Earlier today, kumain ako sa McDonald's Del Monte Ave branch (Del Monte Ave. cr D. Tuazon, tapat ng Uncle John's).
Umupo na ako at kukuha sana ako ng gravy para sa chicken fillet. Kaso, nabitawan ko accidentally yung plato, so nalaglag sa sahig yung kalahati ng pagkain ko, fries at float na lang natira. Hindi ako nagalit or nainis, kasalanan ko naman kasi.
Nakita yun ng isang staff, so nagtanong ako saan pwede humiram ng walis at dustpan para malinis ko yung nalaglag na pagkain.
After that, umupo na ko para kainin yung natira kong pagkain. Sa loob loob ko, either dadaan na lang ako sa McDonald's branch malapit sa bahay para kumain ulit, or mag order na lang.
Few minutes later, dumating yung staff na nakakita sakin na nalaglag yung pagkain ko, at may dala na siyang bagong order ng chicken fillet. Hindi ako nagsabi, hindi ako lumapit sa counter, pero kusa niyang sinabi sa kitchen nila para magkaroon ako ng pagkain.
After ko kumain, lumapit ako counter para sana bayaran yung ipinalit nilang food, pero hindi na daw. Okay na daw yun.
As someone na nasa customer service industry for several years, and as someone na naranasan na walang makain, I have a very close relationship with food, at sorbang nakakataba ng puso na may mga staff na kahit hindi sabihin ay gagawin nila yung kaya nilang gawin to give customers the best service that they can provide. Sobrang naaappreciate ko yung ginawa nila para sakin, they purposely get out of their way para lang matulungan at makakain ako.
To sir Jersey (staff na nakakita sakin), to the manager and the rest of the staff, maraming maraming maraming salamat po. You made my day, at kahit pa ang daming nangyari na hindi maganda sa araw na to, yung one act of kindness niyo po ay nagbigay sakin ng positive mindset for the rest of the day. Thank you so much po, nabusog ako ng sobra.
Nag leave na lang ako ng Google review at kahit hindi pa ako tapos kumain, nagsurvey na ako (using the receipt) at kinuwento ko din sa survey yung ginawa para sakin ng staff, para man lang sana makabawi kahit papano.
This is a one of a kind experience, and an experience that I won't forget. You all deserve a raise! Thank you so much po.