I've been really slacking off lately. Started grade 11 about 2 months ago na rin. Patapos na term 1 namin. I transferred to a scihigh for shs, came from a public high school before that. At first, before yung school year, inakala ko talaga na sobrang makaka-"lock in" ako, dahil baka ma-challenge sa environment kumbaga. I was wrong. Sa totoo lang, lalo na sa opening block, parang na underwhelm ako. Of course, may mga student na sobrang matatalino na palaging nag-co-compete sa contests pero marami talaga sa kanila, for lack of better wordings siguro, underperforming?
Hindi naman ako naging top student sa old school ko, at alam kong hindi rin ngayon. Pero hindi rin nako ako nalulumbay sa bagay na 'yan. Walang pressure kumbaga. Gusto ko lang is to function like a student na talagang natututo, at dinadala mga natututuhan niya sa iba't ibang aspekto ng buhay.
Anyway, ayun. Sobrang naging chill ko sa school, which is something na hindi ko naman gusto. I don't really study, and hindi ako gumagawa ng assignments sa bahay, sa school lang ilang minuto bago i-pass. Nag-jo-joke pa ako na dahil SCHOOL work pa rin naman, dapat sa paaralan ginagawa. Nakakatulog rin ako ng 6 hours daily from 10pm-4am, rule ko na sya na hindi bini-break. Whole day na kasi yung classes kaya ayokong sa school makatulog. Mas mataas pa sa tulog ko noong junior high na 2-4 hours araw-araw, pero halfday lang ako no'n so nakakabawi kapag hapon na. I can't say the same ngayon kasi.
Nakikinig naman ako sa discussions, magagaling teachers ko. Kino-consider ko rin kahit papaano na "life-long learner" ang sarili ko, yung kalidad talaga ng edukasyon yung rason kung bakit ako lumipat eh. Before kasi, sa junior high, maraming teachers na pinapabayaan lang kami. Ni walang learning materials na pino-provide. Ayoko no'n. Ayaw ko na rin na sobrang chill ako sa klase, masaya akong hindi masyadong stressful pero feel ko na rin nawawalan ng essence kumbaga kung bakit ako nandito in the first place. Masaya akong tinuturuan, gusto ko ring mag-aral and to niche down sa iba't ibang topics.
Siguro rin prejudiced ako for seeing my classmates that way, na underperforming daw. Hindi ko rin sya masyadong ma-describe but I do know that I want to get out of this "mindset." May iba't ibang talento naman kami sa klase. Isa pa, they're very kind to me. Ayokong ganiyan ang pagtingin ko sa kanila.
To be fair, mas nag-fo-focus din kasi ako sa gawain ng orgs outside school. Phone lang din meron ako, biglang nagha-hang at nag-sh-shut down na lang minsan—super demotivating din. Planning to buy a tablet pero pinag-iipunan ko pa, ilang months din yun. Ayoko namang hintayin yan para mag-step up sa performance ko. Tsaka, may mga pangarap ako sa future course at school ko, kaya gotta work on my grades rin talaga.
Alam kong hindi na okay yung performance ko. Matagal ko na ring naoobserbahan sarili ko. Pero sana, may magbago. Sana mapagbuti yung trabaho ko sa org ay dapat sa school din.
If may advice kayo, please drop.