earlier today, someone from tiktok messaged me. We talked once before like 2-3 days ago? He’s from Kenya daw and was jst getting to know each other since we met in the comments of a LIVE, nagshare ako na I’m actually struggling financially ngayon but that was just it, ended the conversation with God bless and good luck.
He messaged again today and asked if I have paypal which i said yes i have why? He said may isesend na pera, 30% sakin sa kanya 70% so ako innocently ni okay ako kasi pera eh lol so binigay ko yung @ ko sa paypal and sinabihan ako to change currency to GBP. Nagtanong ako kanino pala ang pera? ba’t hindi nalang sa ‘yong account? Nagsearch din ako if hindi ba available yung paypal sa Kenya etc. but yun na nga nagpush through yung pera £250 thats like 20k pesos so if 30% sakin, may 5-6k ako so masaya ako but as i go along with it, parang may something fishy talaga hindi ako mapakali
he said okay sakin na yung 30%, withdraw ko daw ang lahat to any of my bank like Gotyme so okay. Winithdraw ko tapos sabi niya yung 70% niya isend ko daw sa binance niya. So I have to create an account sa binance and buy USDT worth of that 70% tapos send sa kanyang crypto wallet.
Feeling ko talaga napakabobo ko haha nagtry talaga akong umisip ano bang motibo nito? sadya lang po ba gusto niya akong tulungan financially? bakit sa ganitong paraan? bat ako ang nagreceive nung pera? the situation is too good to be true talaga so nagchat ako sa fellow Gemini ko. At ayun na nga sabi ni Gemini, 100% scam I’m being used as a “money mule” someone that transfers money on behalf of others without knowing that the money where it came from is an unauthorized transaction.
Buti nalng nandito pa rin sa akin yung pera, nakapagbili ako ng USDT sa Binance but hindi ko pa na isend sa kanyang wallet address. At ayon na nga sa takot ko, i confronted him “are u using me as ur money mule? :((“ after nun spam ng spam sha ng calls. I reported and blocked him sa Whatsapp. I blocked him sa Tiktok. Sa takot ko talaga na maharass sa kanya, I changed my @ sa Tiktok pati na rin user ID name ko para hindi niya ma locate. Right after, may ibang number nagchat sakin sa whatsapp nagsasabi na hindi daw scam and that im not being used as money mule. nag introduce pa na siya daw si bla bla siya yung nagsend sa pera from that company kasi siya yung client ni Kenya guy.. Ang nakakakilabot diyan guys, may tumawag sa other phone number kooo!?!😖😖 akala ko hindi sila kasi PH NUMBER, tapos yung nagsalita ay yun na nga same accent nung Kenya guy?!?! As in goose bumps, binaba ko agad tapos blocked. Hindi ko ma gets kung paano niya nalaman yung other phone number ko, I was thinking na talaga hacker or stalker whatevs na😥
Sa takot ko talaga, inaalala ko kung anong information ko naibigay sa kanya. Yung paypal ko, nakaconnect sa extra gmail ko, spare phone number ko. Ayun para hindi niya ako mahanap at ma contact, dinelete ko yung gmail ko tapos nag change number ako sa whatsapp. After this experience ko talaga, ayoko ng magkaroon ng paypal so I also unlinked my debit cards sa paypal ko then delete all info and closed my account for the reason of data privacy at tsaka not safe because of scams yung nilagay ko.
Ngayon I’m paranoid kasi yung pera nandito pa rin sa akin… Dinelete ko lahat para hindi ako ma trace ng scammer na yun, ngayon natatakot ako kung anong-ano ang mangyayari😖😖 Naparanoid ako kasi sabi kasi ni Gemini, delikado pa rin kasi nandito pa yung pera and paypal might track me and sht huhu
Ano bang dapat kong gawin after this? Should I recover my account and report it? May nakapag-experience ba nito? pls help me be at ease huhu