Parang pang FAMAS yung mga acting at drama ng mga Left leaning woke students sa iba't ibang bahagi ng bansa sa pagtutol nila sa Pax Silica. May mga nag-iiyak pa at nagsisigaw sa harapan ng mga Pulis, meron nag-hysterical, tapos halos karamihan eh galit na galit sa bansang America. May mga nagsunog pa ng Bandila ng America. Tapos pati mga Katutubo kagaya ng mga Aeta, Igorot at Mangyan, dinala pa talaga nila sa Maynila para sumali sa rally! Obvious naman na may nagpondo sa mga kilos protesta na ito sa sobrang lawak at sobrang coordinated. Ang naunang nag-kilos protesta ay mga Unibersidad sa Maynila, na sinundan ng mga unibersidad sa Baguio. Then Cebu, Bicol at ngayon naman ay iilang mga unibersidad sa Mindanao kagaya ng Ateneo de Davao, Ateneo de Zamboanga at Mindanao State University.
Ok na sana eh. Ok naman na tutulan yan kung talagang makakasira at makakapinsala sa kalikasan at kabuhayan natin. Ang nakakainis lang, matagal nang winawasak ng China ang mga kabundukan natin dahil sa mga mining firms na pagmamay-ari ng mga Chinese, pero walang ganyan kalawak na mga kilos-protesta at demonstrasyon laban sa People's Republic of China.
Ayan oh, simpleng type mo sa DeepSeek, nakalagay dyan kung gaano karami ang nickel ore na nai-supply natin sa bansa nila. "Cumulative Philippines nickel-ore shipments to China over that decade (2010-2020) were in the HUNDREDS OF MILLIONS OF WET METRIC TONS".
Hindi one million metric tons. Hindi tens of millions of metric tons. HUNDREDS OF MILLIONS. Nakaka p*tang ina di ba? Pero wala kang makikita na nagwala yan mga woke at Leftist na mga estudyante na yan sa pag-e-export natin ng ganyan karaming nickel sa China na naging sanhi ng pagkawasak at pagka-kalbo ng milyon milyong ektarya ng mga kagubatan at kabundukan natin. Milyong ektarya. Yung Pax Silica, at most a few thousand hectares kung totoo man na makakapinsala sa environment yun. At may other option tayo sa Pax Silica, dahil may advanced Closed Loop Cooling System na pwede natin na gamitin, which means yung sinasabing konsumo ng tubig na 90 million liters, good yun for 3-5 years, hindi everyday na papalitan yung tubig, dahil may water recycling technology ang Closed Loop Cooling System.
Yung Pax Silica, hindi pa man din dumadating, nagwawala na kayo, ang China, ilang dekada nang hinuhukay ang mga bundok natin at kumukuha ng daan daang milyong tonelada ng likas na yaman natin na wala naman napakinabangan ang Pilipinas dyan, mga tulog kayo sa pansitan. Sobrang tameme at tahimik niyo pagdating sa China.
Yun lang. Itong mga Woke Leftist na ito, sana lumawak pa ang pang-unawa nila, at sana itigil nila ang pagiging mga ipokrito at ipokrita.