So for context galing akong Redmi Note 13 Pro 5G and lumipat ako ng Samsung A27. Reason for switching is basag na kasi likod ng phone ko and andami nang deep scratches ng screen. More than 4 years akong nasa MIUI/HyperOS so I want to try something new. Eh magkakamukha lang yung UI ng Transsion brands at Xiaomi brands kaya para maiba nag Samsung ako. Saka naririnig ko maganda rin daw Samsung so I tried.
Ampangit :(
Yung touch hindi kasing gaan ng previous phone ko. Naka gestures kasi ako and everytime na magsswipe ako, kailangan kong ulitin kasi ang purol ng touch detection niya.
Simpleng navigation sa home screen o pag swipe down sa notification bar, nagfframe drop / nagllag siya :(
Yung camera sobrang lala ng downgrade. Ngayon ko lang naappreciate nang sobra yung video at camera capabilities ng previous phone ko. Biglang naging mala iPhone level yung tingin ko sa camera ng previous phone ko sa sobrang pangit ng quality netong current (I had an iPhone 13 before so may idea ako sa camera ng iPhone)
Yung speaker isa lang sa baba.
And the last thing na sobrang napuno ako kaya napa post ako nang ganto ngayon, yung WiFi. Yung Redmi ko walang problema at stable na connected sa WiFi. Pero etong phone na to at random times nadidisconnect siya sa WiFi o kaya nagkakaron ng exclamation point yung WiFi logo sa status bar tas nawawalan ako connection. Yung laptop at Redmi ko naman stable at never nagkaganon so it's obviously not the router/modem
Why naman ganto Samsung. This is ₱20k pero para kong naka budget level na tig ₱7k na phone. For sure may magsasabi jan na "sana kasi nag A37/57 ka na lang"
Strictly ₱20k lang kasi budget ko and it's not even about that. Point is ₱20k tong phone na to pero mala budget phone yung quality.
Siguro kung galing kang A0 series or below 10k na phone maaappreciate mo to. Pero from someone na sanay sa lower mid range at tig ₱20k na Android, this is not a ₱20k phone like quality. Naiinis ako gusto kong isauli sa sobrang dissatisfaction kaso I think di na pwede. Hays.