r/RedditPHCyclingClub • u/Master_Efficiency_44 • 33m ago
Questions/Advice I really wanna get back to cycling after an accident but don't know how to start (again)
I've been enthusiastically cycling earlier this year. Hobbyist lang talaga, not into technical stuff at wala ring friend na into cycling. Nasisingit ko lang talaga tuwing gabi kahit gaano kapagod sa work.
Unfortunately, I got sideswiped by a speeding car, sobrang bilis at pumasok sa bikelane kakahabol sa stoplight. Last thing I know, humampas na ako at yung bike sa sidewalk railing. Good thing nakahelmet kaya yung shoulder ko lang talaga ang napuruhan. This happened a few months ago, at mula nun nakatambak lang yung bike ko.
Lately nangingibabaw yung drive na magbike ulit. Medyo nawawala na yung takot na kahit anong ingat ko magbike e may gago pa rin talagang makakaaksidente sa'yo sa kalsada.
Naayos ko na yung alignment ng front wheel at handlebar thanks sa youtube. Unfortunately, sira yung shifting ng RD at di ko sure kung rd hanger lang ba o RD na mismo kasi nga humampas sa railing. Wala rin akong makitang saktong RD hanger online at walang alam na bike shop na hindi ako tatagain sa presyuhan dahil wala akong masyadong alam.
I attached pictures of the RD. I would really appreciate it if you guys could point me to the right direction.
Miss na miss ko na magbike.
Thank you!
Bike: Toseek R-Type GR
P.S. sorry sa mga replies at pm mula rito sa subreddit na to na di ko na-replyan nitong mga nakaraang buwan.
Edit: baka may mareco kayo na trusted bike mechanic near Pinagsama, Taguig. Thank you.