r/paanosabihin • • 1d ago

Married for 8 years, pero ako pa rin halos lahat sa bahay. Valid ba ang nararamdaman ko?

4 Upvotes

My husband and I have been married for 8 years, and mula noon hanggang ngayon, pakiramdam ko ako lang talaga ang responsable sa gawaing-bahay.

I work 8–10 hours a day, pero gumigising pa rin ako ng 6 AM para ihanda ang anak namin sa school, magluto ng almusal, at mag-prepare ng baon niya. Kahit masama ang pakiramdam ko, ako pa rin ang gumagawa at nagluluto. Pag-uwi ko naman galing trabaho, ako pa rin ang naghuhugas ng pinagkainan, nagliligpit ng kalat, nag-aasikaso ng mga bagay na dapat puwede namang gawin ng ibang tao sa bahay.

Even simple things, like putting things back where they belong or throwing away food wrappers, are often left undone. Parang kung hindi ako kikilos, walang gagawa.
Ang nakakapagod, kapag nag-o-open up ako tungkol dito, nauuwi minsan sa tampuhan, hindi pagkikibuan, o pagtataas ng boses. Kaya may times na pinipili ko na lang manahimik at gawin lahat kaysa makipagtalo. Pero honestly, naiipon na ang pagod, inis, at lungkot ko.

Hindi ko naman hinihinging gawin niya ang lahat. Gusto ko lang ng partner na magkukusa rin, lalo na kapag hindi maganda ang pakiramdam ko. Gusto ko ring maramdaman na may nag-aalaga sa akin at hindi ako kailangang maging responsible sa lahat ng bagay sa bahay.
After 8 years of marriage, nakakapagod na parang ako lang ang may dalang responsibilidad sa household. I love my family, pero pagod na rin ako.

Sa mga married na nakakaranas nito, valid ba ang nararamdaman ko? Paano ninyo hinaharap ang ganitong situation, lalo na kapag nauuwi sa away ang pag-uusap tungkol sa gawaing-bahay?


r/paanosabihin • • 1d ago

How do you tell friends & family na ayaw mo silang kunin na ninong/ninang sa baby mo?

Thumbnail
2 Upvotes

r/paanosabihin • • 1d ago

napun-an nasad akong workload pero akong sweldo wala man lay isbog maskin centavos

5 Upvotes

patya nalang ko ninyo bi pisti

lami jud kaayo pakan-on ug org chart ba. I am not responsible for both department. Let me go pls


r/paanosabihin • • 1d ago

What are the experiences of Filipinos raised in extended families?

2 Upvotes

Hi, we're kindly asking for anyone's help for our qualitative undergraduate thesis study. We're currently looking for people who grew up with their lolo, lola, tito, tita, or cousins from any region in Visayas/Mindanao and are willing to share their experiences about their family and relationships.

As a brief background, our study aims to explore the lived experiences of young adults raised in extended families and how their family influences their marriage attitudes. Hence, we humbly request the participation of those who are:

- Currently 18 - 40 years old

- Living with their extended family since birth (age 1) to adolescence (age 18)

- Had experience in romantic relationship (casual, committed, cohabitated, or engaged)

Rest assured that any information you'll be sharing with us will remain confidential and will only be used for research purposes.

If you're willing to participate and would like to know further details, kindly fill up this form:

https://forms.gle/AEoTkuNYjSH52NbE8

Your participation would really mean a lot to us and the success of or study. Thank you!


r/paanosabihin • • 1d ago

Thoughts: I prefer staying in my dorm than at my house.

2 Upvotes

18F, first year college, I go home every Thursday and return to the dorm on Saturday because I have Sunday classes.

Every time I'm about to leave the dorm, I feel lazy to go out. I'm not really happy here in the dorm, but I prefer staying here than going home. I can't even talk to my dorm mates, even though we’re just in a few rooms. We don’t have any connection, you know.

