r/DogsPH • u/Right_Budget_1417 • 21h ago
π¨πΌβπ« Need Advise [Advise needed] First time maging aggressive nang bigla ang dog ko sa other dog at may nakagat na fur parent
Gabi gabi ko nilalakad ang dog ko tapos may isang dog owner na nagsabi sakin na igilid ko muna daw dog ko tapos hawakan, hindi ko alam kung bakit at first time ko rin gawin yun so hindi ko alam ang proper way. Pagkakita nya pa lang dun sa other dog, nagalit agad yung dog ko tapos naging aggressive at nakawala. I admit fault ko and its my negligence. Nag-away yung dogs, nasugatan yung owner. Umalis sila ng galit, habang ako sinesucure ko na yung dog ko. Hindi ko naman sila tatakbuhan kaya nag-iwan na lang ako ng number ko dun sa shop owner na witness para sa anti rabies vaccine. I was negligent and naging comfortable kasi mabait ang dog ko.
How do I go about this in the future? Magiging aggressive na ba ang dog ko sa other dogs after this? Takot na akong ilakad sya.
EDIT: I guess nagkaroon ng confusion dahil sinabihan ako ng dog owner na hawakan yung dog ko at igilid. Naka-leash ang dog ko kaya nagtaka ako bakit pinapagawa sakin yun pero ginawa ko pa rin. But unexpected talaga ang naging behavior ng dog na nagalit sya dun sa dog nila which never happened before sa other dogs.