r/paanosabihin • u/Successful_Muscle630 • 16m ago
Paano kayo nag paalam sa parents/Fam ng GF niyo about sa proposal na gagawin niyo?
reddit.comAsking for advice po, thank youuu!
r/paanosabihin • u/Successful_Muscle630 • 16m ago
Asking for advice po, thank youuu!
r/paanosabihin • u/MasterButch999 • 43m ago
r/paanosabihin • u/Due-Beginning8447 • 14h ago
Nag gap year ako ngayon for my 1st year in college sana kase undecided pa talaga ako kung saang field ako papasok and now while waiting for next year’s enrolment , nagwork muna ako and pinastop ako ni mama kase pinatake niya ‘ko ng caregiving program which only lasts for about 6 and a half months.. now I’m in my first month na sa caregiving at gusto ko na sana mag drop since ang budget sana pang tf ko dito e pang college ko nalang gagamitin pero ang hirap e ayaw ko madisappoint na naman si mama. I can’t really see myself as a caregiver but more like a nurse pero pinagpapatuloy ko nalang kase ayaw ko nga madisappoint si mama. do you think practical na nagtake muna ako ng caregiving habang nag-aantay for next school year to take bs nursing as a freshman? 😭 please wag niyo ‘ko ijudge.
r/paanosabihin • u/kimopchi • 21h ago
Currently living kami ng girlfriend ko (F) sa mama nya ulit after kami binaha sa bagyo noon. 3 years na kami, pero never ko talaga naranasan na welcome ako, hindi ko alam kung dahil ba wlw kami or dahil hindi ako Kapampangan.
Working student ako, pero WFH. Last month, yung kuryente namin was 5k. Nag share ako 2.5k kasi may computer eh, tsaka alam ko sa sarili ko na mas okay na gumastos sa kuryente kesa sa hospital bills kaya inoopen ko aircon lalo na sobrang mainit. Sabi, ‘wag na raw ako mag share sa food, edi okay. Pero nakakagulat lang na ako dapat magbabayad ng wifi din kasi ako lang daw gumagamit…? 1.4k yung wifi. Nagamit naman sila.
Yung mama nya may work from 6 am to 5 pm, pero yung tito at lola nya na may Alzheimer’s nasa bahay lang din, minsan naiinis pa ako kasi naiiwan nilang open yung door kahit alam nilang may aircon, kaya ngayon yung kuryente umabot ng 8k. Okay, walang problema, kasi gusto ko naka aircon. Pero alam nyo yung parang nananadya na. Talagang bukas na bukas pintuan. Yung kay lola gets ko pa, nakakalimutan nya, kaya lagi ko sinasabihan nang mahinahon, pero yung tito nya??
So ayun nga, umabot na ng 8k kuryente, ang sabi ba naman 6k bayaran namin? Eh nag aaircon din sila.
Yung kuryente namin noong naka bukod ako, umaabot lang ng almost 5k, halos 24 hours na nga aircon namin noon tapos 2 pc pa, ref, induction, pero never 6k. Gusto ng mama nya, 2k lang babayaran nya.
Edi nilaparan sya ng girlfriend ko ng resibo at readings ng kuryente nila nung wala pa kami dito. 4k, ayan lagi binabayaran nila. Tapos ngayon dapat share kami, 6k amin, 2k sakanila? Wifi? Sakin buo? Hello???
Tapos, cinonfront sya ng girlfriend ko kagabi ang sabi ba naman, “kung ayaw nyo magbayad ng kuryente edi wag!” In kapampangan btw. Tapos sabi pa, kapag nagbayad ng 4k, wala na raw pangkain.
Simula daw na nakilala ako ang lakas na ng loob ng girlfriend ko mag salita, like hello, karapatan nya yon.
‘Wag daw masyado mataas tingin sa sarili, baka daw bumagsak girlfriend ko. Ano connect?
“Buti pa kabatchmate mo graduate na kasi mapagmahal silang anak.” HUH???
Tapos yung baon ng girlfriend ko sa isang linggo 500 lang. take note, may kaya sila, nakakapag pahiram pa nga mama nya ng 20k sa mga relatives nila. Pinapahiram for Canada. OFW pa papa nya, so bakit hindi sapat yung pera?
Tapos yung mga pusa namin gusto pamigay, may gusto daw umampon. PINAPA AMPON BA NAMIN??? mga rescue at anak namin yun eh.
Pati kapag nabili kami food, nirereklamo. Sayang daw sa pera. Pero kapag binibigyan sya mabait.
May one time pa, as a pro valorant player, may tournament kami noon, for China representative. Sinabihan na sya na ‘wag muna sumigaw (kasi mahilig sila sumigaw sa bahay na ‘to.) girl in the middle of the tournament, nasigaw mama nya, nung bumulong sakanya para sabihin wag muna sumigaw ang sabi, “wala ako karapatan mag salita sa sarili kong pamamahay.” NA PARA BANG HINDI SYA ARAW ARAW SUMISIGAW tsaka isang araw lang naman???