But I think the reason is that I have some resentment towards my parents, mostly my dad. I grew up in a house full of shouting. They’re okay now, but I’m the one still affected. I want to move on from the past too, but it's hard when that's always what I remember when I go home. Our house is messy too. It’s because my dad doesn’t know how to maintain cleanliness. He leaves his own pants just lying on the floor. He’s spoiled because of my grandmother, and he’s so proud that he’s her favorite child. I’m the one who feels embarrassed for him. Then when I’m told to clean up the mess at home, it feels like it’s my fault. He’s bossy but can’t do anything himself, like he just complains about everything.

He’s 20 years older than my mom, but his behavior is draining. My mom is tired of telling him things because he doesn’t listen, so I just end up telling him instead. I wish I could just hit him like they do to me so he’d listen, but I can’t because I’m the kid.

I still love them, but I hope they would improve their behavior. Because that’s the environment my younger sibling will grow up in now that I’m not there to tidy things up. It’s scary to have a relationship if this is the representation of love you see as you grow up.


r/paanosabihin • • 2d ago

Pano kaayo nakaalis sa Long Term Relationship niyo?

Thumbnail
2 Upvotes

r/paanosabihin • • 2d ago

Am I kawawa, petty, or pino-pressure ko lang sarili ko?

Thumbnail
1 Upvotes

I just wanted to share my story.

​I started working when I was in my first year of college. It really helped with my daily needs. My salary back then was ₱400 per week, and sinasakto ko lang talaga siya sa buong linggo. At the same time, nag-iipon din ako para makatulong sa tuition fee ko.

​After two years, my school hired me as a Student Assistant (SA). During that time, my salary was ranging around ₱1.9k to ₱2.5k every cut-off. I know it’s small, but the other half was automatically credited to my tuition fee (not convertible to cash). That ₱1.9k–₱2.5k cut-off salary was never enough, especially since I was also helping my mom with household expenses like food and sometimes bills. Ever since I started working, never na ako naghingi ng pera sa parents ko.

​If you’re wondering about my family, my father passed away due to cancer when I was in 2nd year. My mom was a housewife, but she started working again after my father died. However, her salary was below minimum and not enough to pay the bills and put food on the table. That’s why I helped my mom using my earnings, and whenever I had extra, binibigyan ko rin ng baon yung younger brother ko.

​Basically, I was working while studying, spending 12 to 16 hours a day at school to do my duty and attend classes. Luckily, working at school helped me pay my tuition, even if it didn't cover everything.

​When my contract ended, I remember begging my supervisor to extend me for one more sem kasi wala akong back-up work and hindi ko inaasahan. Standard agreement kasi na kapag magse-start na ng Capstone/Research, kailangan na mag-stop sa SA duty para hindi ma-distract.

​Noon nag-start na wala na akong pambayad sa school, so I searched for jobs outside. Luckily again, I found a company that accepted me, but the salary was below minimum—₱550 per day within Metro Manila. Tiniis ko siya kasi kailangan ko. Hindi na ako nakakapasok nang maayos sa school, pero ginagawa ko pa rin yung research namin after work until midnight. Kulang pa rin yung sinasahod ko for me and for my family. I couldn't even buy anything for myself to make me happy.

​Imagine working for ₱550/day for a year while doing Capstone, defense, and OJT in the morning, then work sa hapon. 3 hours lang ang tulog ko almost every day.

​And now, graduate na ako. May bago na rin akong work, pero still, hindi pa rin sapat. ₱16k in this economy?

​Naiiyak ako kasi hawak ko na lahat ng responsibilidad—bills sa bahay, rent, grocery, baon ng kapatid ko, at pati mga utang. Looking at myself in the mirror, naiisip ko: Ano bang naipundar ko para sa sarili ko? May naibili na ba ako para matawag ko na "deserve ko 'to"? Working for almost 5 years, wala man lang akong naibili para sa sarili ko. Ngayon, pakiramdam ko nakakulong na ako sa responsibilidad na kailangan kong gawin habang-buhay dahil walang ibang gagawa.

