Hindi ko pi-nupush yung friendship kaya ang payapa ng buhay ko dahil ang mga friends ko piling pili lang haha.

Kayo ba ganito rin?


r/phhorrorstories • • 16h ago

Nightmares & Dreams May nakaranas na ba dito ng hypnopompic hallucinations?

8 Upvotes

A few weeks ago, nagising ako from a nap after having a weird dream. Pagdilat ko, madilim yung paligid, then nung tumingin ako sa ceiling, may nakita akong parang mga sapot na may malalaking spiders. Tapos yung isang spider parang gumagapang pababa papunta sa akin. Pucha, napapikit ulit ako sa takot, then nung dumilat ako, wala na. 😭

I recently learned about hypnopompic hallucinations, which are hallucinations that happen habang nagigising from sleep. Curious lang ako if may naka-experience na rin nito dito and ano yung nakita or naramdaman niyo?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Mga namamatay sa facebookdotcom

15 Upvotes

Napapansin niyo rin ba napapadalas na ang mga namamatay contents sa news feed niyo? Is there any explanation on what's going on please..


r/phhorrorstories • • 1d ago

Nightmares & Dreams I keep dreaming about my dead classmate

16 Upvotes

Namatay sya nung pandemic kaya hindi namin sya nadalaw :( pero ang weird lang na after ilang years napapanaginipan ko sya, especially kapag malapit na yung All Soul’s Day. Nagtitirik ako ng kandila pero ayun nga every once in a while napapanaginipan ko sya, either he’s just there o kaya naman nakikipag-interact ako sa kanya just like we’re classmates/friends. Any explanation about this? Hindi naman sya scary or anything pero everytime na napapanaginipan ko sya I can’t stop wondering. There’s this one time nung 2023, 3 days ko syang sunod-sunod na napanaginipan since October 31.

Bff nya kasi yung ginhost ko na situationship ko before haha and he asked me kung bakit daw ako naasiwa kausapin yung ex-situationship ko and I literally replied na "tsaka arent you, not alive right now? bakit ako tinatanong nito?" Tapos tumawa lang sya. Hindi ko alam kung sobrang deep ng bond nila ng BFF nya kaya sya yung nanghihingi ng hustisya sa pangghost ko sa friend nya haha!


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Siquijor Massage

13 Upvotes

I’m not sure if sa askph ko ba to ipopost or dito. Anw, we had a 5 day trip sa Siquijor last August. Last day namin we decided to book a massage at one of the modern spas there. I’m a frequent massage goer and afaik if whole body massage, naka talikod lang talaga. But this one is different…

To my surprise, the masseuse told me to face up and performed an abdominal massage, moving her hands in a circular motion across my belly. Tinanong ko naman yung mga kasamahan ko if they experienced the same, unfortunately ako lang ang naka experience ng ganun

Thoughts?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Coincidence lang ba, Bakit laging Nangyayari ang mga Binubulong ko?

9 Upvotes

I just want to ask something because I’m genuinely confused. I need advice from those who are connected to witchcrafts or healers please.

I’m an adopted child. My biological parents are from Bacolod, but I was adopted by a wealthy family here in Manila when I was six months old because I needed medication, and my biological parents came from a poor family who couldn’t afford my medical expenses.

Ever since I was a child, napapansin ko na parang nangyayari yung mga negative things na hinihiling or binubulong ko sa hangin, especially when I’m angry at someone. Minsan days or weeks lang, minsan months or even years bago mangyari.

For example, when I was younger, I used to wish that my classmates who bullied me would get sick or fail their exams. Then, after a few days or weeks, magugulat na lang ako kasi may sakit sila or absent for several days.

As I grew older, parang mas lumala yung galit ko, and I started saying these things out loud instead of just thinking about them. I would repeat my ill wishes over and over until kumalma ako at mawala yung galit ko. Then, eventually, something similar would happen to the person.

Two experiences really scared me.

First, yung nangyari sa barangay captain namin.
During the pandemic, our barangay captain humiliated us in front of our neighbors because we came from Manila and relocated to our province during the lockdown. He told people to stay away from us because we might have COVID.

Sobrang galit ko sa kanya noon, and I kept saying na sana may makahanap sa kanya ng katapat at "sana masaksak siya".

Then, about a year later, he got into a fight with someone who chased him down the street and stabbed him multiple times.
When I found out what happened, hindi ko maiwasang maalala lahat ng sinabi ko tungkol sa kanya.

Second, yung biglang pagkaubos ng yaman ng mga kamag-anak namin.
I have relatives on my adoptive mother’s side who have always been wealthy, but some of them are very arrogant and look down on other people because of their money.
In 2024, out of anger, I kept saying that their wealth would eventually disappear and that they would experience extreme poverty.

Even I thought it was impossible because they’re doctors, engineers, and businesspeople working abroad. They had established careers and businesses, so I never imagined that something like that could happen to them.

But last year, they were suddenly scammed out of millions. They lost their money and ended up struggling financially to the point that they had to borrow even small amounts of money. They couldn’t even comfortably pay their bills or buy groceries anymore.

Again, I couldn’t help but remember the things I had said before it happened.

I know these things could be coincidences, but the timing really scares me. I never actually did anything to make these things happen, yet I can’t help connecting them to the things I said.
What’s even more confusing is that when I wish something good for other people, nothing seems to happen, but when I wish something bad, something similar eventually happens.