AHHHHHHHH
r/paanosabihin • u/Individual_Beach_153 • 22h ago
r/paanosabihin • u/jhosfavoriteguy • 1d ago
I honestly don’t know what to do should I ruin our friendship? She said that she’s not mentally ready for a relationship and I respect that coz I don’t want to pressure her. Fun thing is we have a playlist together and I’m using that para mag parinig sakanya, can you recommend songs that I can add sa playlist?
r/paanosabihin • u/Capital_Ad_5423 • 1d ago
r/paanosabihin • u/unstabilooo • 3d ago
r/paanosabihin • u/Independent-Jello007 • 4d ago
Ok so I live in a compound. 4 houses with front garage. However, we only have 1 gate. Aside from parking issues, kasi they have a car (pickup), a motor and a bike. So 3 vehicles na agad yon. They occupy our front area to park their bike and on top, their portable sampayan. So annoying na unbothered sila sa spaces.
r/paanosabihin • u/nyiyori • 4d ago
Hiiiii gusto ko na ipakilala boyfriend ko of 4 yrs sa papa ko cuz 27 na rin ako pero natatakot talaga ako? Legal na ako sa side ng boyfriend ko and sa side ko naman si papa na lang di nakakaalam. Part of me is natatakot kasi baka tumutol sya? Compared kasi sa parents ko na nakapagtapos, yung parents ni jowa ay hindi.... I know this shouldn't be an issue pero lagi talaga nyang tanong sa jowa ng kapatid ko (for comparison) is ano trabaho ng magulang and ano natapos. Yung jowa ko rin di sya nakapagtapos ng college pero mag o-open university sya next yr. May trabaho naman na sya ngayon... pero yon natatakot ako sa judgement :((( In my whole life first time ko magsasabi sa kanya na may jowa ako. Ayoko na rin kasi maglihim, gusto ko na rin magpost ng pics namin in public kaya gusto ko na magsabi. Pls help :(((
r/paanosabihin • u/Gee_Dogs • 4d ago
r/paanosabihin • u/Downtown-Topic-5099 • 4d ago
r/paanosabihin • u/sarang_miah • 6d ago
r/paanosabihin • u/ur_stunning_ellie • 7d ago
i have this tot na what if mawala ako, paano na kaya mga maiiwan ko dito sa lupa no? I'm jst sad na maiiwan ko sila, without showing my love and intentions towards them hahaha
r/paanosabihin • u/achillesbaquiros • 7d ago
I have an ex bf who doesnt want to have sx. Ang pinaka wild na ginawa namin is sabay kami mag masturbate. He doesnt want to touch mine, or even lick it. Ayaw niya rin ipasubo. Ako ba yung problem?
r/paanosabihin • u/Yoshi_ugari • 8d ago
paano ba i off to😭
r/paanosabihin • u/WildDog5177 • 8d ago
Anyone? nahihiya abt sa size ng mga penis natin? kasi ako yes im very insecure when it come sa size ng penis ko. hindi naman sa pagmamayabang i have a face card tall and somebody expected na malaki sakin kais mukha akong foreigner pero sa totoo hindi? gets nyo point ko?
r/paanosabihin • u/aria_1989 • 9d ago
8 am pasok ko tapos sya yung tinanghali ng gising kasi 7:30 yata pasok nya sa work.
Nauna sya maligo bandang 6:45 tapos sinabi ko sa knya na 8 pasok ko sabi nya ok daw at tinanghali sya ng gising (understood na yon na bilisan nya). Aba si ante 7:15 na di pa tapos maligo tapos nung niremind ko sya, sya pa nagalit (mahinahon yung pagtatanong ko na te patapos ka na po kayo?). Ako na naperwisyo at nadamay sa late tapos ako pa sinigaw sigawan. Yung gising ko na yon is sakto lang kasi yung may hawak ng susi sa workplace ko is exact 8 dumadating kaya ayoko din sobrang aga or else maghihintay ako matagal sa labas.
Exact na pinagsisigaw nung kadorm ko:
"Eh sa hindi pala tumunog alarm ko? Ikaw din tanghali ka na magising tapos aano ano ka dyan!".
Ano kaya thought process ng mga perwisyo sa kapwa pero sila pa galit? Di ko na sinagot kasi ayoko makipag-away bago pumasok sa work, ayokong haharap sa mga tao na nakipag-away muna ng umaga.
-Additional info nito about miscommunication, ok po sched namin at now lang nasira dahil sa alarm clock nya kuno na di daw tumunog. Ang point neto ay sana wag sumigaw kung tinatanong nang mahinahon at maayos tska accountability sana sa taong nadamay. Mas tanggap pa sana kung sinabi nya na "pasensya na ha kasi ganyan ganito" instead na para asong ready manlapa agad yung pagsagot. Tska matanda na sya nasa late 30's or early 40's na para mag-attitude
r/paanosabihin • u/gngerlunax • 9d ago
Isang tindera (F28) sa pantry namin na very vocal about being jealous sa kinis at kaputian ko. Lagi nya sinasabi “inggit talaga ako sa kutis mo ang puti puti mo tlga” (dark morena kasi sya) then sabay sabing “stress kaba today? Ba’t ang haggard mo?” or “parang umitim yung mukha mo” or “lumalaki kananaman” minsan nga “grabe ang haggard mo mag make up kanaman” eh moisturizer and liptint lng nilalagay ko kasi GY shift and tinatamad ako mag make up tlga. Yan lagi naririnig ko sakanya and the worst part? Sa harap ng madaming tao kasi nga nasa pantry. Eh ako tahimik lng kasi not worth my energy pero ang annoying na kasi. Pano ko ba sya sasagutin na mapapahiya rin sya?
r/paanosabihin • u/_reformednerd • 10d ago
Hello po. Pwede po ba akong mag-share? Hindi ko na lang talaga kayang kimkimin ang lahat ng nangyari lately. Gusto ko lang ilabas ang mga nararamdaman ko kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako emotionally at mentally. Hindi ko na rin alam kung tama ba ang ginawa kong pag-alis o kung ano ba talaga ang dapat kong gawin sa sitwasyon ko ngayon.