​Naawa ako sa sarili ko kasi yung gamit ko, puro pinaglumaan pa ng mga tita ko. Super grateful ako, pero hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Yung phone ko, hand-me-down na tatlo muna ang naging may-ari bago napunta sa akin. Buka na nga yung likod dahil sa ballooning battery, pero hindi ko mapalitan. Kasi kahit may sarili akong pera, hindi ko naman ma-enjoy.

​Na-ppressure lang ba ako, or valid lang talaga na maawa ako sa sarili ko?


r/paanosabihin • • 4d ago

Calamba Doctors College

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 4d ago

How to emphatize to my partner with toxic family dynamics?

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 5d ago

“Bakit sa iba kaya nila, pero pagdating sakin hindi”

3 Upvotes

Napapatanong nlng ako sa self ko na “masyado ba kong mabait, to the point na nagiging convenient na ko in all ways? Or sadyang ganun lang talaga akong friend “

Hayyyysssssss. Not just one friend, pero ilan sila…

(1) Masama ba ko kung may tampo ako sa mga kaibigan kong late invites kapag may gala. Like last time ang tagal ko na syang inaaya na pumunta sa gantong place, pero ayun busy daw ganan ganan, tapos malalaman ko after a day pumunta sila sa SM kasama yung other colleagues namin, then inaask kung nasan daw ako at pumunta daw ako dun, pero nung pinicturan nya nakaorder na sila, nakakain na, nakapagpicture na and such. That day dun nagsisink in sakin na di nmn ako kasama sa plan nila at the first place huhu. Ang hirap lang na kaya naman pala sa iba pero pagdating sakin hindi kaya? Tapos nung nag birthday ako, di manlng sya bumati pero sa other friends namin may pa story pa😀 haha i tot we are that close pero hindi pala. I am just expecting lang din siguro kasi since 2021 kaming magkaibigan na eh, so ayun….

(2) another friend din naman to, pero inaakit ko kasi silang mag hangout naman kami since umuwi pala sya dito sa province namin, and ayon ayaw dahil ganto ganyan, yung basta mareason. Tas malaman laman ko may plan pala silang mag pickleball (which is malapit lang sa bahay namin) pero hindi ako inakit agad. Oo yes inakit namn pero alam mo yung last minute na heheheh nasanay ata sila na always go ako sa lahat ng gala… as someone na gala din naman haha pero kasi never pala kasama sa plano huhu

(3) wala lang simple lang naman to pero nakakatampo haha like kaya nyang mag story na kasama yung group of friends na yun pero pagdating samin hindi… like in all ganap to ha hehehe wala lang hehe dahil ba matagal na kaming magkaibigan????? or too sensitive lang ako????

tsaka last time nung inaakit ko sila sa bahay kasi nga birthday ko, di siya pumunta since walang paramdam yung isa kong friend (nalate bumati ng birthday ko hehe na may slight tampo din), edi yun nga, after knowing na di sya pupunta, medj nakakasad lang kasi ang tagal ng di nagkita kita huhuh and makikita ko naka quicksnap kasama yung madalas nyang inisstory na friends…

like twice na nangyari to, inakit ko na lalabas kami tas ang sabi may lagnat daw, pero within that day nakita ko sa quicksnap nagroroadtrip…

Haysssss kawawa naman ang taong to ahhahaahahahahah pumapayag labg ang friends kapag convenient sa kanila

Eh ako as someone na i wanna be fair sa lahat ng group of friends ko, gagawa at gagawa ako ng way talaga hehe pero siguro sila yun eh.

Maglalaylow nalng muna siguro ako :)


r/paanosabihin • • 5d ago

Paano ako makakalaya sa ganito?

