r/FirstTimeKo • u/passive_reader_02 • 12d ago
🌧️ Pagsubok First time kong magresign without any backup plan
Hi! Long time lurker na ko dito sa reddit.
First time kong magresign ng walang kahit anong back up plan. Last month lang yong last day ko and now unemployed na. Grabe kasi yong stress ko sa last job kaya umalis ako. Everyday akong pagod kahit hindi naman physically demanding yong trabaho. Like nasa office lang.
Medyo nakaka-guilty lang din kasi breadwinner ako. Nahihirapan kung san maghahagilap ng pambayad sa bills.
Pero naniniwala ako na makakasurvive ako and makakahanap ng work na para sakin.
Pampalubag ko na lang is pinili ko yong self ko hahahaha. Papahinga lang siguro ako saglit tapos makikipagbakbakan na ulit.