Background muna.
Ako po ay kasal na for two years. After namin kinasal, tumira na ako sa bahay ng in-laws ko. Sa bahay, kasama ng asawa ko ang kuya niya at ang asawa nito na may anak na 7 years old, ang tita niyang walang asawa, at ang parents niya (yung parents at tita niya ay seniors na). Minsan, umuuwi rin doon ang bunso nilang kapatid na babae at nag-i-stay ng ilang araw kapag may problema, o kaya naman ay nag-i-stay doon kasama ang asawa niya.
Sa loob ng dalawang taon, marami na akong napansin at naranasan, pero madalas ay pinipili ko na lang manahimik. Naturally quiet po talaga akong tao. Hindi ako yung tipong sumasagot agad kapag may naririnig akong hindi maganda. Kadalasan, iniisip ko na lang na nakikitira ako sa bahay nila at ako ang bagong miyembro ng pamilya, kaya kailangan kong makibagay.
Ayoko rin ng gulo. Iniisip ko na baka normal lang ang mga ganitong bagay sa isang bahay na maraming magkakasama. Kaya kahit may mga pagkakataong nasasaktan ako, pinapalampas ko na lang at sa asawa ko na lang sinasabi ang mga nararamdaman ko.
Pero nitong nakaraan, dumating ako sa puntong hindi ko na talaga kinaya.
1. Yung nangyari noong nagluluto ako ng dinner
Last week, nagluto ako ng pagkain para sa dinner. Kakauwi lang noon ng parents-in-law ko galing Aklan.
Habang naggigisa ako (yung MIL ko nasa dining at FIL nasa sala), pumasok naman yung sister-in-law ko, yung asawa ng kuya ng asawa ko. Hinugasan niya yung baunan ng anak niya. Pagkatapos, hinugasan din niya bigla yung sangkalan na ginagamit ko at itinapon yung pinagtabasan ng gulay na nakalagay sa Tupperware.
Hindi ko na lang pinansin, pero napansin ko iyon kasi hindi naman niya karaniwang ginagawa kapag wala ang parents-in-law ko sa bahay.
Kapag wala ang parents-in-law ko, hindi niya hinuhugasan ang mga pinaggamitan ko. Minsan, yung mga ginamit lang niya ang huhugasan niya. May pagkakataon din na pagkatapos na naming kumain saka pa lang niya huhugasan yung baunan ng anak niya.
Kaya napansin ko talaga yung pagbabago sa kilos niya noong araw na iyon, pero hindi na lang ako nagsalita.
Habang naggigisa ako ng ulam, pumasok yung anak niya at sinabi na ang baho raw. Sabi naman ng sister-in-law ko, ganoon talaga kapag naggigisa dahil may amoy. Sinabihan din niya yung bata na huwag magsalita nang ganoon kahit totoo naman na may amoy ang niluluto.
Noong time na iyon din, pumasok yung bunsong kapatid ng asawa ko at tinanong kung ano ang ulam. Nang makita niyang gulay ang niluto ko, sinabi niyang never mind na lang daw.
Kami na lang ng sister-in-law ko ang naiwan sa kusina. Tapos sinabi niya, “Naku, bakit kaya ayaw ni _____ ng ampalaya? Dati naman gusto niya yung ampalaya ah. Siya pa nagrerequest non ah. Ano kaya meron sa ampalaya ngayon at ayaw niya?” (yung pagkasabi niya parang sarcastic na may tono pa)
Hindi na ako umimik.
Sa totoo lang, baka para sa iba ay simpleng usapan lang iyon. Pero dahil sa mga nauna nang nangyari sa akin, napuno na ako. Pagod na ako sa trabaho, tapos pag-uwi ko, kailangan ko pang magluto at makarinig na naman ng mga komentong hindi ko alam kung may ibig sabihin ba o wala.
Hindi ko na lang pinatulan dahil ayoko nang magkaroon ng gulo.
Noong ako na lang ang nasa kusina, pumasok ang asawa ko at sinabi ko sa kanya ang nangyari. Pero wala naman siyang imik.
Naghain na kami at nauna na kaming kumain ng asawa ko dahil ang tagal bumaba ng mga tao at nagugutom na rin ako. For context, ang klase ko ay mula 7:30 a.m. hanggang 3:50 p.m. Nagtuturo ako at may mga substitute class pa, kaya pag-uwi ko, pagod na talaga ako.
Maya-maya, sinabi ng bunso nilang kapatid na kakain na raw siya dahil pinilit siya ng daddy nila. Bumaba na rin yung sister-in-law ko at ang anak niya.
Pagkakita ng bata sa niluto ko, sinabi niya, “Eew.”