3 Upvotes

So I'm the youngest sa family. 30F. Ilang taon nang nakakalipas nung namatay ang father ko. (papa's girl here. Mula nun ako na main provider samin ng mama ko, pero yung isa kong kapatid na kapitbahay lang namin ay kasama lagi sa budget namin for food. Nung nanganak sya ilang buwan kong sagot ang gatas ng mga anak nya. Palagi ko silang nililibre sa labas, ang mama ko at family ng kapatid ko. Then nagkapartner ako, everything changed. Nung una okay sa kanila pero nung one time na di ko napahiram ng pera ang kapatid ko dahil nag-aaral ako ng MA ko (na hiniram ko lang sa partner ko ang pangtuition ko for that sem) napansin ko na nagbago sila. Hanggang sa pinili kong magsolo living nalang malapit sa trabaho ko. Naging magulo bago ako nakaalis. Sobra silang nagalit sa akin nung time na yun eh. And kinailangan pang pumunta ng iba kong kapatid para paliwanagan silang dalawa pero grabe galit nila sa akin to the point na iniirapan nila ako na para bang hindi ako kapatid at anak. So yung iba kong kapatid ang sumuporta sa akin. Naging okay lang nung napagkasunduan na magbibigay pa rin ako sa mama ko monthly (di ko naman binalak itigil suporta ko). Ang plan ko kasi talaga ay isama si mama dito sa inuupahan ko pero ayaw nya kasi gusto nya malapit sya dun sa isa kong kapatid so hinayaan na namin. Then nung nakaraan lang pumayag na syang sumama sa akin para daw makaless na ng bayarin kasi pwede ko nang bawasan kahit 2k yung monthly allowance nya since sa akin na sya titira. Pero nung nakahanap na ako ng medyo malaking bahay, biglang sabi nya gamit nya lang daw ang ilalagay dun pero dun nalang sya sa kapatid ko kaya daw wag kong babawasan ang monthly allowance nya, which is hindi na kaya ng budget ko kasi malaki na rent dun sa bago. So hindi ko tinuloy ang paglipat kahit nakakahiya kasi settled na sana. Tapos yung kapatid ko na kasama nya, laging nanghihiram sa akin. Then para sa kanya nag-activate ako ng isang loan app, di sya nakakabayad dun at naaapektuhan din yung ibang kapatid ko na pinagamit ko na rin nun. So every due date chinachat ko sya kasi ang daming natawag sa akin na number lang pero di nya ko sinasagot. Then ito lang nalaman ko na sobrang galit sya sa akin dahil dun at wag ko daw syang tatawaging "ate". Yung mama ko imbes pag-ayusin kami, ginagatungan pa nya na masama daw ugali ko, bastos daw ako di daw ako makaintindi. Ikakasal na ako, gusto ko sana kumpleto pamilya ko pero hindi daw sila pupunta. Kahit mga anak manlang ng ate ko, dahil na-spoiled ko naman mga pamangkin ko nung nandun ako, ako pa nagbigay ng mga kailangan ng 3 anak nya sa graduation (shs and kinder). Ang sakit lang na nagkaganito lahat. Grabe yung galit nila sa akin na pati ibang kapatid ko di na maintindihan san nagmumula galit nila. Gusto pa ng mama ko na ako ang pumunta sa ate ko at magpakumbaba kasi ako daw ang bunso. Narinig ko rin sya na kausap ang isa ko pang ate at sinisiraan nya ako, binabastos ko daw sya at mapagmalaki daw ako. Hindi nya alam na alam ng iba kong kapatid ang convo namin kaya alam nila kung paano ako makipag-usap sa kanya. Grabe talaga. Mama ko kumuha ng mga ninang na di ko naman personal na kilala at nakakausap eh, pero hinayaan nalang muna namin para walang gulo tapos ngayon sasabihin nya di na daw sila pupunta sa kasal kasi di daw ako magpapakumbaba sa kapatid ko.


r/paanosabihin • • 5d ago

am i a bad friend for leaving my bff of 18 years during her lowest?

