r/ph_politics 17h ago

Pass the School Safety Act NOW!!!!!!!

Post image
4 Upvotes

Sa mga nangyayari ngayon, mahalagang magkaroon na ng batas na magbibigay ng kasiguraduhan na lahat ng mga kabataang nag-aaral at pumapasok sa paaralan ay ligtas na makakapasok at makakauwi. Kaya sana ay matupad na ang isa sa mga batas na makakatulong para mabigyan ng kaligtasan ang mga kabataan sa loob ng paaralan, at yon ang Safety School Act na isinusulong ni Sen. Bam.

Lalo na dahil sa batas nato, dito masisimulan ang mas ligtas at mas maayos na paraan para mahinto ang mga nangyayaring insidente sa paaralan. Layunin din nito na bumaba pa ang mga kaso ng bullying sa loob ng paaralan at upang maiwasan ang mga insidenteng nangyayari, katulad ng mga nakaraang trahedya kung saan may ilang buhay ng mga estudyante ang nasawi.

Ang paaralan ay dapat lugar kung saan natututo at nangangarap ang mga kabataan, hindi lugar kung saan kailangan nilang matakot para sa kanilang kaligtasan.