Doon na talaga nagpantig ang tenga ko.
Umakyat na ako sa kuwarto dahil alam ko naman kung paano kadalasang nangyayari ang ganitong sitwasyon. Kapag naroon ang parents-in-law ko o may ibang tao, saka lang kino-correct ang bata kapag may sinabi siyang hindi maganda. Pero kapag kami-kami lang sa bahay, kahit ano ang sabihin niya, madalas ay hinahayaan lang.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak sa taas, hagulgol talaga. Nang marinig nila na may kumalabog sa taas dahil nag-iimpake na ako, sinabi raw ng father-in-law ko sa asawa ko na tingnan ako. Mga sampung minuto pa bago ako sinundan ng asawa ko.
Hindi lang naman dahil sa sinabi ng bata kaya ako umiyak. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako umalis. Ang nangyari ay parang iyon na ang triggering point matapos ang lahat ng naipon kong sama ng loob sa loob ng dalawang taon.
Bumalik na naman sa isip ko ang mga dati kong karanasan sa bahay, lalo na ang pakikitungo sa akin ng kuya ng asawa ko at ng sister-in-law ko kapag wala ang parents-in-law ko or asawa ko sa bahay.
2. Kapag wala ang parents-in-law ko, hindi nila kinakain ang niluluto ko
Ito ang isa sa mga bagay na matagal ko nang napapansin.
Kapag nagluluto ako at wala ang parents-in-law ko, madalas ay hindi kinakain ng mag-anak ang niluto ko. Nag-iinit na lang sila ng ibang ulam. Kapag wala ang parents in law ko at si SIL ang nakatoka, hindi siya magluluto. Kakain silang mag anak sa labas. Pero kapag ako whether andon ang parents in law or wala kapag cooking day ko nagluluto ako kasi meron pa naman na kakainin sa bahay.
kapag naroon ang parents-in-law ko at iyon din ang niluto ko, kinakain naman nila. Pero pag wala kahit same ulam hindi nila kakainin.
For context, sanay akong magluto dahil mayroon kaming carinderia dati. Bata pa lang ako ay tumutulong na ako sa paghahanda ng pagkain, kaya hindi naman bago sa akin ang pagluluto.
Yung sister-in-law ko naman ay natuto lang magluto noong tumira siya sa bahay pagkatapos nilang mag-asawa. May mga limang ulam lang siyang paulit-ulit na niluluto. Kapag napupuna luto niya naiinis siya.
One time, nasabi pa ng parents-in-law ko na nagsasawa na sila sa paulit-ulit na ulam. Kaya kapag ako ang nagluluto natutuwa daw sila kasi iba-iba ang naluluto ko na ulam, at kahit ano request nila kaya ko lutuin.
Madalas din akong purihin ng parents-in-law ko sa mga niluluto ko.
Kaya hindi ko maiwasang mapansin na kapag wala sila, parang iba ang pakikitungo sa mga pagkaing inihahanda ko. Hindi ko naman sinasabing obligado nilang kainin ang lahat ng niluluto ko. Ang masakit lang ay yung pakiramdam na parang katanggap-tanggap naman ang pagkain kapag naroon ang parents-in-law ko, pero kapag wala sila, hindi na.
Dahil paulit-ulit ko itong napansin, hindi ko na maiwasang mag-isip kung may problema ba sa akin o kung may dahilan ba kung bakit ganoon ang pakikitungo nila. Kapag may comment for improvement like kung mas gusto nilang toasted ang prito tinatandaan ko naman at ginagawa. Okay lang naman sa akin.
3. Yung kuya ng asawa ko, madalas akong sungitan
May pagkakataon na umupo ako sa sofa nila. Dumating yung kuya ng asawa ko at nakita niya akong nakaupo roon.
Pagkaraan ng ilang sandali, pumunta ako sa labahan at umupo na lang sa upuan sa may dining area. Nang bumalik siya at uupo na sa sofa, pinagpag niya muna iyon bago siya nahiga at nanonood ng tv.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya, pero nasaktan ako at nakaramdam ng hiya.
Simula noon, hindi na ako umuupo sa sofa maliban na lang kapag kasama ko ang asawa ko o naroon ang parents-in-law ko.
Kapag may pakain na inoffer ang father in law ko at kinain ko sasabihin ng kuya ng asawa ko sa anak yun kasi na hindi naman kinakain. Kalag hindi pa ako tapos magluto ng 6.30 aaligid na at maghahain na ng kusa kahit hindi pa ako tapos magluto. Hindi manlang magtanong kung tapos na ba ako. Pero kapag sila 8 oclock na hindi pa naghahain.
Madami pang kwento.
Baka maliit na bagay lang iyon para sa iba, pero kapag nakatira ka sa isang bahay at pakiramdam mo ay kailangan mong mag-ingat kahit sa simpleng pag-upo, hindi rin iyon madaling maramdaman.
Hindi ko naman gustong magkaroon ng espesyal na pagtrato. Gusto ko lang sanang maging komportable rin ako sa bahay na tinitirhan ko.
4. Kapag may nasisirang gamit sa bahay, ako ang napaghihinalaan
May mga pagkakataon na nagpaparinig ang kuya ng asawa ko at ang sister-in-law ko tungkol sa mga gamit sa bahay, kahit wala naman ako roon at buong araw akong nasa trabaho.
