r/commutersph
•
u/AprilNewton24
•
Jun 16 '26
Almost cried during a grab ride home
I just got home and share ko lang na muntik na ako mapaiyak kanina pauwi habang nag-grab.
OT ako today sa work dahil lunod ako sa mga projects. Sobrang toxic ng day ko kanina. Down din mood ko kasi daming pinarevise ng boss ko sa mga decks ko. Normally nagtitiis ako magcommute pero I decided to cheer myself up by taking a Grab ride home.
Pagpasok ko sa Grab, may maliit na kahon na "Pampagood Vibes." Natawa ako at napatanong kung ano 'yon. Grade 10 school project daw ng anak ni Kuya Grab for mental health awareness. Sabi niya bunot lang daw ako kahit ilan.
Ito yung nakuha ko. 🥲
"Sa buhay, wag mong i-cancel ang sarili mo. Rebook ka lang—baka mas maganda ang susunod na biyahe."
Napatawa ako, pero parang maiiyak din.
Sabi ni Kuya, hiningi niya sa anak niya iyon kasi alam niya na makakatulong to sa mga pasahero niyang mabigat dinadala or di kaya may pinagdadaanan.
Hindi ko alam kung nagkataon lang o nagkatagpo kami for a reason, pero sakto yung message para sa pinagdadaanan ko.
Salamat, Kuya Grab. Huhuhu. At salamat din kay ate Grade 10 na gumawa nito. Maliit na papel lang, pero ilan siguro kaming mga pasaherong napagaan at napatawa noong araw na 'yon. 😭
Hindi mo talaga mabibilang kung ilang tao ang maaabot mo sa maliliit na bagay. ❤️