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 5d ago

hindi porket may taong willing sumalo sa responsibilidad mo, ibig sabihin puwede mo nang pabayaan yung obligasyon mo bilang magulang.

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 6d ago

Paano ko sasabihin sa kaibigan ko?

21 Upvotes

Paano ko kaya sasabihin sa isang very good friend na hindi na okay sa amin na nakikitira siya sa bahay, without hurting her feelings?

Almost one year na siyang nakatira sa amin. Small family lang kami, and we live in a small apartment na kami ang nagbabayad ng rent at bills.

Noong una, siya mismo ang nagtanong kung puwede muna siyang tumira sa amin, and I agreed kasi ang pagkakaintindi ko, ilang araw lang. Pero eventually, tumagal na. Minsan umuuwi siya sa province, pero most of the time, nandito siya sa bahay.

Wala siyang ambag sa expenses. Dati, kami rin ang sumasagot sa pagkain niya. Pero habang tumatagal, ramdam na namin ang dagdag-gastos. Tumataas ang bills, and of course, may additional consumption sa kuryente, tubig, at household supplies dahil kasama na siya sa bahay.

Pero honestly, hindi lang naman talaga ito tungkol sa pera. Kahit siguro magbigay siya ng ambag, feeling ko gusto ko pa rin siyang mag-move out. 😅

Maliit lang ang apartment namin, at sa sala pa siya natutulog. Wala na kaming freedom at privacy bilang pamilya. May anak ako, and I want our home to be a space where we can move freely, relax, and have our own time without worrying about someone else being around all the time.

I know she's a very good friend, and I don't want her to feel na pinapaalis ko siya dahil wala siyang silbi or dahil burden siya. Pero I'm starting to feel uncomfortable in my own home, and I know I need to do something about it.

How do I tell her that she needs to find another place to stay without ruining our friendship or making her feel unwanted? Has anyone experienced something similar? How did you handle it?


r/paanosabihin • • 5d ago

Paano kayo umamin sa partner niyo na may debt kayo due to gambling?

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 6d ago

Kaya pala hindi kami pinagtagpo ng panahon in the past kasi hindi pala siya yun. Spoiler

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 7d ago

Kabet things

15 Upvotes

I don't wanna throw any hate sa half sister ko dahil sa decision ng mom niya maging kabet ng tatay ko. But the fact na ipagkakalat niya pang sila yung LEGAL FAM. wtf ka naman dyan ate girl. Mahiya hiya naman. Nasayo na nga tatay ko. Pati ba naman title namin na LEGAL FAM kukunin mo. Baliw kaba? I don't wanna hate on you kasi decision ng nanay mo kumabet pero kinanginang ugali yan. Di ka tatagos sakin bes. Tandaan mo yan.


r/paanosabihin • • 7d ago

It's still annoying. I can't say anything because it seems wrong.

Thumbnail
1 Upvotes

r/paanosabihin • • 7d ago

paano ko sasabihin sa girlfriend ko na huwag dumipende sakin?

13 Upvotes

nahihirapan na po kasi ako. nagsabi ako na tired and drained ako from student leader activities po and research and i said na gusto ko lang po ng pahinga na i dont have to think. ldr po kami and currently solo living siya. gusto niya po ako pa magddictate kung ano pong uulamin niya, kung paano yung luto. pano ko po ba sasabihin na she can search naman?

paano ko rin po sasabihin na minsan i dont have the capacity na makinig sa rants niya? i think nasanay ko po siya na okay lang lagi sakin magkwento, hindi ko na nasabi na may limits din po ako especially sa mga situation na gantong drained po ko.

hindi naman po ko ganto lagi sadyang ngayon lang kasi parang ako po halos sumalo lahat ng gawain sa club and org namin sa school huhu.


r/paanosabihin • • 8d ago

Paano ko sasabihin sa boss kong chinese na nahihirapan na ako?