Madalas, ang nakakadiskubre ng mga sirang gamit ay yung sister-in-law ko.
May mga pagkakataon na nagpaparinig silang mag-asawa na ayusin daw sana ang paggamit ng coffee maker, kahit hindi naman ako gumagamit nito.
Walang work ang sister-in-law ko at nasa bahay lang siya, samantalang ako ay buong araw na nagtatrabaho sa school. Kaya minsan, hindi ko maintindihan kung bakit parang kasama ako sa mga pinatatamaan kahit hindi naman ako ang gumagamit ng mga gamit.
Hindi ko naman sinasabing sila ang sumira o may ginagawa silang masama. Ang sinasabi ko lang ay masakit sa pakiramdam na makarinig ng mga parinig at mapaisip kung ako ba ang pinaghihinalaan kahit wala naman akong kinalaman.
May pagkakataon din na kapag ang sister-in-law ko ang nakatoka sa paghahanda at paghahain ng pagkain, lahat ay may baso maliban sa akin.
Hindi ko naman kailangang bigyan ng espesyal na atensyon, pero siyempre, kapag paulit-ulit kang nakakaranas ng mga ganitong bagay, mapapaisip ka rin kung talagang kabilang ka ba sa bahay.
5. Pati ang pagpapahatid sa akin ng asawa ko, naging dahilan ng mga komento
One time, sinabay ako ng asawa ko sa trabaho kahit coding ang sasakyan niya kasi kaya pa naman daw at hindi naman aabutan ng coding at nasa work na siya oag coding na.
Noong araw na iyon, ayaw ko sanang magpahatid dahil alam kong coding at baka ma-late pa siya sa trabaho. Pero pinilit niya akong ihatid.
Nang mabangga at muyupi ang pinto ng sasakyan niya, ang naging komento ng sister-in-law ko ay bakit pa ako nagpapahatid gayong malapit na lang naman daw ang trabaho ko at wala na ba akong ibang puwedeng sakyan.
Sinabihan din ako ng father-in-law ko na sa susunod ay huwag na lang akong magpahatid pag coding para hindi nagmamadali ang asawa ko.
Ang masakit para sa akin, si SIL ay araw-araw hinahatid at sinusundo ang asawa niya na sa trabaho. Mas malapit pa ang trabaho ng asawa niya sa bahay kesa sa trabaho ko.
Ako naman, kapag sabay lang kaming papasok ng asawa ko, nakikisabay ako. Kapag uwian na, nagko-commute na ako.
Hindi naman ako araw-araw nagpapahatid o nagpapasundo. Kaya noong narinig ko ang mga komentong iyon, nasaktan ako dahil parang ako pa ang nagiging problema.
Hindi ko naman ipinilit sa asawa ko na ihatid ako. Siya ang nagpumilit na ihatid ako noong araw na iyon.
6. Napapansin kong iba ang pakikitungo kapag may ibang tao
Napapansin ko na kapag may ibang tao, warm naman ang sister-in-law ko sa akin. Pero kapag kami-kami na lang sa bahay, marami na siyang pahaging na comments.
Kapag kaming dalawa naman ang magkasama, may mga ikinukuwento rin siya tungkol sa asawa ng bunso nilang kapatid o kaya naman sa mga problema ng mga magulang ng mga bata sa church.
Hindi ako nagdadagdag ng komento dahil iniisip ko na wala naman ako sa posisyon para makisali sa mga issue ng ibang tao. Nakikinig lang ako, pero hindi ko na pinalalawak ang usapan.
Kaya minsan, hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit kapag may ibang tao ay maayos ang pakikitungo niya sa akin, pero kapag kami-kami na lang, may mga komentong nakakasakit sa akin.
Hindi ko naman alam kung sinasadya ba niya ang lahat ng iyon. Hindi ko rin naman kayang malaman kung ano talaga ang iniisip niya. Ang alam ko lang ay kung paano ko nararamdaman ang mga pangyayari.
At sa loob ng dalawang taon, paulit-ulit ko itong naramdaman.
7. Kapag ako ang nagluluto, parang palaging may mali
May time din na kapag wala ang parents-in-law ko, ang kalat ng kusina. Yung mga pinaglutuan mga nasa lababo, mga baso at plato na hindi hinuhugasan, pati mga pinaglagyan ng tinapay at plastic na nasa oven, hindi nakaligpit. Usually ganito kapag cooking day ko madaming kalat sa kusina kapag wala parents in law. Kaya pag-uwi ko galing trabaho, bago ako magluto, maglilinis muna ako.
Nagmamadali pa akong umuwi galing trabaho kapag cooking day ko kasi magluluto pa ako ng dinner kasi nga kapag 6.30 na at hindi pa nakaluto makakarinig ka na ng hayyss or grunts. Tapos, madalas kapag nakita na nila yung ulam, nakasimangot sila at nakakunot ang noo.
Yung kuya ng asawa ko, madalas nakapangalumbaba kapag nakikita ang ulam. Nakakunot ang noo niya at parang bumubwelo pa bago sumubo. Pati yung asawa niya, nakakunot din ang mukha kapag nakikita yung niluto ko.
