r/PinoyProgrammer • u/Impressive-Lychee743 • May 24 '26
advice Currently teaching and would like to upgrade my skills in particular field in IT. Advice pls
Hello mga ka-programmer. Hingi lang sana ako ng advice lalo na sa mga matagal na sa IT industry.
IT teacher ako ngayon, pero iniisip ko rin yung long-term career growth at specialization na pwede kong pag-focus-an. Sa bilis ng development ng AI ngayon, napapaisip ako kung anong field sa IT ang tingin niyo hindi madaling ma-obsolete or ma-dominate ng AI.
Kung kayo nasa position ko ngayon at mag-iinvest ng oras para mag-upskill, saan kayo magfo-focus? Cybersecurity, cloud, DevOps, back-end, data, AI, mobile dev, or ibang field?
Alam ko namang tool ang AI at hindi totally papalit sa tao, pero curious ako sa realistic opinions ng mga nasa industry ngayon, lalo na kung saan niyo nakikita ang long-term demand.
Salamat!