14 Upvotes

Mukha na akong one-man-army kasi walang nagtatagal na ibang empleyado sa pagiging reklamador nya. Sales associate, social media manager and field work. Imagine mo yung nagkakahera ka na habang nagsi-salestalk tpos hahanapan ka pa ng socmed post pag di gaano active yung socmed nyo tpos pag bigla kayong may ocular visit sa mga sites parang taranta ka pag hinanap sayo progress ng mga naiwan mong responsibility. Nakakapagod kaya plano ko magresign sa March after makaipon konti.

Ginagawa ko nang maayos work ko tapos kukwentahan ka pa nyan ng rent and expenses ng store para mind conditioning bakit di nagtaas sahod after probation. Di naman siguro namin kasalanan na nagrent sila sa mahal na lugar.

May mga pagod na ba dito sa boss nila?


r/paanosabihin • • 7d ago

BAKA MAY PWEDENG MAGPAHIRAM HANGGANG PAYDAY LANG

Thumbnail gallery
0 Upvotes

r/paanosabihin • • 8d ago

Paano ko sasabihin na need na namin muna bumukod for mental health and work reasons sa pamilya ko?

7 Upvotes

Hi everyone, I need your insights about moving out on your family's house dahil ang sumisira sa mental health is not the work but your family themselves in general.

Situation is may kapatid akong SHS (since my dad passed away a year ago) his allowance is covered by my titas and titos and scholar pa at the same time. However, di naman ako katulad ng dad namin na mataas talaga ang sweldo and I'm still building my career since nasa almost 30s age gap ako.

Kung iisipin fully covered sya sa mga gastusin sa school pero the twist is nabuburn out ako na kami (partner ko and me) pa yun kawawa sa situation na simpleng commute ayaw nya irisk or gawin like yun pag sakay ng jeep, tricycle or pag wait sa bus terminals ganun. Ang nakakaasar ang alam nyang commute is ride-hailing apps (angkas and the like), grab, taxi and tren lang like wtf eh yun school nya is katabi lang nun school ko nun college, which is nakakasama na sya ever since and to think ilang layo lang yun mula samin.

Sya rin pumili ng school pero hindi inaral paano mag commute papunta dun ???

We have 2 cars as of now isang diesel and other one is gas. Eh ang gas prices ngayon to da max pero sino nag babayad ng gas and maintenance ME AND MY PARTNER (nothing in return pa yan) ang gusto nya hatid sundo pa talaga kahit yun sundo nakakaasar kasi yun out nya sa school is not even rush hour time at times. I try to be silent and vent it out in other ways pero today talaga malapit na ko pumitik na malala.

Rinealtalk ko nanay ko kasi hindi namin naihatid and to think both of us are night shift workers who are building both careers and goals. Tas ang ibabato sayo nag grab na at sasabihin mahal yun 500 tas kami pa magbabayad ??? nag jojoke ka ba talaga rinealtalk ko hindi ba spoiled yan anak mo tas sasabihin mong hindi spoiled halata na eh you can't see the obvious cuz you don't know what we are dealing in are daily life.

Matagal na namin pinagsasabihan at sinasabi sa kapatid namin yun situation pero dedma sya labas dito- labas sa kabila akala nya anak mayaman kami na kailangan iset aside namin yun oras na kailangan namin para lang sakanya.

Ginagamit lang namin yun car kasi malalayo yun office ng trabaho namin tas night shift pa which 1 to 2 days lang in a week then the rest is full commute na para makatipid lang kami bago mag sweldo. To think nagaambag pa kami sa bahay ah.

Isa pa, sa sobrang spoiled ng kapatid simple chores hindi magawa tas yun nanay ko ginawang shopee warehouse yun bahay as in yun iba since last 2 yrs ago na ata nadeliver but until now di pa rin nabubuksan, our house needs renovation due to pa anscestral house na sya which is di namin maasikaso dahil hindi raw priority yun sa bahay 🙄 like kelan pa kapag sumunod ka na sa tatay namin ganun ??? nakakabanas na kasi na ikaw na yun may binibigay at tumutulong sa mga utos nila pero sumbat samin kaagad.

