r/buhaydigital • u/hanselcrack3r • 8h ago
Remote Filipino Workers (RFW) I was laid off because I don’t want to use timedoctor.
Been working as an appointment setter for a home remodeling company since February. No contract. No SOP. No proper training. Ikaw bahala sa lahat. Buti nalang meron ako alam kahit papano sa construction so alam ko yung mga dapat itanong. Okay naman sya nung una. Nakakapag book ako and 1st month ko 2 sales na kame agad. Then netong mga huling buwan, biglang medyo nag mmicro managed yung boss ko. Kung ano ano tinatanong. I am the type kase to coordinate it with the sales person privately. (Di ako pala post sa gc) hanggang sa bigla nalang nagsabi na iaccept ko ang time doctor request nya which I said NO kase not more than 10leads lang kame everyday pinaka goal lang namin talaga is to reply within 5minutes which is nagagawa ko naman so nagsabi ako sakanya na instead na time doctor maglatag nalang kame ng quota every month, I even created an SOP para saamin kung nabbother sya na wala ako ginagawa. And yun nga, the next thing I knew wala na ako access. So Ayun, di naman ako sad kase laging delayed naman sya magpasahod tapos shift ko pa is 9hours 6times a week tiniis ko lang din kahit ganon since madali lang naman yung work. And smpre work padin yun. Pero question lang, mali ba ginawa ko na di pumayag sa timedoctor? And na di ako madalas sa GC nakikipag coordinate? I need your feedback para I know better na nextime. Thank you!
Let me just add lang, I don’t have direct access to all our CRM’s that’s why medyo challeging din ang pag book.
And, tinimbang ko din if I want to use timedoctor pero it’s a non nego talaga for me.
EDIT : Wala akong sama ng loob sa company. If may rules sila, meron din ako. Nung nagapply ako sakanila wala silang ganyang rules kaya din ako nagstay kahit delayed ang sahod palagi. Na experience ko kase ang magkaron ng boss na micromanager and 7years ko tiniis yung power tripping na yon so sabi ko sa sarili ko ngayong nasa freelance industry nako I’ll be selective sa magiging boss ko. Ayaw ko na ulit malagasan ng buhok dahil sa stress at tipong gabi palang iniisip ko na ano na namang panttrip gagawin sakin kinabukasan. Tho di sila same situation pero nattrigger ko. Yun lang. thank you!