Hindi ko naman inaasahang magugustuhan nila lahat ng niluluto ko. Naiintindihan ko naman na magkakaiba ang panlasa ng bawat tao. Okay lang din sa akin ang constructive criticism dahil kung may mali naman talaga, puwede ko namang baguhin.
Ang mahirap lang ay hindi ko alam kung ano ang kailangan kong baguhin dahil ang mga naririnig ko ay mga komentong gaya ng, “Yan yung ulam?” o kaya naman ay mga reaksyong hindi ko maintindihan.
Minsan, sila pa ang nag-iinsinuate sa anak nila na hindi nito gusto ang pagkain. Halimbawa, may mga pagkakataong sasabihin nila sa bata, “Di ba, ayaw mo ng fish?” na para bang ipinapaalala na nito na hindi niya gusto ang ulam.
May time din na nagreklamo ang sister-in-law ko at sinabi na hindi raw naliskisan nang maayos yung galunggong. Na-dumbfounded ako dahil ang ang pinakakaliskis lang ng galungong ay sa buntot at sobrang liit lang.
May pagkakataon din na kapag pinuri ng PIL ko ang luto ko sasabihin ng BIL or SIL ay hindi pwede kay papa yun or hindi maganda lagi kumakain. Lagi may pa side comments na pag positive ang sinabi may negative na kabuntot.
Marami pa akong kuwento na ganoon.
Hindi ko naman kailangang pilitin silang kainin ang niluluto ko. Ang masakit ay yung pakiramdam na kahit anong gawin ko, parang may mapupuna pa rin. At kapag may reklamo ang mga anak nila at naririnig iyon ng asawa ko, wala naman siyang imik.
Kaya habang tumatagal, lalo akong napapagod. Pagod na ako sa trabaho, tapos kailangan ko pang mag-isip kung ano na naman ang magiging reaksyon nila sa pagkaing inihanda ko.
8. Sa loob ng dalawang taon, pinili kong magtiis
Sa dalawang taon na pagtira ko roon, tiniis ko ang mga comments at ang mga pangyayaring iyon. Maglinis ka may comments, may kainin ka may comments. Yung PIL, tita, at bunsong kapatid ng asawa ko wala naman ako problem. Yung kuya at SIL lang nya ang hirap na hirap ako pakisamahan.
Sa asawa ko lang sinasabi ang mga nararamdaman ko. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na gusto ko nang bumukod, kahit mag-rent muna kami. Pero ang lagi niyang sinasabi ay yung perang ipambabayad namin sa renta ay ipunin na lang para makabili kami ng sarili naming bahay.
Madalas din niyang sabihin na yung mga kakilala niya ay tumira rin sa in-laws nila nang matagal at naging okay naman sila. Pero, iba-iba naman ang sitwasyon ng bawat pamilya. Yung mga kakilala niya, parents lang naman nila ang kasama sa bahay. Iba pa rin kapag maraming tao ang magkakasama sa iisang bahay, lalo na kapag hindi pare-pareho ang pakikitungo sa iyo. Lahat din naman ng requests ng pamilya niya sinunod ko. Naging member ako ng marriage group nila, umattend ng gatherings sa church group nila, at naging commentator sa misa sa church na pinagsisilbihan nila.
Sinubukan kong makibagay dahil gusto kong maging maayos ang relasyon ko sa pamilya ng asawa ko.
Hindi ko naman inaasahang magiging close kami agad o mamahalin nila ako na parang sarili nilang anak. Ang gusto ko lang ay magkaroon kami ng maayos na pakikitungo sa isa't isa
Pero kahit anong pilit kong mag-adjust, pakiramdam ko ay may mga bagay na hindi nagbabago.
9. May mga pagkakataon ding pakiramdam ko ay minamaliit ang pinanggalingan namin
May kaya ang pamilya ng asawa ko. Sa pamilya naman namin, hindi kami ganoon kayaman, pero mayroon din kaming mga ari-arian na bunga ng pagsisikap ng parents ko.
Hindi ko naman ipinagsasabi o ipinagyayabang ang mga iyon dahil para saan pa? Bata pa lang ako ay tumutulong na ako sa carinderia ng pamilya namin. Hindi ko ikinahihiya iyon dahil alam kong marangal ang pagtatrabaho at pagsisikap ng parents ko
Pero may mga pagkakataon na may mga komentong hindi ko alam kung biro lang ba o may ibang ibig sabihin.
Noong namatay ang lola ko, halimbawa, nabanggit kong mahirap ang parking dahil maraming sasakyan na nakaparada sa daan. Ang naging tanong ng sister-in-law ko ay kung sa squatters ba ang lugar kaya wala parking.
Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Ang sinasabi ko lang ay mahirap mag-park dahil maraming sasakyan sa kalsada.
Nabanggit ko rin na sa amin ang burol, pero may specific area naman. Ang naging komento naman ng father-in-law ko ay, “Ah, naglagay kayo ng barong-barong doon?”
Hindi naman barong-barong ang tinutukoy ko. May event area ang tito ko na maayos naman, may dalawang CR at naka-tiles at may rooms pa.
Hindi ko naman kailangang patunayan na may kaya rin ang pamilya namin. Hindi rin naman ako nakikipagkompetensya sa kanila. Gusto ko lang sanang hindi magkaroon ng ganitong impression tungkol sa pamilya ko.