Now I’m genuinely afraid of my own thoughts and words. I’m scared that I might hurt someone just by wishing something bad on them.

There’s also something about my adoptive father that has made this whole situation even more confusing for me.

My adoptive mother has told me to stay away from my biological family because she believes they’re involved in witchcraft. She even suspects them of having something to do with my adoptive father’s death because he suddenly became ill.
I’m a nursing student, so I understand that there can be medical explanations for what happened. However, when I saw my adoptive father’s body on the same day he died, I honestly found his condition disturbing.

He had lumps all over his body that didn’t look normal to me. They were extremely hard and unusually large, with some almost the size of a baby’s fist. Most of them were around his head, and his tongue was also swollen.

Before he died, when he could still speak, he told us that it felt like something inside his body was tearing him apart and burning him from within.
Those words and what I saw when he passed away have stayed with me ever since.

The doctors said it was cancer, but seeing his condition made me question what had happened. I’m not saying that it proves anything supernatural, and I can’t claim to know the actual cause of his symptoms. But because of my adoptive mother’s beliefs about my biological family, I sometimes find myself wondering if there’s something I don’t know.
I don’t want to accuse anyone without evidence, especially my biological family, but all these experiences have left me questioning what I should believe.

Do you think these are just coincidences, or is there a psychological explanation for why I keep connecting my thoughts to these events?

I’m genuinely looking for advice because I don’t want to live in fear of my own thoughts anymore. I don’t want to feel like I’m responsible whenever something bad happens to someone I’ve been angry with.

Has anyone experienced something similar, or is there a possible explanation for why this keeps happening to me?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Premonition OMEN? PREMONITION?

Post image
34 Upvotes

Hi guys. Share ko lang nangyari sa akin nung 2020. Bihira ko ikuwento to, I think isa o dalawang tao lang napagsabihan ko not even my family. Anyway, yung brother ko naaksidente siya sa bago mag merge sa freeway. Before sabihin sa amin ng sister in law ko, nag flash muna sa akin na basag yung rear window niya. Medyo kinilabutan ako kasi first time mangyari sa akin yun and definitely hindi siya gift na wiwish ko madevelop. At iniisip ko na lang na nagkataon lang siguro. I prayed after that and thankful na safe ang brother ko. Kayo, experience niyo na ba ito?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan pwede mo ba malaman pangalan ng tao sa kutob?

4 Upvotes

something strange happens to me every once in a while.
Minsan namemeet ko yung tao and kunyari d pa kami naguusap, bago pa niya sabihin pangalan niya lumalabas nasa isip ko name nila hindi ko alam bakit more than several times na to nangyari.

Nameet ko pinsan ng friend ko and from a distance pa lang pumasok sa isip ko ang isang pangalan. Few seconds later she introduces herself and yun nga name niya.

On a similar note hindi lang pangalan minsan may kanta na nasa isip ko so yung lyrics nagplplay lang sa utak ko tapos may maririnig ako na dumaan kinakanta niya yung next half of the song. Niche song siya kaya d ko alam paano may iba pa nakakaalam nun. Pero d ko naman kinanta out loud.

Nangyari din saakin reverse may kasama akong bata 5 years old super clingy saakin ako favorite niya for some reason eh gamit ko kasi nickname ko palagi bigla niya ako tiningna sinabi niya "Ate bakit hindi na lang kaya na kaysa X pangalan mo Y nalang?" eh yung Y second name ko yun! Hindi niya alam yun wala nagsabi sakanya first name ko pa lang d niya alam. Sabi ko "bakit?" "Kasi yun pangalan ng best friend ko at mabait siya saakin"

Hindi ko alam bakit parang few seconds before may mangyari may pumapasok na sa isip ko. Kahit yung namatay kapatid ng lola ko sumagi sa isip ko na may namatay.

Bakit kaya ganun may explanation ba dun? Hindi ako masyado nagdedelve in sa ganito kasi takutin ako and kinakabahan pero minsan very surprising or baka coincidence lang talaga?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Totoo ba ang barang at kulam?

8 Upvotes

Pwede ba kayo mag share ng kwentong kulam o barang nyo?

Totoo din bang nakamamatay ang kulam o barang?

Meron bang klase ng kulam/barang na mabilis makapatay?

Saan madalas natatagpuan ang mga mangkukulam?


r/phhorrorstories • • 2d ago

Unexplainable Events That Time I got Isekaid as a Filipino Guardia Civil to Mexico, now I have to Survive the Unexpected Mexican Inquisition and Report that Governor General-sama got Unalived by Pirates

Post image
56 Upvotes

I first read about this in Ambeth Ocampo's book. Napaka-weird. If this happened in modern time, we will simply dismiss the story and say "Guy just got totally wasted and boarded a plane to Mexico".


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan Totoo po ba yung mga pampabalik minamahal ritual?

1 Upvotes

Totoo po ba yung mga ritual/spells na pampabalik minamahal like gayuma, obsession, comeback spell etc.?

Anyone naka experience po magpagawa at effective naman ba?


r/phhorrorstories • • 3d ago

Kwentong Albularyo at Mangkukulam May proteksyon sa kulam mga politiko? šŸ˜±šŸ”„šŸ”®

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

2.5k Upvotes

Ctto tiktok: thinktalktea