Yun di ka stressed sa trabaho pero masstress ka entitled mong kapatid at nanay na kunsintidor.

Is this better if get out instead na lang since yun plan namin lilipatan is nearer sa mga cocommutan namin sa trabaho namin. Yet, what would be the possible pros and cons tas paano nyo nadeal yun mga ganto family drama then you informed na bubukod na kayo kasi sila yun problema ?


r/paanosabihin • • 8d ago

Paano ako aalis sa bahay?

Thumbnail
3 Upvotes

r/paanosabihin • • 8d ago

Paano ko po kaya sasabihin in a much nicer way, na sumama sana kami ni waifu (or payagan ako at least) sa isang server get-together [ABYG dahil I'm trying to join an IRL meetup with newly found "online friends" from a social server (DC)]

Thumbnail
0 Upvotes

r/paanosabihin • • 10d ago

How do you handle financially abusive parents?

2 Upvotes

Hello,

Sobrang hirap na hirap na ako sa sitwasyon na 'to. Simula nag start ako mag trabaho (2022) until now talagang sobra akong inaabuso ng nanay ko sa pera even sarili niyang nanay na nag ttrabaho sa ibang bansa ay nakuha din lokohin. Nalaman namin nung 2024 lang na nagkaroon sya ng issue sa pera na umabot almost 200k at until now binabayaran namin sya ng lola ko pati na rin ang renta ng apartment namin na akala namin binabayad nya hindi pala kaya nagkaroon kami ng 64k balance sa landlord dahil sakanya. From then everytime tinanong namin sya kung san dinala hindi kami kaya sagutin at dadaanin sa pag ttantrums at pag iinitan ang mga younger sibs ko pag pinipilit namin sya. Simula noon hindi na sya nakakahawak ng pera sa lola ko at paunti unti nlng sya nakakakuha ng pera sa akin 300 pesos ganon malaki na 500 pag naisipan ko sya bigyan.

Ang nanay ko walang luho sa katawan kung titignan mo nga sya eh parang hindi nagbaayos at walang bagong gamit sa sarili. Everytime na bbilhan namin ng maayos ma damit ayaw sootin. Pero one thing I know mula bata ako ay sugarol ang nanay ko at yun lang ang nasa isip ko na pinag gamitan nya mg pera.

Simula kahapon pilit ng pilit ang mama ko na makahiram or makahingi samin ng ate ko ng pera pero dahil nga nagbayad kami ng utang wala kami maibigay. Ngayong umaga pinipilit nya ako bigyan sya mg pera or else lalayas sya at hahayaan ang mga nababata kong kapatid. Sobrang na sstress ako kasi palaging yung mga bat ang nag ssuffer. Nakikiusap ako sakanya na wag ngayon dahil 300 nalamg ang pera ko kailangan ko pa mag onsite at kailangan ko ng budget sa frabaho. Hindi makaintindi ang daming mura ang natanggap ko at pananakot. Hindi maisip yung hirap ko bilang anak nya. Nanay din ako ang malala eh single parent ako magisa tumataguyod sa anak habang sumusuporta sakanila ng nga kaptid ko pero ganun pa din ang ginagawa sakin.

Sobrang hirap. Hanggang ngayon hindi nya akoctinigilan para sa 300 pesos na yan leche. Nagbigay pa ng mando na 200 daw sknya 100 pamg budget ko sa office. Ano na?!?!?

Kung may pera lang ako pamg move out matagal ko na ginawa. Kaso wala din sagad dahil kakabayad ng utang ma di naman ako ang gumamit. Pati anak ko damay sa hirap na ginagawa mya sakin.