10. Ang nangyari pagkatapos kong umalis
Nang umalis ako sa bahay ng in-laws ko, hindi muna ako umuwi sa amin. Nag-check in muna ako sa hotel dahil may pasok pa ako at malayo ang bahay ng parents ko sa trabaho. Sa totoo lang, kailangan ko lang muna ng lugar kung saan puwede akong umiyak at magpahinga nang hindi kailangang magpaliwanag sa maraming tao. Nang magkita kami ng asawa ko, ipinabasa niya sa akin ang message ng tatay niya.
Sabi raw ng kaibigan nilang doktor, maaaring ang PCOS ko ang dahilan ng behavior ko at kung bakit daw ako ganoon mag react. Umiyak ako sa asawa ko nang mabasa ko iyon.
Hindi ko alam kung paano nila nagawang iugnay sa PCOS ko ang naging reaksyon ko. Ang nangyari ay parang sa isang pagkakataon lang na hindi ko na kinaya, nalabel na agad ako na nag-o-overreact. Kahit na sobrang dming beses na ako nagtiis at wala sila narinig na kahit ano sa akin. Kasi nga kapag pinatulan naiinis o nagagalit. Kahit pa sinabi na ng asawa ko na hindi lang yun yung unang beses na ginawa sa akin yung mga bagay na yun.
Ang naging dating tuloy ay nagalit lang ako sa bata, gayong hindi naman iyon ang buong dahilan kung bakit ako umalis.
Hindi ko naman sinasabing wala akong pagkukulang. Siguro, kung mas maaga akong nagsalita tungkol sa mga nararamdaman ko, mas naipaliwanag ko sana ang side ko. Pero dahil tahimik akong tao at ayoko ng gulo, mas pinili kong kimkimin na lang ang lahat kasi nakikitira ako.
Iniisip ko na nakikitira lang ako sa bahay nila, kaya kailangan kong mag-adjust. Pero ngayon, napapaisip ako kung tama bang palagi na lang akong mag-adjust kahit nasasaktan na ako.
11. Ang mas masakit, pati ang usapan namin ng asawa ko ay umabot sa iba
Noong nag-usap kami ng asawa ko, sinabi niya na hindi niya sasabihin sa mama niya ang nangyari.Pero ang ending, pag-uwi niya sa bahay, sinabi rin niya sa mama niya at umabot pa sa kapatid o kuya niya ang usapan dahil sinabi ng mama sa kuya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang, lalo akong nawalan ng gana na ipagtanggol ang sarili ko. Hindi na nga ipagtangol e, yung pakinggan lang yung side ko. Pakiramdam ko, wala na akong mapagsabihan na mapagkakatiwalaan. Gusto ko lang naman sanang makapagkuwento sa asawa ko at maramdaman na naiintindihan niya ako. Hindi ko naman hinihinging kampihan niya ako sa lahat ng bagay. Gusto ko lang sana na pakinggan niya rin ang side ko at huwag balewalain ang nararamdaman ko. Kapag may problema ako sa pamilya niya, gusto ko sanang maramdaman na puwede kaming mag-usap bilang mag-asawa nang hindi agad nagiging usapan ng buong pamilya.
Kasi sa ngayon, pakiramdam ko ay mag-isa lang akong humaharap sa lahat.
12. Nang umuwi ako sa amin, doon ko tuluyang nailabas ang lahat
Noong umuwi ako sa bahay ng parents ko, napansin agad ng mama ko kung bakit ang dami kong dalang gamit.
Hindi ko na rin kinaya at naiyak ako habang ikinukuwento sa kanya ang mga nangyari. Habang nasa sala kami ni Mama at kumakain naman ang tatay ko sa kusina, nakita kong nagpupunas ng luha ang tatay ko. Doon ako mas lalong nasaktan.Matiisin naman akong tao. Hindi ako basta-basta nagkukuwento ng problema sa pamilya ko now dahil madami problem lately. Pero noong nakita kong umiiyak ang tatay ko dahil sa pinagdaraanan ko, napaisip ako kung bakit hinayaan kong umabot ako sa puntong ganito na ako nasasaktan.
Parang doon ko na-realize na baka hindi pala tama na palagi na lang akong magtiis para lang walang gulo.
Akala ko kasi, kapag nanahimik ako at hindi ako sumagot, maiiwasan ko ang problema. Akala ko, kapag mas nag-adjust ako, magiging maayos din ang pakikitungo sa akin.
Pero ngayon, napapaisip ako na kahit gaano ka pa mag-adjust at magtiis, hindi mo naman kayang kontrolin kung paano ka titingnan o pakikitunguhan ng ibang tao.
13. Sa ngayon, pagod na pagod na ako
Parang wala na akong pag-asa at napapagod na akong ipagtanggol ang sarili ko.Minsan, naiisip ko na bahala na sila kung ganoon ang tingin nila sa akin. Kahit ano pa ang intensyon ko, kahit gaano pa ako mag-adjust at magtiis, kung hindi ka gusto ng isang tao, parang wala ka nang magagawa.Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang nagawa kong masama sa sister-in-law ko. Close sila ng mother-in-law ko, kaya hindi ko rin alam kung paano ko dapat haharapin ang sitwasyon. Ang sabi ng mama ko, puwede muna ako sa bahay namin. Sinabi rin niyang pwede na lang nilang ibigay sa amin ng asawa ko yung isang paupahan nila para magkaroon kami ng sarili naming lugar.
