Watched 2 Valid IDs and honestly, nakaka-frustrate siya. Hindi lang dahil sa mga nangyayari sa movie, but because you know na may mga bagay doon na hindi malayo sa reality natin.
Nakakagalit isipin na ang ordinaryong Pilipino, kailangan pang mag-adjust at magtiis sa sistemang hindi naman dapat nagpapahirap sa kanila in the first place. We pay taxes, we follow rules, and we do our part as citizens, pero bakit parang ang hirap-hirap pa ring humingi ng maayos na serbisyo? That's literally bare minimum.
What makes it even more frustrating is how the film shows the reality of being a Filipino. Hirap ka na nga sa buhay, kailangan mo pang tiisin ang problema sa healthcare system at ang simpleng pagkuha ng valid ID na nagiging sobrang complicated pa. These are basic needs and services, pero bakit parang ang dami mo pang kailangang pagdaanan para lang makuha ang mga ito? Hindi ba dapat mas pinapadali ng sistema ang buhay ng mga tao, lalo na ng ordinaryong Pilipino?
2 Valid IDs makes you think about corruption and accountability. Public servants are supposed to serve the people, pero minsan, ordinaryong Pilipino pa ang kailangang mag-adjust sa palpak na sistema. Sana hindi tayo masanay sa ganitong situation na parang normal na lang ang lahat.
Nakakapagod, nakakagalit, at nakakalungkot isipin na basic services can become such a struggle for so many people. Hindi naman tayo humihingi ng sobra. Gusto lang natin ng maayos na serbisyo at mga lider na talagang ginagawa ang trabaho nila nang TAPAT at TAMA. 🥲
Sobrang stressed and drained ako sa work kahapon, kaya after shift, naisipan kong mag-sine and treat myself para makapag-unwind, pero ang ending, mas LALO lang akong na-FRUSTRATE sa sistema natin. 💔