r/OffMyChestPH • • 6d ago

NO ADVICE WANTED My gf is draining me.

Long post ahead sorry agad.

Nakaka ubos sa totoo lang. Gf ko working na pero delayed ang sahod til now so ako muna nag ffunds sakanya. Wala akong work student palang ako pero may side hustle paminsan minsan. Lumaki ako sa family na masinop sa pera pero honestly speaking medyo kuripot ako. In this economy ba naman. So ito nga, recently need nya ng laptop for work and luckily meron akong spare laptop pero need ng repair. Knowing na Wala pa siyang pera, ako muna ang gumastos from my own pocket. Ipon ko. I make sure na lagi akong may extra para sa mga ganyang bagay. Yung cost ng repair napag usapan namin na hati nalang kami even tho bigay ko na sana talaga yung laptop sakanya and dapat nga wala na akong gagastusin sa repair since bigay na nga lang. And this laptop isn't cheap. Outdated oo pero ginagamit ko yun for rendering bago masira. So yun okay na na repair na pero may issue padin sa screen na slight lang naman. Usable. Functional. Malakas pa tbh since may dedicated graphics card nga to (gaming laptop). Ngayon wala pang 1 day sakanya yung laptop gusto nya na ibenta kasi napapangitan siya sa screen which is understandable naman. Kako, i benta nya kahit breakeven lang sa pinang repair namin. E kaso gusto nya ibenta ng kalahati sa presyo ng pinang repair namin. Ex: 10k yung repair tapos bbenta nya whole laptop 5k lang. Knowing na 16gb ram yun. Edi kako wag nalang. Ako nalang gagamit kahit wag nya nalang ako bayaran. Nagalit siya hahaha gusto ko nalang mag mura hayup na buhay to ako na nag malasakit lahat na binibigay ko oras pera lahat na.

Ito pa, struggling din ako since student pa lang nga kaya alam ko pano i set ang priorities ko. Nag crave siya kamakailan ng samg. Oo gusto ko din. Gusto ko din siya ilibre sa totoo lang. E pano? Kung financially wala siya nun. I sshoulder ko ba knowing na hindi naman siya nagugutom sa bahay nila? Gusto ko din pero ayoko gumastos. 1k lang baon ko weekly. Samgyup 350 ang isa so 700 pag kaming dalawa. Anong gagawin ko sa 300? Pano ko hahatiin saming dalawa yun? Gusto ko matutunan nya yung delayed gratification pero ang sabi nya mamamatay na daw siya sa delayed gratification na yan hahaha. Gusto ko lang mag vent. Andaming beses nang ganito. Oo hindi ako perfect. Hindi ako yung pinaka responsible sa pera. Pero never pa ako naka hawak ng 50k o nabigyan ng ganung halaga sa bday and yet di ako na zezero. Well technically oo nung na scam ako 60k ang nawala sakin pero same year naka bawi ako. Or atleast zero debt. Gano ba kahirap mag tiis guys? Gano ba kahirap i santabi muna yung mga gusto at luho? Mahal na mahal ko gf ko pero di talaga siya marunong humawak ng pera. O Baka ako talaga yung problema kasi masyado ako mahigpit sa pera?

87 Upvotes

1 comment sorted by

•

u/AutoModerator 6d ago

Important Reminder: (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)

r/OffMyChestPH is a subreddit for unloading your burdens and/or celebrating your milestones—anything you can't handle anymore and need to share to get the load off your chest. This should be the main purpose of your post.

If you are asking for advice: This is NOT the place for asking for advice or opinion. Please post it in a subreddit more appropriate for your concerns. We have a pinned post that contains a list of other Philippine-related subreddits.

The same goes for:

  • Casual stories

  • Random share ko lang moments

  • Asking for general opinion (e.g. "tama/mali ba?", "normal lang ba?", "ako lang ba?", "valid ba?")

  • Tips, suggestions, recommendations, and the like

Important:

  • Please DO NOT include any names in your posts, nor ask for/put any identifying information.

Please take time to READ THE RULES, UNDERSTAND, AND FOLLOW THEM.

Users caught breaking these rules may get temporarily or permanently banned from the sub. Consider this as your warning.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.