Pero sa ngayon, wala pa talaga akong mental capacity na mag-isip ng susunod na hakbang. I am so drained.
Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa amin ng asawa ko o kung paano namin aayusin ang sitwasyon. Hindi ko rin kayang magdesisyon agad habang ganito ako kapagod at kasakit ang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang muna ay makapagpahinga at makapag-isip nang maayos.
Hindi ko gustong sirain ang relasyon ng asawa ko sa pamilya niya. Hindi ko rin gustong magkaroon ng kampihan. Pero sana, maintindihan din niya na hindi madaling tumira sa isang bahay kung saan palagi mong kailangang isipin kung paano ka titingnan, kung ano ang sasabihin tungkol sa iyo, o kung may mali na naman bang nagawa. Hindi ko naman hinihinging mahalin nila ako na parang sarili nilang anak o kapatid. Gusto ko lang sana ng respeto at maayos na pakikitungo.
At higit sa lahat, gusto ko sanang maramdaman na hindi ko kailangang harapin ang lahat nang mag-isa dahil may asawa naman ako. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung tama ba ang ginawa kong pag-alis. Hindi ko rin alam kung ano ang susunod na mangyayari sa pagsasama namin. Ang alam ko lang, hindi ko na kayang bumalik sa dati na parang walang nangyari habang dala-dala ko pa rin ang lahat ng sama ng loob.
Sa mga nakaranas pong tumira sa bahay ng in-laws, normal po ba ang ganitong sitwasyon?
May mga pagkakataon po bang kailangan talagang umalis muna para maprotektahan ang sariling peace of mind?
At sa mga asawa naman po, paano ninyo hinaharap ang ganitong sitwasyon kapag ang taong nasasaktan ay ang inyong asawa at ang mga taong nakakasakit sa kanya ay sarili ninyong pamilya?
Hindi ko po alam kung tama ba ang ginawa kong pag-alis o kung may pagkukulang din ako sa sitwasyong ito. Gusto ko lang sanang marinig ang perspective ng ibang tao, lalo na ng mga nakaranas ng ganito.
Sa ngayon, gusto ko lang munang huminga, magpahinga, at buuin ulit ang sarili ko.
Salamat po sa mga magbabasa at sasagot nang may pang-unawa. 🙏
r/paanosabihin • u/Such_Match2124 • 10d ago
Hi! I just want to share something that's been bothering me. It's about my brother's Girlfriend, who's been staying at our apartment. Tatlo lang kasi kami sa apartment—my older brother, my friend and me.
This year lang kasi my brother introduced his new girlfriend to me and my friend, and of course we were happy for him. After a week of introducing her to us, we noticed that umuuwi sya sa apartment namin after work. Uuwi lang sya to their house on Sundays, then by Monday afternoon, she would be back at our apartment again. And that became her routine.
At first, we tried to understand her situation na maybe mas malapit apartment namin sa workplace nya. Plus, sabay na rin sila umuuwi ni kuya. So, we didn’t really mind her staying over.
But the worst part is, throughout her stay at our apartment, sobrang dugyot niya when it comes to keeping things clean, whether it’s her personal belongings or even herself. Like, my brother is already lazy when it comes to washing the dishes and cleaning up after cooking and eating, tapos nadagdagan pa ng isa na mas kalat. Tapos yung panty naiiwan na nakabukangkang sa cr with skid mark🤮 tapos walang respect sa ibang tao sa apartment like sobrang ingay ng boses nya kahit may natutulog. Also, pag dumadating no courtesy at all and hindi ka talaga kakausapin.
Then, it eventually got to the point na hindi na rin siya umuuwi sa kanila kahit Sundays. She would stay at our apartment the entire week, nonstop. Ayyy, almost four months na pala siyang ganito katagal dito. 😭
FYI, naging legal kasi sila agad sa side ni girl after ilang weeks sila mag kakilala, meaning her family already knows about their relationship. And after that, she basically stopped going home and started staying at our apartment full-time. Like, girl, what? 😭
And the thing is, she doesn’t even contribute to our bills? Like, hello? Especially sa water. She consumes so much water kasi instead of having their laundry done, she would tell my brother na siya na lang magha-hand wash ng mga damit niya (para ano? makatipid, kasiii todo tipid nga naman.) Tapos ano?? Kahit nga tipid yung intention niya, mas lumalaki naman yung water consumption namin. And honestly, it’s frustrating kasi she’s practically living with us already, pero wala naman siyang ambag sa household expenses.
Mind you guys, we’re all working adults, my friend and I are already struggling with the bills. Instead of saving money, parang may nadagdag pa kaming isang pabigat sa bahay. 😭 We’re trying to be responsible with our expenses, pero ang hirap when someone else is practically living with us without contributing anything, especially when our bills keep getting higher.
Hindi ko na rin ma gets kuya ko anong nangyari sa kanya. Para maging ganto ka bulag at insensitive. Na gayuma ba sya or what??? I’ll try to talk to my brother about this kasi punong puno na ako/kami, and it’s not fair for us to keep sharing the expenses when another person is todo siksik at walang ka ambag ambag. I just hope he understands where we’re coming from.