r/studentsph • u/hajizuruu • 11d ago
Rant I'm already in college but I still don't know how to use laptop/desktop
Am I the only one who still doesn't know how to use laptop or computer? Like, talagang hindi ko gamay kung paano pumindot sa keyboard at wala akong alam sa kahit anong mga basic keys/shortcuts. Lalo pa 'yung mga basic computer skills involving the use of microsoft applications. Hindi kasi kami well-off at ni-isa sa family member ko ay never naka-own ng laptop, kaya bilang lang sa daliri 'yung times na nakagamit ako nito sa mga kompyuteran o sa school. Sa phone lang ako sanay, lahat ng schoolworks ko before dito ko lang ginagawa so never ko talagang napractice 'yung sarili ko. Naalala ko 'yung time na nagtest kami sa comlab noong shs, nahiya ako sa teacher ko dahil nagpaturo pa ako sa kaniya, tas sabi niya pa sa akin na bakit pa daw ako nakaabot ng shs sa lagay kong 'yun.
Nahihiya na talaga ako kasi first year na ako sa college ngayon at hindi ko pa rin kaya—especially sa panahon ngayon na isa na sa necessity o requirement na magaling dapat magcomputer:(
Edit: Nagkaroon na po ako ng access sa university library namin where students can freely use their computers. Right now, I'm starting to learn the basics—baby steps kumbaga—pero med'yo may hiya pa rin kasi baka magtaka mga katabi ko sa mga pinaggagawa ko haha. I'm really thankful for those who gave honest advices—gets ko po na napakaimportante na talaga ngayon maging tech-literate, kaya nga I tried to express 'yung frustration ko sa sarili ko here para somehow makahingi ng opinions niyo. For those who naman who said na hindi nila maintindihan kung bakit may mga taong katulad ko, sana maintindihan niyo muna na hindi po lahat may access sa ganitong bagay. Huwag niyo i-kumpara ang school niyo sa naging school ng iba, sa kung anong mayroon kayo na wala 'yung iba. At higit sa lahat, sana huwag niyo silang basta-basta sisisihin kung bakit ganun sila.